You are on page 1of 43

Republika ng Pilipinas

NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY


Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Kwentong Bayan: Pagdalumat sa Salysay tungkol sa mga Duwende sa Distrito ng

Magsaysay, Lungsod ng Cabanatuan

Isang Sulating Pananaliksik na Iniharap sa Klase ng Filipino

Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina

Inihanda ni:

Sta Maria, Michaela Mae DL.

Pebrero 2023
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Kwentong Bayan: Pagdalumat sa Salysay

tungkol sa mga Duwende sa Distrito ng Magsaysay, Lungsod ng Cabanatuan”, inihanda at

iniharap ni Michaela Mae DL. Sta Maria, bilang bahagi ng pagpapatupad sa mga kailangan para

sa asignaturang Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina (FILDIS).

Marianne C. Rivera

Tagapay

ii.
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay taos-pusong nagpapasalamat sa Diyos na maylikha dahil ginabayan

niya ang mananaliksik sa pagbibigay ng sapat na kaalaman at kagalingan upang matugunan ang

mga datos na kinakailangan.

Gayundin ang alab ng pasasalamat para sa pamunuan ng NEUST – General Tinio St. para

sa pagbibigay ng pagkakataon na magsagawa ng isang pananaliksik.

Sa mga magulang ng mananaliksik bilang pagbibigay ng natatanging suporta upang

maisagawa ang pananaliksik na ito.

Maraming salamat po sa inyong lahat!

Michaela Mae DL. Sta Maria

Mananaliksik

iii.
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

PAGHAHANDOG

Ang pag-aaral na ito ay hindi magiging matagumpay ng wala ang mga taong gumabay at

pumatnubay sa mananaliksik sa isinagawang pananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay buong pusong

inihahandog ng mananaliksik sa Panginoong Diyos na siyang nagbigay ng buhay at lakas sa

mananaliksik. Sa kaniyang walang sawang pag-iingat, pagbibigay ng biyaya, at pagpapala sa araw-

araw ng buhay ng bawat mananaliksik.

Malugod na inihahandog ng mananaliksik ang pananaliksik na ito sa pinakamamahal na

pamilya, sa mga magulang na hindi nagsawang suportahan ang mananaliksik, hindi pinabayaan sa

oras ng pangangailangan, sa mga kaibigan at kamag-aral na hindi nag-atubiling tulungan sa ilang

pangangailangan, sa guro ng mananaliksik na hindi nagsawang intindihin at unawain at sa lahat

ng naging kabahagi upang maisakatuparan ng matagumpay ang pananaliksik na ito.

iv.
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Talaan ng Nilalaman

MGA PAHINANG PRELIMINARI PAHINA


PAHINA NG PAMAGAT i.
TAGUBILIN PARA SA PAGSUSULIT NA ORAL ii.
PASASALAMAT iii.
PAGHAHANDOG iv.
TALAAN NG NILALAMAN v.

KABANATA 1: ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula 1

Pagpapahayag ng Suliranin 3

Paglalahad ng Layunin 4

Kahalagahan ng Pag-aaral 5
Saklaw at Delimitasyon 6
Balangkas Teoretikal 7
Paradigma sa Pag-aaral 9
Depinisyon ng mga Terminolohiya 11

KABANATA 2: MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL


Literatura sa Ibang Bansa 13
Literatura sa Pilipinas 15
Pag-aaral sa Ibang Bansa 17
Pag-aaral sa Pilipinas 20

v.
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

KABANATA 3
Disenyo ng Pananaliksik 22
Pamamaraan sa Pananaliksik 22
Pangongolekta ng Datos 23
Pag-aanalisa ng Datos 23

KABANATA 4
Paglalahad ng Resulta ng Pananaliksik 25

KABANATA 5
Lagom 28
Kongklusyon 29
Rekomendasyon 30
Sanggunian 31
Dahon ng Pagpapatibay 33
Talatanungan 34
Talaan ng mga Katanungan sa Pakikipanayam 35
Resume ng Mananaliksik 36

v.
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

v.
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG KALIGIRAN NITO

Panimula

Ang kuwentong-bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na

kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki,

o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook

o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

Ang kwentong-bayan ay kabilang sa tinatawag panitikang pasalita. Ang panitikang pasalita

(kilala rin bilang panitikang bayan) ay binubuo ng mga kuwentong naipasa na o hanggang ngayon

sa isa pang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan tulad ng komunikasyong berbal. Ang

lahat ng pinagmumulan ng mga mitolohiya sa Pilipinas ay orihinal na oral literature. Habang

ipinapasa sa salita ang panitikang pasalita, ang mga pagbabago sa mga kuwento at ang

pagdaragdag ng mga kuwento sa paglipas ng panahon ay mga natural na penomena at bahagi ng

umuusbong na dinamismo ng mitolohiya ng Pilipinas.

Sa kabila ng maraming pagtatangka na itala ang lahat ng oral literature ng Pilipinas,

karamihan sa mga kwentong nauukol sa mga mitolohiya ng Pilipinas ay hindi pa naidokumento

nang maayos. Ang mga oral na tradisyon na ito ay sadyang pinakialaman ng mga Espanyol sa

pamamagitan ng pagpapakilala ng mga mitolohiyang Kristiyano noong ika-16 na siglo. Ilan sa

mga halimbawa ng gayong pakikialam ay ang Biag ni Lam-ang at ang Kuwento ni Bernardo

Carpio, kung saan ang mga pangalan ng ilang tauhan ay permanenteng pinalitan ng mga Espanyol.

1
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ang muling pagbangon ng interes sa oral na panitikan sa Pilipinas ay umusbong mula

noong ika-21 siglo dahil sa biglaang popular na interes ng mga kabataan, kasama ng iba't ibang

media tulad ng mga akdang pampanitikan, telebisyon, radyo, at social media.

