You are on page 1of 2

UNANG SUMATIBONG PAGSUSULIT SA FILIPINO 6

Ikalawang Markahan S.Y 2021-2022

Name:_________________________________________________ Score:______________________
Grade&Section :________________________________________ Date:______________________

I. Panuto: Basahin at unawain ang anekdota. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_______1. Sino ang pumunta sa estasyon ng pulis?


A. isang binata C. isang babae
B. matandang lalaki D. isang bata
_______2. Bakit pumunta sa estasyon ng pulis ang babae?
A. Kakausapin ang pulis tungkol sa nakita niyang pangyayari.
B. Sasampahan niya ng kaso ang kapitbahay.
C. Isusumbong niya ang kaibigan
D. Ire-report niya ang nangyari sa kaniyang insidente.
_______3. Bakit hindi daw siya agad nag-report sa pulis?
A. Nakalimutan niya. C. Ayaw na niyang maabala sa pagsusumbong sa pulis.
B. Natatakot siyang magsumbong. D. Nagdalawang-isip siya dahil hindi naman niya
namukhaan ang lalaki.
_______4. Bakit naisipan na niyang magreport sa pulis?
A. Nabangga muli siya ng bisekleta.
B. Nakita niya muli na nagbibisekleta ang lalaking bumangga sa kaniya.
C. Nakita niya ang bisekleta na nakabangga sa kanya sa estasyon ng pulis.
D. Nakita niya ang taong nakabangga sa kaniya.
_______5. Bakit nasa estasyon ng pulis ang bisekleta ng nakabangga sa kaniya?
A. Nasa estasyon ng pulis ang bumangga sa kaniya.
B. Nahuli na ang bumangga sa kaniya.
C. Napulot ng mga pulis ang bisekleta.
D. Binenta ng lalaki ang bisekleta at binili ng hepe ng pulis.

II. Panuto: Basahing mabuti ang talata at sagutin ang sumusunod na mga tanong.

_______6. Ano ang paksa ng talata?


A. N1H1 C. MERS-CoV
B. COVID-19 D. SARS-CoV
_______7. Paano nakahahawa ang sakit na ito?
A. kapag palaging lumalabas C. kapag nanatili sa bahay
B. kapag hindi nabakunahan D. kapag nakasalamuha sa taong mayroon nito
_______8. Ang taong may sakit na COVID-19 ay may_____.
A. sipon at lagnat C. sipon, lagnat, at pananakit ng katawan
B. ubo at sipon D. ubo, sipon, lagnat, hirap at pag-iksi ng paghinga
_______9. Kinakailangang umiwas sa mataong lugar _________.
A. mainit C. para maiwasan ang pagkalat ang virus
B. hindi mo sila kilala D. magulo at mahirap gumalaw
_______10. Ano ang pinakaangkop na islogan sa binasang teksto?
A. Laging Handa. C. Manigurado, I am Ready.
B. Iba ang may Alam. D. Ang kalusugan ay kayamanan.

III. Isulat ang TAMA o MALI ayun sa nakasulat na pangungusap.


_______11. Tiyakin kung ano ang iyong layunin sa pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan. Maaaring ang
layunin ay magbalita o magbigay impormasyon, magturo, magsabi ng katotohanan, mag-ulat, magkuwento,
manlibang at iba pa.
_______12. Alamin ang kahalagahan ng pangyayaring nasaksihan na nais ibahagi.
_______13. Maging makatotohanan sa pagbabahagi ng pangyayaring nasaksihan.
_______14. Maging malinaw sa pagbabahagi o pagsasalaysay. Iwasan ang magdagdag ng mga detalye na
hindi naman nasaksihan.
_______15. Bago magbahagi, tiyakin na tama at sapat ang mga detalye o impormasyong ibibigay.

IV. Piliin ang pinakaangkop na wakas ng sumusunod na sitwasyon. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.
____16. Tanghali na nang magising si Janela. Nagmamadali siya sa pagpasok sa paaralan, napansin niyang
maraming nakatingin sa kaniyang paa. Tumingin siya sa ibaba at napansing _____________________.
A. mabilis ang kaniyang paglalakad
B. madulas ang kaniyang dinadaanan
C. suot niya ang bagong biling pantalon
D. magkaiba ang kulay ng kaniyang suot na sapatos
____17. Makulit na bata si Rino. Maaga pa ay pumunta na siya sa bahay ng kaniyang kaibigan. Tuwang-tuwa
niyang pinaglalaruan ang mga tuta sa silong ng bahay nang bigla siyang umiyak kasi ____________.
A. kinagat siya ng aso
B. nahuli siya ng may ari
C. inaway siya ng kaniyang kaibigan
D. naalala niya ang kaniyang magulang
____18. Masayang umuwi ng bahay si Fred galing sa paaralan. Tuwang-tuwa siya sa nakahain sa mesa at
agad siyang napaupo at sarap na sarap siya sa kanilang ulam, ang paborito niyang adobong manok.
Pagkatapos kumain lumapit siya sa bintana at himas-himas ang busog na tiyan. Tumingin siya sa labas nang
bigla siyang natigilan nang ____________________________.
A. may panauhing dumating
B. umalis ang kaniyang mga magulang
C. tahol ng tahol ang kaniyang alagang aso
D. nawawala sa kulungan ang alagang manok
____19. Mahilig sa matamis si Ayesha. Madalas siyang kumain ng tsokolate, kendi, cake at ice cream. Isang
araw, nakita ng nanay na umiiyak si Ayesha hawak niya ang kaniyang pisngi.
A. Siya ay nilagnat.
B. Sumakit ang kaniyang ulo.
C. Namamaga ang kaniyang mata.
D. Masakit ang ngipin ni Ayesha.
____20. Kinakabahan si Tomy. Hindi siya mapakali. Ngayon ibibigay ang resulta ng pagsusulit. Tinawag ang
kaniyang pangalan. Nakangiti siya nang bumalik sa upuan.
A. Siya ay nakapasa sa pagsusulit.
B. Hindi nakapasa ang kaniyang kaibigan.
C. Wala sa talaan ang kaniyang pangalan.
D. Mababa ang kaniyang nakuhang iskor.

You might also like