You are on page 1of 2

FILIPINO 08/21/2022

PANGKATANG GAWAIN QUARTER 1

Lider: Barretto, Ghislaine Leila Anica (gumawa ng ppt)

Mga Myembro:
Cruz, Hailey (gumawa ng eksposisyon, kakalasan, netong word file at mag ppresenta)
Layog, Mario II (gumawa ng wakas,)
Yabes, Vincy Gale (gumawa ng pasidhing pangyayari at, kasukdulan)
Palgan, Deshaun Cayden (mag ppresenta)
Zammit, Maria Elena (mag ppresenta)

EKSPOSISYON
Sa kauna-unahan ng nabasang kwneto, ipinakilala satin ang pangunahing karakter na si Pal Kasim, isang
Lurah. Sya’y matanda na at nasabing limang beses na sya nagpakasal, kung saan sya rin ay nagka labing-
apat na mga anak. Sa labing-apat na anak ni Pal Kasim; tatlo na lamang sa unang asawa nya ang buhay, ang
walo naman na natira ay kasama ng diniborsong asawa nya. Ang dalawa naman na babae nyang anak ay
nag kanya-kanyang asawa na, at sa pang-huli netong anak na lalake naman nyang anak ay paminsan minsan
nalamang bumibisita dahil sa army. Mahal na mahal ni Pak Kasim ang anak nyang lalake, para sa kanya-
sya nalamang ang natitira nyang pag-asa. Sa pag tanda ng Lurah, pinangarap nya na mag tayo ng bahay na
yari sa punong teak- ang pinaka mahal na uri ng kahoy. Kada punong na su-subasta ay naddismaya si Pak
Kasim dahil alam nyang hindi kalaunan at mauubos na ito at hindi na mangyayari ang kanyang pangarap.

PASIDHING PANGYAYARI
Pagtapos neto, ang lurah ay naisipan na mag-ipon ng pera para makabili ng teak at gamitin sa pag reporma
ng kanilang bahay. Ang lurah ay nagsusumikap at nakikipagkaibigan sa mga kagubatan, at sa panahong
iyon- siya ay napa-lapit sa mga puno at nangakong proprotektahan at babantayan sila. Ngunit, hindi
nagtagal, dumating ang mga Hapones at pinangibabawan sila at nagsimulang kunin ang mga puno upang
mag tayo ng mga bagong tren sa Java. Ngunit, sa kabila nito- tinanggap ng lurah ang kanilang kapalaran at
sinabihan ang kanilang anak na magsumikap na lamang sila upang makakuha ng teak na kahoy.

KASUKDULAN
At sa wakas, unti-unti, nakukuha nila ang teak na kahoy para sa kanilang bahay. Nang hindi mag tagal, ang
halaga ng rupiah ay patuloy na nagbabago. Pagkaraan ng ilang sandali, nabalisa ang lurah at nagkulong sa
kanyang silid sa loob ng ilang oras dahil sa dismaya ng malaman netong baka hindi nya na maisapatupad
ang kanyang pangarap, kasandalian ay nagising sa katotohanan ang lurah at nagsimulang magtrabaho muli
habang ang kanyang anak na lalake ay nagtatrabaho sa hukbo. Nang makabalik ang kanyang anak mula sa
hukbo, nagulat siya nang makitang nakakuha ng bagong teak wood ang kanyang ama, at tinanong siya
tungkol dito. Ito ay nang sabihin niya sa kanyang anak na ninakaw niya ang kahoy sa kagubatan na
binabantayan ng mga forester. Nagulat ang kanyang anak, ngunit pumayag siyang tulungan ang kanyang
ama na makakuha ng mas maraming teak dahil satingin nila ay karapat rapat rin na mabiyayaan sila neto
dahil sila rin ang tagapag bantay neto nuon pa man.

KAKALASAN
Habang tinutulungan ng anak ng lurah ang ama neto sa pag nakaw ng mga teak na kahoy; naimporma sila
na hindi lamang sila ang nagnanakaw rito at madami na rin ang gumagawa ng kabangisan na ito. Unti unti
ay napalago na nila ang bahay nila sa pag reporma gamit ang kahoy na teak. Matapos ang isang lingo na
bakasyon ng anak ay bumalik na ito sa hukbo. Sa pag lipas ng oras- pinayagan muling umuwi ang anak ng
lurah dahil sa kasikapan ng anak nya. Nang maka balik na ito sa kanilang tahanan, nag pasya ang mag ama
na mag subasta pa ng kahoy na teak. Habang sila’y patakas na nagppunta sa kadiliman ng gubat, nahuli sila
ng mga nag pa-patrol, tinulak sya ng anak nya ng mamataan neto ang mga nag pa-patrol. Nagulat sila ng
makita ang anak ng lurah, inaresto ito at dinala sa polisya. Ng kausapin sya, nag tapat ito sa ginawa nila at
nasabing ginawa nya ito dahil hindi sapat ang sahod nya sa pag tayo ng bahay.

WAKAS
May sasabihin sana ang tatay niya tungkol dito ng sumabat at sinabihan siya ng anak nya na siya na raw
ang sasagot sa lahat ng katanungan habang sila’y kinkwestyon ng awtoridad. Bagamat bata pa raw siya,
sinabihan nalang sya na dahil mayroon na rin namang teak house ang tatay niya, mag-ipon naman raw ito
para makabisita sa Mecca. Pinarusahan pa rin at ikinulong ang anak neto ng isang taon batay sa ginawa nila,
ngunit- hindi binawi ang teak house. At dahil rito, naging kuntento ang binata kahit sa likod ng preso dahil
alam nyang may naghihintay pa rin na bahay na yari sa teak katapos ng oras nya rito.

You might also like