Ayon sa isang respondante ng interbyu na ani niya ay nabati siya ng Duwende, ang

Duwende ay maliit at kadalasang may wangis ng matatanda, may balbas at sumbrero na may iba't

ibang kulay. Ang pangalang Duwende ay nagmula sa Espanyol na Duwende para sa "may-ari ng

bahay," ngunit kung minsan ay tinatawag ding nuno sa punso o old man of the mound. Sa mas

modernong panahon, sila ay sinasabing naninirahan sa mga tahanan o mga bunton sa kagubatan o

mga lugar na maraming puno. Kung ginagamit nila ang kanilang mga kapangyarihan para sa

kabutihan o kasamaan ay nakasalalay sa kung paano sila tinatrato ng mga taong naninirahan

malapit sa kanila. Si Duwende ay naging isang hindi gaanong nakakatakot na pagkakatawang-tao

sa loob ng maraming taon, ngunit may mga lumang kuwento ng Duwende na magnanakaw ng mga

bata at kakainin ang kanilang mga bituka, na naglalagay sa kanila sa nakakatakot na listahan.

Isa lamang ito sa napakaraming karanasan ng mga mamamayan ng distrito ng Magsaysay

sa mga Duwende. Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito na pinamagatang Kwentong Bayan:

Pagdalumat sa Salysay tungkol sa mga Duwende sa Distrito ng Magsaysay, Lungsod ng

Cabanatuan, ninanais ng mananaliksik na makapagbigay ng mas malalim na kaalaman tungkol

sa mga kwentong Duwende sa distrito ng Magsaysay. Layunin ng pagaaral na ito na maipakita sa

mga mambabasa na ang mga kwentong-bayan sa ating kasaysayan ay may kinalaman sa buhay na

tinamasa sa kasalukuyan.

2
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Thesis Statement

Ang mga Duwende ay isa sa mga kathang isip na nilalang ng Pilipinas na nagmula sa

kwentong-bayan sa mga bayan, sa lungsod, sa probinsya, at sa lalawigan.

Pangunahing Suliranin

Sa paanong paraan naging salik sa kultura ng isang lungsod ang pagkilala sa mga

mitolohiya nito mula sa mga kwentong bayan?

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masukat ang kaalaman ng mga mamamayan ng

Lungsod ng Cabanatuan tungkol sa malawakang pagkalat ng mga sari-saring kwento tungkol sa

mga Duwende.

1) Ano ang demograpikong propayl ng mga mamamayan sa lalawigan ng Nueva Ecija

batay sa mga sumusunod at ang kaugnayan nito kung paano sila namumuhay bilang

mga normal na mamamayan?

a) Edad;

b) Katayuan sa buhay;

c) Taon ng paninirahan sa distrito ng Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan.

d) Kamalayan sa mga kwentong duwende sa distrito;

2) Paano nabuo at lumaganap ang mga salaysay tungkol sa mga Duwende sa distrito ng

Magsaysa, lungsod ng Cabanatuan?

a) Sino sino ang mga sangkot sa paglaganap ng mga kwentong-bayan

3
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

b) Sa paanong paraan umusbong at lumaganap ang mga kwentong-bayan?

c) Ano ang ugnayan ng kwentong-bayan tungkol sa mga Duwende sa layunin ng

malawakang pagkilala sa kultura ng lungsod ng Cabanatuan?

3) Maituturing bang salik sa Kultura ng lungsod ang kwentong-bayan ng patrikular ng

distrito?

a) Mayroon bang ugnayan ang mga kwentong-bayan sa distrito ng Magsaysay sa

kultura ng lungsod ng Cabanatuan?

b) Paano nakatulong ang kwentong-bayan ng isang distrito sa pagtataguyod ng

layunin ng iba’t ibang sektor ng lipunan?

c) Makakatulong ba ang pag-unawa sa mga kwentong bayan tungkol sa mga

Duwende sa distrito ng Magsaysay sa mas malawakang pagkilala sa kaakuhan

ng kultura ng lunsod ng Cabanatuan?

Paglalahad ng Layunin

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makamit ang kaalaman ng mga mamamayan ng

Lungsod ng Cabanatuan tungkol sa malawakang pagkalat ng mga sari-saring kwento tungkol sa

mga Duwende.Maisalarawan ang kultura ng Nueva Ecija na bumuo sa kasaysayan nito.

1) Maipakita ang ugnayan ng mga kwentong-bayan sa distrito ng Magsaysay sa

kultura ng lungsod ng Cabanatuan;

4
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

2) Maibahagi ang kahalagahan sa pag-aaral ng mga salik na bumubuo sa kultura ng

isang lungsod.

3) Maipakilala ang kaakuhan at identidad ng isang distrito sa pammaaagitan ng

kanilang mga paniniwala mula kwentong-bayan.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Mga paaralan: Mahalaga ang pananaliksik na ito sa mga paaralan nang sa gayon ay mas

mapagtibay pa ang asignaturang Filipino at magamit sa paghahatid ng impormasyon sa madla at

maisulong ang pagiging intelektwalisado nito upang mas makilala ang identidad ng kanilang

sarilang kultura.

Mga mamamayan: Ang pananaliksik na ito ay mahalaga rin sa mamamayan dahil mabibigyan

sila ng kamalayan hinggil sa kaninang pag-unawa sa kultura ng lugar na kanilang kinabibilangan.

Ang pananaliksik na ito ang magiging tulay upang magkaroon ng pagpapaliwanag sa mga

konsepto ng mga kwentong-bayan sa distrito ng Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan.

Mga mananalaysay: Ang pananaliksik na ito ay mahalaga sa mga manaalaysay dahil

makakatulong ito makapagbigay ng impormasyon ukol sa kultura ng distrito ng Magsaysay,

lungsod ng Cabanatuan.

5
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Mga mananaliksik sa hinaharap: Ang pananaliksik na ito ay benepisyal sa mga mananaliksik sa

hinaharap upang makapagbigay ng impormasyon sa katulad na paksa.

Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa Kwentong Bayan: Pagdalumat sa Salysay tungkol

sa mga Duwende sa Distrito ng Magsaysay, Lungsod ng Cabanatuan. Ang pag-aaral na ito ay

nakapokus lamang sa pag-susuri kung gaano kakilala ng mga mamayan ang kulturang

pinanggalingan ng Nueva Ecija at ang kahalagahan ng pagaaral nito.

