You are on page 1of 4

PANITIKAN NG LUGAR

Bayan ng Cabiao (Velasco at Vinuya)

 Ipaliwanag pa ng malawak kung anu-ano ang mga bagay na maaaring gawin sa destinasyong
nasabi.
 Bukod sa lugar kung asan ang Saint John Nepomoceno, ano pa ang mga bagay na dapat malaman
ng tao ukol rito? Ano ang bagay na kakaiba sa kanya na wala ang ibang simbahan?
 Sa nasabing floating market, ilan ang presyo ng mga rides? Hindi rin nasabi kung ano ang mga
patok na pagkain sa floating market na dapat bigyang pansin ng mga turista.

Panitikan ng Cabanatuan (Soriano at Tomas)

 Maikli ang dalawang minutong video sapagkat maraming maipagmamalaking lugar, bagay, at
kasaysayan ang Cabanatuan.
 Hindi binigyang diin kung ano nga ba ang mga bagay na matatagpuan sa Cabanatuan.
 Walang impormasyong makapagbibigay interes sa mga manonood.

Panitikan ng Palayan

 Walang diin at tono sa pagbanggit ng mga importanteng detalye.


 Sa aking palagay ko may mga bagay o lugar pang maipagmamalaki ang palayan maliban sa
mga nabanggit. Mas magandang dagdagan ito at palawakin pa.

Panitikan ng Gabaldon

 Hindi nakakaaliw ang background music, masyado itong payak at sa aking palagay hindi ito
nakakatulong upang manghikayat ng mga turista.
 Madetalye ang mga lugar at dapat maranasa sa bayan ng Gabaldon ay kompleto. Ito ay
mabusisi at puno ng impormasyon.

St. Nicholas Parish Cathedral

 Malinaw ang video.


 Ang paksa ay may aral.
 May kaunting kalituhan lang dahil ang tema ay panitikan ng lugar ngunit hindi naman
nabanggit ang mga bagay na dapat asahan sa nasabing cathedral
Panitikan ng Cabanatuan (Mallarre at Tamayo)

 May tono, emosyon at diin ang mga importanteng impormasyon.


 Nabanggit ang mga bagay na importante para sa paksa.
 May mga parte lamang na namamatay dahil sa musika na ginamit.

Panitikan ng San Leonardo (Lazaro at Tolentino)

 May mga parte na matagal na kumihinto ang tagapakinig at ang tanging maririnig mo lamang
ay ang musikang nakakaantok para sa akin. Kung magpapakita sila ng imahe ng mga lugar at
walang tagapagsalita mas magandang gumamit sila ng mga kantang nakakabuhay.
 Napansin ko rin ang kontras ng kulay na ginamit na panulat ng tagapagtanghal, ito ay hindi
magandang kulay para sa nasabing video.
 Masiyadong malakas ang background music na hindi na magkaroon ng maayos na audio
output yung mananalita.

Panitikan ng Santa Rosa

 Masiyadong malaki yung presentation ng screen, kailangan lagyan ng letterboxing para mas
maayos ang panonood.
 Bigyang-diin ang mga produkto sa pamamagitan ng paglalagay ng label sa bawat produkto.

Panitikan ng Llanera

 Malakas ang echo ng boses.


 Wala ng ibang ipinakita sa video maliban sa pyestang ginaganap sa llanera
 Dapat pa itong palawigin bigyang diin ang mga bagay na makakapagbigay importansya sa
bayan ng llanera.

Panitikan ng Munoz

 Hindi angkop ang lingwaheng ginamit sa video.


 Walang tagapagsalita na siyang dapat nagbibigay impormasyon sa bayan ng Munoz
 Hindi ipinaliwanag kung ano ang mga bagay na ipinakita sa video.
 Dapat bigyang diin ang mga importanteng impormasyon
Panitikan ng Talavera

 Nakukulangan ako sa mga impormasyong kanilang ipinakita, hindi manlang binigyang diin ang
mga produktong ipinakita sa lugar na ito.
 Nakapagbibigay aliw ang video sa manonood dahil sa kilig na kanilang pinaparating.

