Professional Documents
Culture Documents
Eccd Checklist Front
Eccd Checklist Front
Address:
Barangay Municipality/City Province Region
Child’s Number of Siblings Child’s Birth Order (1st, 2nd, 3rd, etc.):
(Brother/s and Sister/s):
Inirekomenda na ang Checklist ay isagawa sa bata ng isang beses sa isang
taon
Makaraan na matiyak ang mga petsa, ikompyut ang edad ng bata sa pamamagitan ng
pagbabawas ng petsa ng kaniyang kaarawan mula sa petsa ng pagsasagawa ng
eksaminasyon. Bawat buwan ay binubuo ng 30 araw. Huwag i-round off ang mga buwan
o taon. Isulat ang pangalan ng eksaminer bawat pagkakataon na isinasagawa ang
pagsusulit.
Pangalan ng
Taon Buwan Araw
Eksaminer
Edad ng Bata
Edad ng Bata
Edad ng Bata
Edad ng Bata
PAGPAPAKILALA SA CHECKLIST
Ipakilala ang Checklist sa magulang/caregiver sa pamamagitan ng pagsabi ng
sumusunod:
Narito kami upang tulungan kang malaman kung paano nagdedevelop ang iyong anak
sa pamamagitan ng pagtatanong tungkol sa mga bagay na kaya niyang gawin, o
pagpapagawa sa iyong anak ng ilang mga gawain. Walang pasado o bagsak na iskor.
Ito ay checklist lamang. Ang ilang mga tanong ay para sa mga batang mas matanda sa
iyong anak, kaya hindi ko inaasahang gawin niya ang lahat ng bagay na sasabihin ko.
Plano naming isagawa ang Checklist nang maraming beses hanggang ang iyong anak
ay umabot ng 5 taon at 11 buwan. Kung kaya’t sana ay huwag ninyo siyang turuan o
sanayin dahil importante na malaman kung ano lamang ang kaniyang kaya at hindi
kayang gawin para sa kaniyang edad.
Makaraang isagawa ang Checklist, ibabahagi namin ang resulta sa inyo at kami’y
magbibigay ng suhestiyon kung ano ang maaari ninyo pang gawin upang mapagbuti
ang development ng bata.
PAANO ISAGAWA?
Ang form na ito ay maaaring gamitin para sa anim na hiwalay na mga ebalwasyon ng
parehong bata kaya magiging madali para sa iyo na makita kung paaano siya
nagdedevelop habang tumatanda. Ang “Present” na bahagi ng Form na ito ay may 6
na kolum kung saan mamarkahan mo ang kakayahan at pag-uugali ng bata sa bawat
panahon na tinataya mo siya. Kung ang bata ay nagpakita ng kakayahan o pag-uugali,
maglagay ng tsek (✓) sa naturang kolum. Kung ang bata ay hindi nagpakita, maglagay
ng gitling (-) at isulat ang dagdag na impormasyon sa “Mga Komento” na kolum na
nagpapaliwanag kung bakit hindi naipakita ng bata ang pag-uugali.