Ang pag-aaral na ito ay nililimitahan lamang sa 5 na kinatawan ng mamamayan ng distrito

ng Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan na siyang respondente ng mananaliksik upang malaman

kung gaano nila kakilala ang kanilang sariling kultura. Kinakailangan na ang magiging katuwang

sap ag-aaral na ito ay sadyang pinanganak at lumaki sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa noong ikalawang semester taong panuruan 2022-202

6
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Balangkas Teoretikal

Sa balangkas teoretikal tinatalakay ang pag-aaral na ito ang pagkilala ng ating kultura

sapagkat ito ang ating binatana sa nakaraan.

Ayon sa teorya ni Urie Bronfenbrenner na ecological systems theory, isa sa mga

tinatanggap na paliwanag hinggil sa impluwensya ng mga kapaligirang panlipunan sa pag-unlad

ng tao. Ang teoryang ito ay nangangatuwiran na ang kapaligiran kung saan ka lumaki ay

nakakaapekto sa bawat aspeto ng iyong buhay.

Sa unang antas ng teorya ni Bronfenbrenner; The Microsystem, ito ay mga direktang

nakakaapekto sa isang tao. Halimbawa nito ay ang mga magulang na kung saan ay pinamanahan

ng kanilang mga ninuno ng kultura o tradisyon na kanilang kinalakihan. Nakakaapekto ito sa kung

paano tayo makipagusap o rumesponde. Makikita sa pamamagitan nito ang kulturang kinalakihan.

At habang mas lumalawak ang pag-iisip ng isang tao, nagkakaroon siya ng kakayanan maisabuhay

ang kulturang ibinabahagi sakanya.

Sa ikalawang antas ng teorya ay ang The Mesosytem, kung saan ay impluwensya namn ito

ng mga interaksyon sa ibang tao, gaya ng mga guro, kaibigan, doctor, iba pa. Sa ikatlong antas ay

ang mas pormal na interaksyon. Habang sa ikaapat na antas ay ang mas matataas na

pagkakakilanlan sa kultura ng mas malawak na publiko. Kabilang dito ang mga kapitbahay,

kasama ng magulang sa trabaho at iba pa. Sa huling antas, ay ang pangkabuuang pagbabago ng

isang tao. Sa antas na ito, makikita na ang bawat pagbabago na ginawa ng isang tao mula sa nakuha

niya sa kaniyang kapaligiran, kinalakihan, at mga naipasang tradisyon sakaniya sa bawat antas.

7
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ayon sa isang respondante ng interview, ang bilihan ng bigas ay hindi kilo, kung hindi

inilalagay ito sa isang katha, pare-pareho ang sukat na mayroong nasa tatlong kilo ang laman ng

katha sa murang halaga.

Ayon sa The Manila Times (2023), inaasahang mas tataas pa ang presyon ng bigas. Sa

panahon ngayon, hindi na inaabot ng taon ang pagkataas ng presyo ng mga produkto, minsan ay

mas tataas ang halaga ng produkto sa loob lamang ng isang lingo. Sa pagkakataon na ito makikita

kung gaano nag-iiba ang kultura ng bawat lugar. Nueva Ecija ang kilala sa pag-aani ng bigas ngunit

mismong mamamayan nito ay hindi na rin mabili ang sarili nilang tanim nang dahil sa mahal

matapos ibenta ito sa mas matataas na tao.

Sa pagbabago na ito, ano ang may pinakamalaking kontribusyon? Ang kapaligiran. Kahit

kaakay na sa kultura ng mga mamamayan ng Nueva Ecija ang pag-aani ng bigas, kung magbabago

ang isang lugar, maaapektuhan ang lahat.

Ayon sa teoryang kultural, mahalaga ang kaugalian, paniniwala, tradisyon, at kwentong

bayan na maipana sa mga susunod na henerasyon. Kaya ninanais ng mananaliksik na maipakita

ang kahalagahan ng pagkilala sa kultura ng Nueva Ecija; kwnetong-bayan ng distrito ng

Magsaysay, lungsod ng Cabantuan. Mga kwentong bayan, na mananaili sa pagkilala ng distrito

lugar.

8
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Paradigma sa Pag-aaral

Ipinakita sa paradigma ng pag-aaral ang masusing pamamaraan tungo sa matagumpay na

kinalabasan ng isinagawang pag-aaral. Sinasaliksik sa pag-aaral ng mga sumusunod na

pinagbatayan na siyang pumapatungkol sa suliraning sinisiyasat upang matugunan, at siyang

sentro ng pag-aaral na ito.

1. Pagpaplano sa pagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa pag-kilala ng mga mamayan sa


kwentong-bayanng distrito ng Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan.
2. Paggawa ng questionnaire para sa propayl ng mga piling respondate.

INPUT a. Edad
b. Antas ng taon
c. Taon ng paninirahan sa distrito ng Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan.

9
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

3. Pagsasagawa ng sarbey o pag iinterbyu sa mga mamamayan ng distrito ng

PROSESO Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan.


4. Pagbabasa ng mga kaugnay na literatura.
5. Dokyumentasyon ng mga nakalap na datos
6. Pagsusuri

7. Pagbuo ng mga karampatang solusyon ukol sa mas pagpapalawak ng pag-kilala sa


Kultura ng Nueva Ecija.
AWTPUT
8. Pagbibigay ng rekomendasyon tungkol sa solusyon sa kung paano mas
mapapalawak ang kaalaman sa kultura ng bawat isa.

10
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Binigyan depinisyon ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na terminolohiya na

ginagamit sa pag aaral para sa kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa.Binigyan depinisyon

ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na terminolohiya na ginagamit sa pag aaral para sa

kaalaman at pag-unawa ng mga mambabasa.

Asignaturang Filipino – pag-aaral ng mga kahalagahan ng wikang Filipino, tamang gramatika ng

pagsulat, mga kwento, at iba pang akademikong papel na ginagamitan ng Filipino.

