You are on page 1of 3

DITORYAL - Bullying sa school

Pang-masa
December 16, 2023 | 12:00am

AYON sa 2022 Program for International Student Assesment (PISA) na inilabas noong
Disyembre 5, 2023, kulelat ang mga Pilipinong estudyante edad 15 sa Science, Math at
Reading Comprehension. Ang mga dahilan kung bakit nangungulelat ang mga
estudyanteng Pinoy ay: kahirapan, kawalan ng nutrients sa kinakain, siksikan sa
classroom at kakulangan ng mga mahuhusay na guro.
Idinagdag ng PISA na kabilang din ang bullying sa mga dahilan kung bakit mahina ang
mga estudyante sa tatlong nabanggit na asignatura. Hindi umano dapat isantabi ang
bullying at kailangang malutas ng mga kinauukulan.

Ayon sa PISA, 1 sa 3 estudyante na may edad 15 ang nakararanas ng pambu-bully sa


kanilang kaklase. Nangyayari umano ang pambu-bully minsan sa isang linggo.

Ayon pa sa PISA, kabilang sa nararanasang bullying ang pagnanakaw, pagtatago o


pagsira sa gamit ng estudyante, pananakit gaya ng panununtok at pananabunot,
pagkakalat ng tsismis laban sa estudyante at hindi pagsama rito sa mga group
activities.

Ang pinakamaraming naitalang pambu-bully na naitala ng PISA ay noong 2019 kung


saan, lumabas na 6 sa 10 teenagers ang regular na binu-bully sa mga paaralan. Ayon
sa PISA, sa mahigit 7,000 Pilipino estudyante na 15 taong gulang, 65% rito ay binu-
bully ng ilang beses sa loob ng isang buwan.

Nang magsagawa ng pagdinig ang Senate Committee on basic education noong


nakaraang Pebrero 2023, ibinunyag ni Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng komite,
na 17.5 milyong estudyante sa bansa ang nakararanas ng pambu-bully. Ang binulgar ni
Gatchalian ay kinumpirma rin ng Child Protection Network Foundation (CPNF). Ayon pa
kay Gatchalian, lumalabas na ang Pilipinas ang nangunguna sa mahigit 70 bansa
pagdating sa bullying na may edad 13-17.

Sa kabila na maraming estudyante ang nabu-bully, tila wala namang ginagawang


hakbang ang Deparment of Education (DepEd) para malutas ang problemang ito. Hindi
naipatutupad ang mga anti-bullying measures sa mga eskwelahan sa bansa. Kahit
matagal nang nangyayari ang bullying, hindi gumagawa ng hakbang para makapag-hire
ng mga mahuhusay na guidance counselor na tutulong sa mga estudyante na
nakararanas ma-bully.

Naniniwala kami na ang report ng PISA ukol sa dami ng nabu-bully ay hindi pa sapat.
Marami pa at hindi lamang narereport dahil natatakot. Dahil din sa pambu-bully,
maraming estudyante ang hindi pumapasok dahil nagkakaroon ng trauma sa
nararanasang pambu-bully ng mga kaklase.

Ang problema sa pambu-bully ay nararapat lutasin ng DepEd. Kawawa naman ang mga
estudyante—mahina na nga sa Math, Science at Reading Comprehension ay
kinakawawa pa ng mga kaklase. Magkaroon ng plano ang DepEd ukol dito.
DepEd: Mga kaso ng physical bullying sa
mga paaralan umabot ng lagpas 200,000

Higit 200,000 kaso ng physical bullying ang naitala noong nakaraang school year ayon sa
Department of Education.

Bukod pa diyan ang 7,758 na kaso ng cyber bullying, gender-based bullying na nasa
7,800, at social bullying na umabot naman sa 17,258 ayon sa ulat ni Bernadette Reyes sa
'24 Oras'.

Pero posibleng mas mataas pa ang aktwal na bilang ng mga kaso dahil mayroon pang
mga estudyante na hindi nagsumbong ng mga ganitong uri ng pambu-bully.

Nakakagulat din ang numero ng reported suicide cases na nasa 404 at attempted suicide
cases na pumalo naman sa 2,147. Binberipika na ng Deped sa ngayon ang mga report na
eto.

Samantala, nag lunsad na ang DepEd ng helpline para sa mga estudyanteng nakakaranas
ng bullying at iba pang uri ng pang-aabuso.

Issue din ngayon ang kakulangan ng mga guidance counselors sa mga pampublikong
paaralan.

"Nakita nating problema, yung suweldo nila ay 'entry level' na suweldo. Aside from that,
yung career progression", ayon kay DepEd Spokesperson Atty. Michael Poa. —Sherylin
Untalan/VL, GMA Integrated News

You might also like