You are on page 1of 4

 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

HINDI NAKABAYAD AT INABUTAN NG BAGONG RAMADAN


Ang pagbayad ng mga hindi napag-ayunuhan ay obligado, at iyan ay
Ijma’. Batay na rin sa sinabi ni Allah (Subhanahu wa Taala):
]185َ:‫ﱩﮪ ﮫ ﮬ ﮭ ﮮ ﮯ ﮰ ﮱ ﯓ ﯔﯕﱨَ[البقرة‬
“At sinuman ang may sakit, o nasa paglalakbay (na sila ay hindi makapag-
ayuno sa Ramadan), ay ang bilang (ng mga araw na hindi nila napag-
ayunuhan ay kanilang bayaran) sa ibang araw.”
At ibang usapin yaong matatanda at may mga karamdaman na wala
ng lunas at hindi na talaga nila kayang mag-ayuno. Iyan ay natalakay natin
sa usapin na: FIDYAH.
Ang hindi nakabayad ng utang na ayuno hanggang inabutan ng
bagong Ramadan, ay may dalawang kalagayan:

• UNANG KALAGAYAN: May naganap na dahilan na katanggap-


tanggap. Halimbawa ay:
a. Nagkasakit siya sa loob ng isang taon. O kaya naman ay
magbabayad na sana siya sa Sha’ban (isang buwan bago ang
susunod na Ramadan) at bigla siyang nagkasakit.
b. O kung babae, ay dinatnan ng buwanang-bisita ilang araw bago
ang Ramadan, at wala ng panahon para makabayad pa.
c. O kaya naman ay nagsilang isang buwan bago ang Ramadan, at
pagkatapos magsilang ay nagpatuloy ang pagdaloy ng dugo
(Postpartum Bleeding o Nifas) hanggang sa inabutan ng bagong
Ramadan.
d. O anumang dahilan na katanggap-tanggap.
➢ ANG BATAS NITO AY: Babayaran niya ang kanyang utang sa
nakalipas na Ramadan, pagkatapos ng bagong Ramadan.
Halimbawa, may utang siya noong Ramadan 2023, at hindi niya
nabayaran hanggang pumasok ang Ramadan 2024, dahil sa
nabanggit na mga dahilan. Ang mangyayari, ay pagkatapos ng
Ramadan 2024 ay kanyang babayaran ang kanyang utang
noong Ramadan 2023. At kung nagka-utang nanaman siya sa

193
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

bagong Ramadan (itong 2024) ay siyempre kanya rin itong


babayaran, subalit mauuna muna niyang bayaran yaong utang
niya sa Ramadan 2023, dahil yaong bagong utang niya (kung
nagka-utang ngayong 2024), ay maluwag pa naman ang
panahon, maaari niyang bayaran ito hangga’t hindi pa
pumapasok ang Ramadan 2025.

• PANGALAWANG KALAGAYAN: Dahil sa katamaran at kapabayaan.


➢ ANG BATAS NITO AY: Siya ay nagkasala, kailangan niyang mag-
tawbah at humingi ng tawad kay Allah (Subhanahu wa Taala)
dahil sa kanyang pagkakasala at kapabayaan. At tulad rin ng
unang kalagayan, ay kailangan niya ring bayaran ang kanyang
utang, noong nakalipas na Ramadan pagkatapos ng bagong
Ramadan. Ibig-sabihin, ay may dalawang bagay siyang dapat
gawin, una: ang Tawbah, pangalawa: ang Pagbayad. Ayon iyan
kay Imam Al-bukhariy(1), Shaykh Ibn Othaimeen(2), at Shaykh
Muhammad Al-shenqeetiy(3).

• IBIG-SABIHIN: Sa dalawang kalagayan ay magkatulad na kailangan


paring bayaran ang naunang utang, at kung magkakautang ulit.
Subalit ang kaibahan ng pangalawang kalagayan ay mayroon siyang
pagkakasala na kailangan ng Tawbah.
At paano naman kung MARAMING RAMADAN ang hindi nabayaran,
halimbawa ay mga apat o limang Ramadan?
Kung ang dahilan ay tulad ng dalawang kalagayan na nabanggit, ay
magiging ganun din ang batas nito. Ibig-sabihin ay kailangan parin bayaran
ang lahat ng hindi napag-ayunuhan.