Distrito – isang lugar ng isang bansa o lungsod, lalo na ang isa na itinuturing bilang isang

natatanging yunit dahil sa isang partikular na katangian.

Duwende – kilala na may mga mahiwagang kapangyarihan na maaaring magbigay sa mga tao ng

suwerte, o malas. Sa pre-colonial Philippines, tinawag silang "mangalo" at pinaniniwalaang

kumakain ng bituka ng mga bata, kaya pinatay ang nasabing mga bata.

Identidad – isang kritikal na piraso ng personal na pagkakakilanlan (at pananaw sa mundo) na

nabubuo habang binibigyang-kahulugan at tinatanggap mo ang mga paniniwala, pagpapahalaga,

pag-uugali, at pamantayan ng mga komunidad sa iyong buhay.

Intelektwalisado –

Kaugalian – tumutukoy sa nakasanayang gawin ng isang tao.

Kultura – ang kabuuang katawagan sa mga kaisipan, kaugalian, tradisyon, at gawi ng isang

lipunan.

11
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Kwentong bayan – sinasaklaw nito ang mga tradisyong karaniwan sa kultura, subkultura o

grupong iyon. Kabilang dito ang mga oral na tradisyon tulad ng mga kwento, alamat, salawikain

at biro.

Mitolohiya – isang koleksyon ng mga alamat, lalo na ang isa na kabilang sa isang partikular na

relihiyon o kultura na tradisyon.

Modernisasyon – ayon kay Wilbert Moore, ito ay isang kabuuang pagbabago ng buhay ng mga

tao mula sa tradisyunal hanggang sa paggamit ng teknolohiya na may layunin patatagin ang

ekonomiya ng bansa.

Panitikan – anumang koleksyon ng nakasulat na akda. Ginagamit din ito sa mga akda na partikular

na itinuturing na isang anyo ng sining, lalo na ang prosa, fiction, drama, at tula.

Propayl – tumutukoy sa mga personal na impormasyon ng mga taong kalahok sa pag-aaral nito.

Sanggunian – ito ay ginagamit sa maraming mga kalipunan, sakop, o saklaw ng kaalaman ng tao,

na umaako ng mga antas ng kahulugan na partikular sa mga diwa o mga konteksto na ginagamitan

nito.

Teorya – isang haka-haka o isang sistema ng mga ideya na naglalayong ipaliwanag ang isang

bagay, lalo na ang isa batay sa mga pangkalahatang prinsipyo na independyente sa bagay na

ipapaliwanag.

Tradisyon – ang paghahatid ng mga kaugalian o paniniwala mula sa henerasyon hanggang sa mga

susunod pang henerasyon, o ang kasaysayang naipasa sa ganitong paraan.

12
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyonal na mga babasahin na may

kinalaman sa isinagawang pag-aaral. Nakapagbigay din ito ng higit na malinaw na kaalaman sa

mga literatura at pag-aaral na inilakip sa pananaliksik na ito upang madagdagan ang kaalaman ng

mga mambabasa.

Literatura sa Ibang Bansa

Ayon sa New World Encyclopedia, ang Duwende ay isa sa mga nilalang na madalas

lumilitaw sa mitolohiya ng Norse. Mukhang tao ang itsura at anyo nito, ngunit maikli at matipuno

ang pangangatawan. Ito ay isa ring uri ng nilalang sa mundo na ayon sa mga sabi-sabi ay maaring

minero, inhinyero, o manggagawa.

Ang mga kwentong Duwende ay maaaring may mas makasaysayang pinagmulan: Noong

Bronze Age, ang mga minero mula sa Timog at Timog-Silangang Europa ay dahan-dahang lumipat

sa hilagang-kanluran, dahil ang medyo bihirang lata, na kailangan upang makagawa ng tanso, ay

mas karaniwan sa hilaga. Bilang mga taga-timog, karaniwan silang mas maikli kaysa sa hilagang

Europeo at may mas maitim na balat, buhok, at balbas. Ang kanilang kaalaman sa metalurhiya ay

maaaring tila nakapagtataka sa mga taga-hilaga, na ang pamumuhay ay neolitiko pa rin; ang mga

nakahihigit na sandata at baluti ng mga taga-timog ay maaaring naisip na pambihira o hindi

pangkaraniwan. Ito ay magpapaliwanag kung bakit ang mga kuwento ng tungkol sa mga Duwende

ay karaniwan lalo na sa Hilagang Europa, at kung bakit ang mga Duwende ay inilalarawan bilang

13
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

mga manggagawa, habang ang ilang iba pang mga mitolohikal na nilalang ay tila nauugnay sa

anumang uri ng organisadong industriya.

Sa mitolohiya ng Norse, ang mga duwende ay lubos na makabuluhang entidad na nauugnay

sa mga bato, sa ilalim ng lupa, at forging. Bukod sa Eddas, kapansin-pansing lumilitaw ang mga

ito sa fornaldarsagas. Ang mga ito ay tila mapagpapalit, at maaaring magkapareho, sa mga

svartálfar o ang mga itim na Duwende kung tawagin sa Pilipinas, at kung minsan ay ang mga troll

(ihambing din sa vetter, isang klase ng mga nilalang mula sa susunod na alamat ng Scandinavian).

Hinahati ng Völuspá ang mga Duwende sa maaaring tatlong tribo, na pinamumunuan, ayon sa

pagkakabanggit, Mótsognir, ang kanilang unang pinuno; pangalawa si Durinn, at panghuli si

Dvalinn, na ayon sa Hávamál ay nagdala sa kanila ng sining ng pagsusulat ng rune.

Sinasabing ang mga Duwende ay umiral habang si Odin, punong Diyos ng Norse

Mythology, at ang kanyang mga kapatid na sina Vili at Vé ay gumawa ng mundo mula sa bangkay

ng higanteng kosmiko, si Ymir. Sila ay kusang nabuo, gaya ng inaakala ng mga uod, sa patay na

laman (lupa o bato). Nang maglaon, binigyan sila ng mga diyos ng katalinuhan at hitsura ng tao.

