You are on page 1of 3

COPYRIGHT INFRINGEMENT

INIHANDA NG: PANGKAT 1


Beraquet, Hillary
Datol, Lance
De Asis, Joannah
Soyangco, Benjamin
Guardiano, Maui
Gungon, Daevin
Andan, Angielyn
Panaligan, Marc
Binuya, Mykhaila
Ano ang Copyright Infringement?
-Ito ang proseso ng pagpaparami, pag-papakalat, at pamamahagi ng isang gawa o nakaw
na gawa nang walang pahintulot o permiso ng orihinal na may gawa.

Gaano na kalawak o ka-Talamak ang Copyright Infringement sa buong mundo?


-Sinasabing ang unang kaso o paglabag sa karapatang ito ay unang naitala noong dekada
70’s. Simula noon, lalong dumami at lumawak pa ang mga may kakayahan sa pag-kopya
o pag-pirata ng nga gawa at pagrerepodus nito.

Paano naapektuhan ng Copyright Infringement ang Industriya ng Sining at


Lipunan?
- Nakakaapekto ito sa kapwa o lipunan sapagkat nawawalan ng dahilan kung bakit
kailangan mag-aral ang mga tao, isa ito sa dahilan kung bakit marami na ang hindi
nagtitiwala sa kanilang kapwa na nagiging dahilan ng kasiraan nito sa iba.
Nagiging dahilan din ito kung bakit marami ang nawawalan ng trabaho ay dahil
nahuli na nangopya/nangongopya. Dahil dito bumababa ang kalidad ng
edukasyon sa lipunan.

- Naitutulak din nito ang katamaran ng tao. Dahil sa pagkatalamak ng nasabing


krimen ay nawawalan na ng gana ang tao aralin kung paano ginagawa at
prinoproseso ang mga bagay bagay. Bagkus, hahanao na lamang sila ng mga gawa
na may kinalaman sa kanilang gagawin at saka gagamitin ito nang walang permiso
ng mismong may – ari.

- Natatapakan din nito ang karapatan ng isang manlilikha sa pag-gamit ng kaniyang


gawa para sa kaniyang pansariling paglago sa mga aspeto ng buhay kagaya ng
pinansyal, ekonomikal, mental at emosyonal. Nagiging kalat ang kanilang mga
gawa naang kanilang walang permiso na siyang nag-uugat sa di makatarungang
pagtrato ng mga tunay na may talento sa sining kaysa sa mga tanong mahusay sa
pagrereporma ng isang gawa.
Paano ito maiiwasan?
- May mga nakalistang paraan kung paano maiiwasan ang paglabag sa karapatang
ito. Isa na rito ang pag-lalagay ng “CTTO” o “Credits To The Owners” na siyang
bilang tunay at lehitimong pagmamay-ari ng tunay na may gawa ng gagamiting
pisi.

- Kung ayaw naman maglagay ng CTTO sa mismong gagamiting gawa ay pwedeng


maglagay naman sa dulo ng source ng pinagkuhanang litrato, ideya, o anupaman
na gagamitin.

Ano ang maaring kahihinatnan ng isang indibidwal na makalalabag sa


Copyright Infringement?
- Mahalagang malaman na ang copyright infringement ay mayroong mga kaakibat
na parusang pagkakakulong ng isa o hanggang tatlong taon at pagmumulta ng
mahigit kumulang na P50,000 hanggang P150,00 para sa unang offense.
Kinakailangang tandaan iyan lalo na ng mga may hilig magpopopost sa Facebook
o Social Media ng gawa ng iba ng walang kaukulang pahintulot, permiso, dahil
maaari silang maireklamo o masampahan ng kaso ng may-ari ng copyright

You might also like