You are on page 1of 2

Kristina: Good afternoon people(s), you are now listening to~

Us: FM Radio Station 91.1

Kyla: Ako si Dj Ghie

Kristina: At ako naman po si Dj Ria

Us: Kami ang mapagkatitiwalaan niyong Dj’s na mag hahatid sa inyo ng purong balita, walang labis, at
walang kulay.

Kayla: Samahan nyo kaming talakayin ang bawat ganap sa umiinit na tensyon sa pagitan ng China at
Pilipinas.

Kristina: Ang relasyon ng Pilipinas-China ay pinangungunahan kamakailan ng mga alitan sa teritoryo sa


West Philippine Sea, na lumaki noong naval stand off sa Scarborough Shoal noong Abril 2012

Kyla: Na pinalala pa ng mga isyu ng iligal na pananakop ng China, labag sa batas na pagtatayo ng mga
imprastraktura, at mga insedente ng paglusob at panghihimasok sa loob ng Exclusive Economic Zone o
EEZ, ng Pilipinas.

Kyla: talaga namang labag yon partner

Kristina: palaban talaga ang China.

Kristina: Kamakailan nga lamang ay ipinatawag ni Pangulong BongBong Marcos Jr. ang Ambassador ng
China upang iprotesta ang ginawang panunutok ng laser sa mga Philippine Coast Guards ng mga crew sa
barko ng China o mga “Chinese vessels”.

Kyla: Ang pagiging agresibo ng China ay ikinabahala na rin ng mga karatig bansa tulad ng Japan na
nagpahayag ng pagkabahala kaugnay sa mga aksyon ng China laban sa mga sasakyang pandagat ng
Pilipinas. Sa isang tweet, sinabi ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko na dapat sundin ng lahat
ng estado ang maritime order dahil binanggit niya ang arbitral win ng Pilipinas laban sa China noong
2016 hinggil sa magkakapatong na claim sa South China Sea. Ani nya, ang aksyon ng Chinese ship ay
“dangerous behavior”.

Kristina: korique ka dyan partner

Kristina: Ayon naman kay Australian Ambassador to the Philippines HK Yu, “hindi ligtas at pananakot na
nakadirekta laban sa Pilipinas” ang galaw ng Chinese vessel.

*Time check*

Kyla: Samantala, ang Pilipinas ay gumuguhit na ng pulang linya laban sa agresyon militar ng China sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng Enhanced Defense Cooperation Agreement sa US.

Kristina: China retreat kana, narito na ang US

Kristina: Inaprobahan nga ni PBBM ang pagdaragdag ng apat na kampo militar ng US na magagamit nito
sa paglalagay ng mga tropa nito at pag-iimbak ng mga kagamitang pandigma.
Kyla: Dahil dito partner, mayroon na ngayong siyam na kampo mula Cagayan sa bandang hilaga
hanggang Palawan sa timog na ngayon ay nasa cross-hairs ng People’s Liberation Army ng China.

:yes partner

Kristina: A-araw arawin na raw ng Department of foreign Affairs ang paghahain ng Diplomatic Protest
laban sa China hanggat hindi sila umaalis sa Ulyan Felipe Reef.

Kayla: Alas _____ na po ng hapon,

Dito na rin po nagtatapos ang programa abangan nyo kami muli dito lamang sa paboritong Radio Station
ng Bayan

All: Anggg FM Radio Station 91.1

*MUSIC*

You might also like