You are on page 1of 1

Araling Panlipunan 3

Pangalan: _____________________ Petsa: _____________


Pamagat ng Output: _____________ Quarter 2, Week 7

Pamagat: Pagpapahalaga sa mga Naiambag ng mga Kinikilalang Bayani


at ang Katangi-tanging Lalawigan sa kinabibilangang Rehiyon

Gawain sa Pagkatuto Bílang 1: Sagutin ang mga tanong sa iyong


kuwaderno.
1. Sino ang mga itinuturing mong superhero?
2. Paano mo sila nakilala?
3. Ano ang mga katangian nila?
4. Ano ang mga natatangi nilang ginawa upang makilala mo sila?
5. Gusto mo bang maging katulad nila? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gawain sa Pagkatuto Bílang 2: Isipin kung sino para sa iyo ang may
katangian na tulad ng isang superhero. Iguhit ito sa iyong
kuwaderno. Isulat ang mga katangian niya kung bakit siya isang
superhero para sa iyo. Ibahagi sa iyong guro at mga magulang ang
iyong ginawa.
1. Ano ang naramdaman mo habang kausap ang iyong superhero?
2. Bakit siya ang iyong superhero?
3. Ano ang maaari mong gayahin mula sa iyong superhero?

Scoring Rubrics: 2 puntos – may kinalaman sa mga katanungan o sa paksang binigay


2 puntos - naisumite sa oras ang gawain
2 puntos – wastong bantas ang ginamit
2 puntos – nasunod ang panuto
2 puntos – sariling salitang ginamit at pagsusumikap ng mag-
aaral sa paggawa ng task

Kabuuan: 10 puntos

Reference: Pivot 4A Module AP 3, p.34

You might also like