Sa mitolohiya ng Norse, ang mga Duwende ay kadalasang nakikita bilang makasarili,

sakim, at tuso. Sila ay mga bihasang manggagawa ng metal at ang mga gumagawa ng karamihan

sa mga artifact ng mga diyos, parehong Æsir at Vanir.

Sa Scandinavia ang pinagmulan ng mga Duwende ay katulad ng Norse mythology,

gayunpaman ang mga nilalang ay inter-changeable sa mga troll. Sila ay tinutukoy kung minsan

bilang Ebeltoft, o "mga taong burol," dahil nakatira sila sa mga burol at bundok. Madalas silang

lumitaw sa mga ballad sa buong Scandinavia, tulad ng sa Eline af Villenskov, Sir Thynne, at

14
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Heimskringla, kung saan sila ay inilarawan bilang palakaibigang nilalang na kadalasang mabait sa

mga tao, hindi kapani-paniwalang mayaman at mayaman, ngunit napakapangit din.

Literatura sa Pilipinas

Ayon sa Philippine lore, ang mga punso ng lupa o anthill ay hindi lamang pugad ng mga

insekto tulad ng anay at langgam. Alam ng karamihan sa atin na lumaki sa mga lalawigan ng

Pilipinas kung bakit inutusan tayo ng ating mga nakatatanda na lagi tayong magdahilan (kaya ang

katagang “tabi tabi po” ay naging karaniwang parirala sa ating bansa) sa tuwing tayo ay dumadaan

sa ganitong pagbuo ng lupa, o maging sa mga liblib na lugar kung saan ang mga puno at anino ay

lumilikha ng mystical ambiance. Ang mga naninirahan sa mga punso na ito ay pinaniniwalaan din

na ang parehong dahilan kung bakit ang iyong kalaro ay biglang dinapuan ng lagnat o pamamaga.

Karaniwang makakita ng mga pinggan ng pagkain na iniaalok para sa hindi nakikitang nagbibigay

ng sakit na ito. (De Guzman, 2019)

Ang madalas na hindi nakikitang Duwende ay sinasabing kayang magdala ng mabuti o

masamang kapalaran. Sa ilang mga kuwento, nauugnay ito sa kanilang kulay (puti para sa suwerte,

itim para sa masama). Ang mga isinumpa na Duwende ay kilala na may kakayahang gumamit ng

halusinasyon at nahuhulog sa malapit na comatose states. Sa Trese, karaniwan para sa mga

Duwende na makisalamuha sa mga tao at tiyaking matagumpay sila sa kanilang propesyon bilang

kapalit ng mga emosyong dala ng mga tao. (Fuqua, 20

15
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ayon sa isang manunulat ng mangkukulam.com, may kakayahan din ang mga Duwende

na gumawa ng mga sukdulang gawa ng kabutihan. Sa mga rural na lugar ay may mga kuwento na

nagsasaad kung nakaya mong kaibiganin ang isang Duwende, maaari mong asahan na magkaroon

ng isang matagumpay na buhay. Ang Duwende bilang kaibigan ay magdadala ng magandang

kapalaran at maaaring magbigay ng pera, pagkain at kahit na mga mahalagang hiyas o mahiwagang

bagay. Gayunpaman, ang kanilang paniniwala na dapat gastusin o ubusin kaagad ang ibinibigay

ng Duwende kung hindi ay agad itong maglalaho. Dapat ding tandaan na ang pakikipagkaibigan

sa isang Duwende ay habang-buhay at ang pagsira sa bono ay hindi lamang magdadala ng malas

kundi maging ng kamatayan.

Gayunpaman, dahil ang lahat ay nangangailangan ng kabaligtaran, mayroon ding

kasamaan at kinatatakutang itim na Duwende o black dwarves na kilalang-kilala na nagdudulot ng

pinsala sa mga tao. Bukod sa mahiwagang sakit na ibinibigay nila, sila ay lubhang tusong

manloloko na nagta-target ng mga kabataang dalaga at bata. Bilang paghihiganti sa hindi

paggalang sa kanila, madalas nilang kidnapin ang bata o isang babaeng kamag-anak mula sa

nagkasala. Karamihan sa kanilang mga biktima ay dinadala sa kanilang tirahan at ipinangako ang

lahat ng mga bagay na gusto nila kapalit ng kanilang pananatili sa mga Duwende habang buhay.

Sa ibang lore, ang Ugaw mula sa Pangasinan ay isang maliit na nilalang na mukhang manika at

kadalasang kilala sa pagnanakaw ng bigas sa mga bahay o kamalig. Dahil kadalasan ay hindi sila

nakikita, kaya nilang sundan ang mga tao nang hindi napapansin.

16
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Pag-aaral sa Ibang Bansa

Sa Teutonic at lalo na sa mitolohiyang Scandinavian, ang terminong Duwende (Old

Norse: dvergr) ay tumutukoy sa isang uri ng engkanto na naninirahan sa loob ng mga bundok at

mas mababang antas ng mga minahan. Ang mga dwarf ay may iba't ibang uri, lahat ay maliit ang

tangkad, ang ilan ay hindi hihigit sa 18 pulgada (45 cm) ang taas at ang iba ay halos kasing taas

ng dalawang taong gulang na bata. Kung minsan sila ay maganda sa hitsura, ngunit mas karaniwan

ay kahawig sila ng mga matatandang lalaki na may mahabang balbas at, sa ilang mga kaso, mga

kuba ang likod.

Ang mga Duwende sa bundok ay inorganisa sa mga kaharian o tribo, na may sariling mga

hari, pinuno, at hukbo. Nakatira sila sa mga bulwagan sa ilalim ng lupa, pinaniniwalaang puno ng

ginto at mamahaling bato. Pangunahing sikat sila sa kanilang husay sa lahat ng uri ng gawaing

metal at sa paggawa ng mga mahiwagang espada at singsing, ngunit kinilala rin sila ng malalim

na karunungan at lihim na kaalaman, na may kapangyarihang mahulaan ang hinaharap, kumuha

ng iba pang anyo, at gawing hindi nakikita ang kanilang mga sarili.