(1) Saheh Al-bukhariy: 3/35


(2) Ash-sharhol Mumte, Ibn Othaimeen: 6/446
(3) Sharho Zadil Mustaqne, Muhammad Ibn Muhammad Al-mukhtar Al-shenqeetiy: 18/106

194
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

Subalit, kung ang dahilan ay KAMANGMANGAN, o KAWALAN NG


KAALAMAN sa mga batas ng Islam, ay ito ay hinati ng ating mga Ulama sa
dalawang kalagayan(1):

• UNANG KALAGAYAN: Kawalan ng kaalaman dahil sa ayaw talagang


matuto. Halimbawa, may mga Ulama naman sa kanyang lugar,
subalit siya ay hindi nagtatanong. O kaya naman ay may mga
Islamic Seminars sa kanyang lugar, subalit siya ay hindi dumadalo.
➢ ANG BATAS NITO AY: hindi siya exempted o excused. Oras na
malaman niya ang batas sa pagbayad ng utang, ay kailangan
niyang bayaran ang kanyang mga nakalipas na utang, sa
nakalipas na mga Ramadan hanggang sa mabayaran niya ito
lahat.
➢ At kung hindi alam ang bilang nito, ay ayon kay Shaykh Ibn Baz
ay tantiyahin na lamang niya(2).

• PANGALAWANG KALAGAYAN: Kawalan ng kaalaman dahil wala


talagang mapagtanungan, dahil walang may mga sapat na
kaalaman sa kanyang lugar. O kaya naman ay malayo siya sa mga
kamusliman.
➢ ANG BATAS NITO AY: kapag nalaman niya ang batas sa
pagbayad ng utang, ay hindi sa kanya obligadong bayaran ang
mga nagdaang taon.
At ang pagiging excused dahil sa kawalan ng kaalaman ay
natatalakay ito ng ating mga Ulama sa Usoul Al-fiqh
(Fundamentals of Jurisprudence), na kanilang sinabi na:
KABILANG SA KUNDISYON NG PAGSASAGAWA NG MGA
KAUTUSAN AY ANG KAALAMAN NITO(3).

(1) Alliqa Asha-shahriy, Ibn Othaimeen: 25/6, https://ferkous.com/home/?q=fatwa-853


(2) Fatawa Nuron Aladdarb, Ibn Baz: 16/373
(3) Usoul Al-fiqh, Assulamiy: 72, Mawsu-atol Qawaed Al-fiqhiyyah, Muhammad Sidqiy: 10/995

195
 MGA TALAKAYAN SA BUWAN NG RAMADAN

Subalit sa panahon ngayon, ay mukhang wala ng maidadahilan


ang mga tao, na sasabihin nilang hindi nila alam, sapagkat
marami ng maaaring mapagtanungan hinggil sa Islam, maging
ang social media ay napasok na ng ating mga Ulama.
At ating banggitin muli, na kung nag-aayuno ng obligado, tulad
halimbawa kung nagbabayad (Qada) at naimbitahan sa isang kainan ay
haram na kumain; dahil obligado ang isinasagawang ayuno, at ang hatol nito
ay tulad rin ng pag-aayuno sa Ramadan, na hindi maaaring putulin nang
walang dahilan, tulad ng sakit o paglalakbay, at iba pa. At ang pagkain sa
isang kainan ay hindi maaaring dahilan upang putulin ang obligadong ayuno.
Iyan ay nabanggit ni Ibn Qudamah(1), Annawawiy(2), Shaykh Ibn Baz(3), at ni
Shaykh Ibn Othaimeen(4).

Bilang panghuli, ang pinaka maipapayo sa bawat isa hinggil sa


pagbayad ng mga hindi napag-ayunuhan ay:
➢ UNA: Dapat tandaan ang bilang ng mga araw na hindi napag-
ayunuhan, isulat sa cellphone o sa note book.
➢ PANGALAWA: Matapos ang Ramadan ay may mahigit tatlong daan
(300+) na araw bago ang susunod na Ramadan upang bayaran ang
mga hindi napag-ayunuhan, magbayad agad at huwag ilalagay ang
sarili sa mahirap at masikip na sitwasyon.

***

(1) Al-mugniy, Ibn Qudamah: 3/160-161


(2) Al-minhaj, Annawawiy: 8/28
(3) Majmu Fatawa Ibn Baz: 15/355
(4) Sharho Riyad Assalihin, Ibn Othaimeen: 4/204

196

You might also like