You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX, ZAMBOANGA PENINSULA
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
CATALINA VDA DE JALON MEMORIAL SCHOOL SPED CENTER
TUMAGA, ZAMBOANGA CITY

Banghay-Aralin
Ikatlong Markahan

Guro:Sitto Mersa l. Gampal Asignatura: Filipino 5


Seksyon : V-PG, V-GAMPAL , V-GIL, V-CALAGBANG, V-GENITO Petsa: Pebrero 5-6,2023

I. Layunin : Napagsunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan (kronolohikal na pagsunod-


sunod)

II. Paksang- Aralin: : Pagsunod-sunod Ng Mga Pangyayari Sa Tekstong Napakinggan


( Kronolohikal na Pagsunod-sunod )
A. Sanggunian: Alab Filipino 5 (BatayangAklat), pp. 126-128
Ang Wikang Filipino 6, pp. 44-45
B. Kagamitan: power point, larawan ,laptop, tarpapel

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain:
a. Balik aral:
Ano ang gamit ng pang-abay sa paglalarawan ng kilos?

B. Pagganyak:
Ipakita ang larawan.

C. Paglalahad:
Sa Puso at Isipan ni Isabella
Sabado,9 Nobyembre 2013, ika-3 ng hapon
Tanghali na nang magbalik ang koryente sa aming lugar kung kaya’t hapon na
naming nalaman ang nangyari sa bansa matapos manalasa ang bagyong Yolanda. Labis
akong nalungkot sa mga nakita kong imahen sa telebisyon. Marami palang naapektuhan at
namatay sa bagyo lalong-lalo na ang mga nakatira sa Tacloban.Kawawa naman sila.
Tahimik akong umiyak para sa kanila.
Linggo, 10 Nobyembre 2013, ika-8 ng umaga
Maaga kaming nagsimba ng aking pamilya. Taimtim kong ipinagdasal ang mga
naging biktima ng kalamidad na matinding nanalasa sa mga taga- Tacloban. Patuloy akong
nalungkot para sa kanila.
Lunes, 11 Nobyembre 2013,ika-10 ng umaga
Seryosong tinalakay sa klase ng aming guro ang mga nangyaring trahedya sa
Tacloban. Maayos niyang naipaliwanag ang kanilang kalagayan at madali niya kaming
nahikayat kung paano kami makatutulong. Mabilis na nagtakda ang aming paaralan ng
lugar kung saan dadalhin ang aming donasyon.

Lunes, 11 Nobyembre 2013, ika-9 ng gabi


Agad kong inilabas ang aking lumang gamit. Hinanap ko sa kabinet ang aking mga
lumang damit na maayos pa ang kalagayan tulad ng kamiseta, pantalon, at laruan na
matagal ko nang hindi nagagamit. Masaya ring tumulong ang aking mga ate at kuya upang
makapagbigay sa mga nangangailangan. Tunay ngang masayang nakapagbibigay ka sa
mga taong nangangailangan ng pagkalinga at pagmamahal.

D. Pagtatalakay :

Ano-ano ang mga pangyayari na nag-udyok kay Isabella upang tumulong at magbigay sa mga biktima ng
bagyo?
Kung ikaw si Isabella, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Pangatwiranan ang sagot.
 Ang pakikinig ay isang mabilis at mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon.
Kinakailangan ang ibayong konsentrasyon sa pag-unawa, pagtanda o paggunita sa narinig
upang madaling masagot ang hinihinging impormasyon ng pagkasunod-sunod.
 Kapag sinasabing Kronolohikal na Pagkasunod-sunod tumutukoy ito sa agham na pag-
aayos ng mga pangyayari ayon sa kung ano ang nauna sa panahon.
 Kadalasang naglalaman ito ng isang petsa o panahon.
 Gumagamit ito ng mga panandang noong una, habang, pagkatapos, kasabay nito.

E.Pagpapayamang Gawain:
Gawain I: Panuto: Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng paglalagay ng mga
pangyayari sa bawat araw mula sa napakinggang talaarawan.

Gawain 2: Ayusin ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayaring sa talaarawan.


Isulat lamang ang bilang 1-5 sa nakalaang patlang.
________ 1. Inihanda ni Isabella ang kaniyang mga pinaglumaang damit at laruan. ________ 2.Ipinagdasal
ng pamilya ni Isabella ang nangyaring trahedya sa Tacloban. ________ 3. Pinulong ng guro ang klase upang
ihanda sila sa gagawing pagtulong ng paaralan .
________ 4. Nalaman ni Isabella ang nangyaring trahedya sa Tacloban.
________ 5. Ipamamahagi ng klase ni Isabella ang kanilang mga naipong gamit, laruan, at iba pa sa mga
nangangailangan.
F. Paglalahat:
Ano ang ibig sabihin ng kronolohikal?

G. Paglalapat:
Bakit mahalaga na tama ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ?

IV. Pagtataya:
Panuto:Babasahin nang malinaw at maayos ang kuwento ibaba.
Carlos P. Romulo
Sa loob ng mahigit na 50 taon, naglingkod si Romulo sa walong pangulo ng Pilipinas, mula kay Manuel L.
Quezon hanggang kay Ferdinand Marcos. Isa si Romulo sa mga bumou at lumagda sa Karta ng United
Nations noong 1945. Napili siya na maging pangulo ng Ikaapat na Pangkalahatang Asamblea ng United
Nations noong 1949. Siya ang kauna-unahang Asyano at Pilipino na humawak ng ganitong tungkulin. Naging
tagapangulo rin
siya ng Security Council noong 1956. Ginampanan niya ang tungkuling ito nang tatlong ulit. Naging kalihim (
o ministro ) siya ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa ilalim ng mga Pangulong Elpidio Quirino,
Diosdado Macapagal, at Ferdinand Marcos. Namatay si Romulo sa edad na 87 noong ika-15 ng Disyembre
1985. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani na matatagpuan sa Fort Bonifacio. Para sa maraming Pilipino,
si Romulo ay isang pambansang yaman at dangal ng lahing Pilipino at ng mga Asyano.
Panuto: Ayusin ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ang mga pangyayaring nabasa. Isulat lamang ang bilang
1-10 sa nakalaang patlang.
_____1. Naging kalihim siya ng Kagawaran ng Ugnayang Panlabas sa ilalim ng tatlong pangulo.
_____2. Siya ang kauna-unahang Asyano na naging pangulo ng United Nations.
_____3. Naging tagapangulo siya ng Security Council.
_____4. Taong 1945, lumagda siya sa Karta ng United Nations.
_____5. Namatay si Romulo sa edad na 87 noong ika-15 ng Disyembre 1985.
_____6. Sa loob ng mahigit na 50 taon naglingkod si Romulo sa walong pangulo ng Pilipinas.
_____7. Si Romulo Espaldon ay pambansang yaman at dangal ng lahing Pilipino.
_____8. Inilibing siya sa Libingan ng mga Bayani.
_____9. Napili siya na maging pangulo ng Ikaapat na Pangkalahatang Asamblea ng United Nations.
____10. Ginampanan niya ang tungkulin bilang tagapangulo ng Security Council nang tatlong beses.

V. Takdang -aralin: Panuto: Magsaliksik ng mga mahahalagang pangyayari sa ating bansa sa loob ng isang
taon at gawin ito sa kronolohikal na pagkasunod-sunod.
(10 puntos)

You might also like