Maraming mga alamat ang nagpapakita ng mga Duwende bilang mabait na nilalang,

mapagbigay sa mga nakalulugod sa kanila ngunit mapaghiganti kapag nasaktan. Ang mga Swiss

dwarf, o “mga taong-lupa,” kung minsan ay tumulong sa gawaing pang-agrikultura, nakahanap ng

mga naliligaw na hayop, at naglalabas ng kahoy na panggatong o prutas para mahanap ng mga

mahihirap na bata. Sa Scandinavia at Germany din sila ay palakaibigan sa mga lalaki, ngunit

paminsan-minsan ay nagnanakaw sila ng mais, tinutukso ang mga baka, at dinukot ang mga bata

at batang babae. Ang mga serbisyong ibinigay sa kanila ay kadalasang binabayaran ng mga

17
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

regalong ginto mula sa kanilang mga pinag-iipunan; ngunit ang mga nagnakaw ng kanilang mga

kayamanan ay maaaring nakatagpo ng malaking kasawian pagkatapos noon o natagpuan na ang

ginto ay naging patay na mga dahon kapag sila ay nakarating sa bahay. (The Editors of

Encyclopedia Britannica, 2023)

Ang haba ng buhay ng mga Dwarf ay iba-iba depende sa kanilang "lahi". Ang Longbeards

ay partikular na mahaba ang buhay, ngunit sa pamamagitan ng Ikatlong Panahon, ang kanilang

habang-buhay ay nabawasan at sila ay nabuhay, sa karaniwan, 250 taon. Ang mga Hari ng Durin's

Folk na pinangalanang "Durin" ay partikular na mahaba ang buhay. Paminsan-minsan ay

mabubuhay sila hanggang 300 taong gulang, at naabot ni Dwalin ang bihirang habang-buhay na

340 taon (maihahambing sa isang Middle Man na nabubuhay hanggang 100). (Tolkein Gateway,

2023)

Sa Hilagang Amerika naman, lumilitaw ang mga Duwende sa iba't ibang alamat ng

Katutubong Amerikano. Halimbawa, ay ang Awakkule, malalakas na Duwende ng bundok na

kumikilos bilang matulunging espiritu sa mitolohiya ng Crow. Ang Wanagemeswak ay

naninirahan sa ilog na mga Duwende sa mitolohiya ng mga Penobscot Indian. Ang mga Senecas

ay may mga alamat tungkol sa Djogeon, mga taong naninirahan sa mga kuweba, sa malalalim na

kanal, o sa mga batis. Ang Djogeon ay nagbabala sa mga tao tungkol sa mga panganib at kung

minsan ay nagdadala ng magandang kapalaran. (U*X*L Encyclopedia of World Mythology,

2019).

18
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Sa pre-Christian mythology at relihiyon ng Norse at sa Aleman, ang mga duwende ay

kinilala bilang invisible beings. Sa katunayan, sa mga kulturang ito, maaaring hindi ka makatagpo

ng indikasyon na ang isang duwende ay may kinalaman sa maliit na tangkad o sukat kumpara sa

ibang mga nilalang. Sa halip, ang mga dwarf ay naisip na nanirahan sa ilalim ng lupa sa

Svartalfheim, isang labyrinthine complex ng mga minahan at forges, at tila napakaitim. Sila ay

madalas na kinikilala bilang 'itim na duwende' at sa karamihan ng mga pagkakataon, sila ay

sinasabing kahawig ng mga bangkay ng tao o inilarawan bilang mga patay. Para sa kadahilanang

ito, maaari nating mahihinuha na sila ay isang napakalabo na linya sa pagitan ng mga dwarf,

duwende, at mga patay na tao. (Jewellery, 2016)

Umiiral din ang mga Duwende sa tradisyonal na kultura ng Kanlurang Aprika. Kapansin-

pansin, sa West-African spiritual practice maaari silang ipatawag ng isang pari upang dumalo sa

pagpupulong. Kapag sila ay dumalo, nakikipag-ugnayan sila sa uri ng tao sa pamamagitan ng

pagtulong sa kanila sa kanilang pang-araw-araw na buhay; para sa pagpapagaling ng sakit,

proteksyon, atbp. Ang kanilang kontribusyon ay mahalaga dahil pinaniniwalaan na sila ang mga

panginoon ng lupain, at samakatuwid ay may napakalawak na kaalaman sa halamang gamot.

Voncujovi (2013)

19
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Pag-aaral sa Pilipinas

Ang yumaong si Dr. Maximo Ramos, isa sa mga naunang iskolar na lumikha ng

isang kompendyum ng mga mas mababang mitolohikal na nilalang ng Pilipinas, ay naglalarawan

sa Dwarves o Duwende bilang isang "espiritu ng mga burol" at "mga tao sa lupa.” Sa kabila ng

kanilang laki, ang Duwende ay inilalarawan na may malalaking katangian tulad ng kanilang mga

mata, ilong, bibig at maging ang kanilang mga kamay at paa. Ang kanilang mga tampok ay lubos

na kahawig ng Scandivian at Germanic na konsepto ng mga dwarf, na katulad ng tao ngunit

inilalarawan bilang maliit at pangit. Ito ay medyo kahanay sa paglalarawang ginawa ni Emeterio

C. Cruz sa kanyang artikulo para sa Philippine Magazine XIXX (Enero 1933) kung saan sila ay

inilarawan bilang maliliit na humanoid na nilalang na may isang mata sa gitna ng noo at malaking

ilong na may isang butas ng ilong. Gayunpaman, ang karaniwang imahe ni Duwende ay

kadalasang isang matandang lalaki na kasing laki ng isang bata ang katawan at nakasuot ng salakot

(isang katutubong sombrero na karaniwang isinusuot ng mga magsasaka). (De Guzman, 2019)

Sa ilalim ng anthill kung saan sila nakatira ay sinasabing hindi mabilang na mga koleksyon

ng mga mamahaling hiyas at ginto na kanilang itinatago para sa kanilang sarili. Kung minsan ay

ibinabahagi o ipinangako nila ang ilan nito para sa dalagang sinusubukan nilang ligawan –

karaniwang may magagandang pangalan o mahilig kumanta habang nagluluto ayon sa ilang

kuwento. Sa ibang mga kuwento, iniaalok nila ito sa mga itinuturing nilang kaibigan. Ang Sagay

na kilala bilang Duwende na parang taga-Surigao, ay hindi naninirahan sa mga langgam, kundi sa

mga minahan kung saan ito ay nagmamay-ari ng mga ginto at ipagpapalit lamang ito sa dugo ng

mga bata.