Panitikan ng Lupao

 Naipakita ang kahalagahan ng mha nabanggit na lugar sa Lupao.


 Hindi nabanggit ang mga produktong patok sa masa sa lupao.
 Kailangang bigyang diin ang kagandahan ng tanawin sa pagbibigay ng buhay sa musikang
ginamit.

PIYESA- Ang panitikan ay binubuo ng mga piyesa na isinulat o inilahad ng mga tao base sa kanilang
karanasan at nararamdaman, maaring sa anyo ng tula, nobela at marami pang iba.

ASPETO- Ang panitikan ay tumatalakay sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng bawat Pilipino.

NARARAMDAMAN- Ang panitikan ay binubuo ng iba’t ibang damdamin base sa mga nararamdaman
ng manunulat o tagapaglahad.

INSPIRASYON- Ang panitikan ay binubuo ng akdang nagbibigay inspirasyon sa mga tao.

TEORYA- Ang bawat panitikan ay binubuo ng iba’t-ibang teoryang nagbibigay aral sa mga tao,
maaaring ito ay teoryang feminismo, teoryang realism at marami pang iba.

IGALANG- Ang pantikan natin ay nagsimula na bago pa man dumating ang mga kastila sa ating bansa
kaya marapat lamang natin itong igalang dahil malaki ang tulong na nagawa ng panitikan sa ating
bayan.

KARUNUNGAN- Ang panitikan ay nagbibigay karunungan sa mambabasa. Sa bawat akdang mababasa


ay maraming aral na matutunan at maaring gamitin sa tunay na buhay.

ARAL- Ang bawat panitikan ay may sariling paksa, tema at ataking ibinibigay sa mga mambabasa
upang ang akda ay makapagbigay aral sa mga mambabasa.

NAKARAAN- Ang panitikang Pilipino ay sumasalamin sa kulturang meron tayo bago pa man dumating
ang mga kastila.
PINAGYAYAMAN- Ang panitikan ay sumasalamin sa kung paano nabubuhay ang isang tao, kung paano
pinagbubuklod ang isang komunidad at kung paano ito nagbibigay ng aral sa mga mambabasa kung
kaya’t ito ay dapat natin pagyamanin at pagyabungin upang magamit pa ito ng mga susunod na
henerasyon.

AKDA- Ang panitikan ay binubuo ng mga akda na isinulat o inilahad ng mga tao base sa kanilang
karanasan at nararamdaman.

NAGTUTURO- Ang bawat akda sa panitikan ay naglalayong magturo at magbigay aral sa mga
mambabasa kaya naman ang bawat akda ay may tema, paksa at tunggaliang pinaglalawig ng mga
manunulat.

ISINASABUHAY- Ang panitikan ay nagbibigay aral sa mga tao na dapat isinasabuhay.

TAO – Upang makagawa ng akdang pampanitikan kinakailangan ng manunulat, tagapagpahayag, o tao


na siyang magbibigay o magkapagbabahagi ng kanyang damdamin, karanasan o inspirasyon.

KULTURA- Ang panitikan nating mga Pilipino ay nagpapahayag kung paano nabubuhay ang isang tao,
kung paano pinagbubuklod ang isang komunidad at kung paano ito nagbibigay ng aral sa mga
mambabasa at lahat ng ito ay sumasalamin sa kultura nating mga Pilipino.

ANTIGO- Ang ating panitikan ay nagsimula pa bago paman pumunta ang mga kastila sa ating bansa
kaya naman masasabi ko itong antigo at mas higit pa ang katumbas kaysa ginto. Kaya naman dapat
natin itong pangalagaan at pagyabungin.

NANGANGARAL- Ang bawat panitikan ay may sariling paksa, tema at ataking ibinibigay sa mga
mambabasa upang ang akda ay makapagbigay aral sa mga mambabasa.

You might also like