20
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ang Duwendes ay higit na kilala sa kanilang mahiwagang kakayahan upang ang isang

taong nanakit o nakasakit sa kanila ay dumanas ng mga hindi pangkaraniwang sakit mula sa mga

pantal sa balat, pamamaga at lagnat na hindi mapapagaling ng anumang mga interbensyong

medikal. Gaya ng nabanggit sa itaas, nagdadala rin si Duwende ng mga engkantadong regalo sa

kanilang mga mortal na kaibigan. sa alamat ng mga Ilokano, ang Kibaan (kasing laki ng bata,

maputi ang balat, mahaba ang ilong, matangos na mata, mahabang buhok na umaabot hanggang

paa - ang mga daliri nito ay nakaturo sa likod) ng isang amerikana na maaaring gumawa ng isang

tao na hindi magagapi at isang kiraod, isang uri ng dipper na kapag inilagay sa loob ng walang

laman na garapon ay maaaring magbunga ng bigas. Ang Lampong mula sa mga paniniwalang

Ilongot ay may kakayahang mag-transform sa isang puting usa na may isang maliwanag na mata

sa noo at ito ay lubos na kilala ng mga mangangaso bilang tagapagtanggol ng ligaw na buhay sa

kagubatan.

Ang pagkakaugnay ni Duwende sa elemento ng daigdig ay nagmula sa katotohanan na ang

kanilang tirahan ay nagmumula sa anyo ng mga anyong lupa o lupa. Iniuugnay ni Jaime Licauco,

sa kanyang aklat na “Dwarves and Other Nature Spirit: Their Importance to Man” ang Duwende

at Dwarves sa klasipikasyong ginawa ng Swiss philosopher, mystic at physician na si Paracelsus.

Sa kanyang panitikan, ipinaliwanag niya na ang mga elemento ng apoy, tubig, hangin at lupa ay

ipinakikita sa pamamagitan ng mga espiritu ng kalikasan o mga elemental na naninirahan sa atin.

Ang dahilan kung bakit hindi sila nakikita ay dahil ang kanilang laman ay hindi nagmula kay Adan.

21
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ang lman ng mga elemental o mga espiritu ng kalikasan ay binubuo lamang ng isang elemento

ngunit wala silang kaluluwa tulad ng mga tao.

KABANATA III

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito inilahad ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik sa pagkalap at

paglikom ng mga datos at impormasyon na ginamit sa pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng pinaghalong kwalitatibong disenyo ng

pananaliksik. Ang kwalitatibong disenyo ng pananaliksik naman ay kinapapalooban ng mga uri

ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga tao at

ang dahilan na gumagabay rito. Mula sa disenyong kwalitatibo, ginamit ang deskriptibong

pamamaraan ng pananaliksik. Maraming uri ang deskriptibong pananaliksik, ngunit ito ang

ginamit ng mananaliksik para sa pagkalap at paglikom ng mga datos at impormasyon na

kinailangan sa pag-aaral na ito.

Ang disenyong ito ay angkop sa pag-aaral sapagkat mas napadali ang pangangalap ng datos

mula sa mga respondente.

Pamamaraang sa Pananaliksik

Ang mananaliksik ay gumamit ng instrumentong talatanungan bilang pangunahing

instrumento sa pangangalap ng datos. Ibinahagi ito sa mga respondente sa pamamagitan ng google

form. Ang talatanungan ay nahahati sa dalawang pangkat. Ang unang bahagi ay para sa

22
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

demograpikong propayl ng mga piling respondente at ang ikalawang bahagi naman ay ang mga

tanong ukol sa paksang pinag-aaralan.

Pangongolekto ng Datos

Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa Distrito ng Magsaysay, Lungsod ng

Cabantuan. Napili ng mananaliksik ang lugar na ito upang mas maging wasto ang kalabasan ng

pag-aaral, sa pagkilala ng kultura ng nasabing distrito.

Ang kabuuang populasyon ng may edad na 17 anyos pataas ay apat na raan at tatlumpu’t

siyam na libo, apat na raan at animnapu (439,460) ayon sa isinagawang census ng lalawigan ng

Nueva Ecija taong 2021. Ginamit ng mananaliksik ang Convenience Sampling sa pagpili ng mga

respondente na madaling maaabot ng mga mananaliksik. Kinuha ng mga mananaliksik ang

eksaktong bilang ng respondente sa pamamagitan ng Google Form. Binubuo ng sampung (10)

mamamayan ang naging respondente sa pag-aaral.

Pag-aanalisa ng Datos

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ng

Descriptive Statistical Analysis ang mananaliksik upang ipresenta ang mga datos kung saan

gagamit ng mga talaan upang suriin ang mga datos. Ito ang napili ng mananaliksik dahil

masmadaling maintindihan ang mga datos sapagkat nakabuod ang mga datos gamit ang talaan

gaya ngtalahanayan at gayon din ang pagtalakay samga resulta ng datos. Deskriptibong istatistika

ang ginamit sa pag- aanalisa ng mga datos upang matamo ang kasamang requency at percentage

distribution

23
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ginamit ng mananaliksik ang mga sumusunod na rating na nagsisilbing gabay sa sariling

pagpapasya ng mga respondente:

Rating Interpretasyon

5 Ganap na Pagkatuto

4 Sapat na Pagkatuto

3 Katamtamang Pagkatuto

2 Walang Gaanong Pagkatuto

1 Walang Pagkatuto

24
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

KABANATA IV.

PAGLALAHAD NG RESULTA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito, inilahad ang mga naging tuklas ng mananaliksik ayon sa mga inilahad na

suliranin. Sa bahaging ito lubos na mauunawaan ang naging resulta ng isinagawang pag-aaral

batay sa naging pagsusuri at pagpapakahulugan sa mga datos na nakalap ng mga mananaliksik

para mapagtibay ang mga sumusunod na katanungan patungkol sa Kwentong Bayan:

Pagdalumat sa Salysay tungkol sa mga Duwende sa Distrito ng Magsaysay, Lungsod ng

Cabanatuan.

1. Ano ang demograpikong propayl ng mga mamamayan sa lalawigan ng Nueva Ecija

batay sa mga sumusunod at ang kaugnayan nito kung paano sila namumuhay bilang

mga normal na mamamayan?

Ang demograpikong propayl ng mga nakuhang mgarespondente ay may

edad na 17, 18, 47, 44, at 72. Ang mga katayuan sa buhay ng mga respondente ay

may mga mag-aaral, kasal, balo, working student, na sa katamtamang uri ng buhay

at kapos palad. Mayroong higit sampung taong paninirahan sa distrito ng

Magsaysay, higit sa dalawampung taong paninirahan sa distrito, at may isang taon

lamang paninirahan sa distrito.

2. Paano nabuo at lumaganap ang mga salaysay tungkol sa mga Duwende sa distrito

ng Magsaysa, lungsod ng Cabanatuan?

25
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Ayon sa mga respondate ang mga salaysay tungkol sa mga duwende sa

distrito ng Magsaysay ay mga kwentong naipasa lamang saknila mula sa kwento

ng iba na may matagal na paninirahan sa distrito. Sa gawing ito, patuloy na

lumaganap ang mga kwento patungkol sa mga duwende kahit sa mga mamamayang

may isang taon lamang ang paninirahan.

Nasabing ang mga kwentong tungkol sa duwende ay talagang laganap sa

lugar. Ayon sa isang respondante, na minsang nabiktima ng duwende ay nailalahad

niya ang karanasan sa mga mamayan upang mas makilala nila ang gawi ng lugar,

at mapag-ingatan ang kanilang sarili lalo na ang mga bata. Karamihan pa sa mga

ito ay hindi tubong Cabanatuan kung kaya’t ang mga respondante ay nasabing

binabahagi ang mga kwentong ito upang mapalawak ang kaalaman ng bawat isa

hindi lamang sa distrito, kung hindi pati na rin sa lungsod.

3. Maituturing bang salik sa Kultura ng lungsod ang kwentong-bayan ng patrikular

ng distrito?

Ayon sa sa mga respondante, mahalaga ang pagkilala sa mga kwento ng

isang distrito dahil dito nagsisimula ang mas malawaka na pagkilala sa isang

lungsod.

Ayon sa 72 taon na respondante na may isang taong paninirahan pa lamang

sa distrito, hindi na bago sakaniya ang mga kwento tungkol sa duwende. Ngunit

malaking tulong ito sa pagkilala sa nasabing distrito nang siya ay bagong lipat pa

lamang dahil mas napag-ingatan niya ang kaniyang sarili.

26
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Maaring makilala ang isang lungsod sa pagsisimula na makilala ang sariling

distrito. Kahit maliit na detalye lamang tungkol sa distrito ay maaraming

magsimula ng malawak na kaalaman sa lungsod. Sabi pa ng isang repsondate, hindi

bago sakniya ang mga kwentong duwende dahil kahit saan naman ay mayroong

kahit isa na may karanasan sa mga ito. Ngunit sa distrito ng Magsaysay ay halos

karaniwang kwento na lamang ito. Masasabing nasa higit dalawampu ang mga

batang nakaranas na mapaglaruan ng duwende ayon sa mga respondante.

Sa ganoong kahulugan, ang mga kwentong bayan ay nakapagbibigay ng

espasyo sa mas malawakang pagkilala sa lungsod kahit ito ay partikular lamang na

karaniwan sa isang distrito.

27
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

KABANATA V.

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON

Batay sa isinagawang pagsusuri at pag-aanalisa, ang mga sumusunod ang kinalabasan ng

pag-aaral:

Lagom

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagdalumat ng mga salaysay tungkol sa mga

duwende sa ditrito ng Magsaysay, lungsod ng Cabanatuan upang maiugnay ang salik ng isang

kwentong-bayan sa malawakang pagkilala sa kultura ng isang lungsod.

Ang mananaliksik ay gumamit ng kwalitatibong pamamaraan. Convenience Sampling ang

ginamit sa pagpili ng mga respondente. Samantala, instrumentong talatanungan bilang

pangunahing instrumento ang ginamit ng mananaliksik sa pangangalap ng datos na isinagawa sa

pamamagitan ng google form.

Sa pamamagitan ng mga tanong sa mga respondate, natuklsan ang mga sumusunod;

1. Sa limang (5) respondanteng naninirahan sa distrito ng Magsaysay, lungsod ng

Cabanatuan, pinakamalaki ang bilang ng mga mamamayan na may edad 17-20,

sumunod ang 44-72. Mas Malaki rin ang bilang ng mga mag-aaral na rumesponde

sa pananaliksik. Gayundin, mas malaki ang bilang ng mga mamamayan na may

paninirahan sa distrito nang higit sa sampung taon, sunod ang may higit

28
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

dalawampung taong paninirahan, at ikahuli ang mamamayan na may isang taon pa

lamang paninirahan.

2. Karamihan sa sagot ng mga respondate, mahalagang salik sa kultura ang mga

kwentong-bayan, dahil nagbibigay ito ng mas malaking pag-unawa at pagkilala sa

nasabing distrito.

3. Ang resulta rin ay nagpapakita na sang-ayon ang mga respondate na mahalagang

makilala muna ang distrito kahit sa pinakamaliit na detalye lamang nito upang mas

mas makilala pa nang lubos ang kultura ng isang lungsod.

Kongklusyon

Batay sa mga naging resulta na lumabas sa isinagawang pag-aaral ng mananaliksik, ang

mga sumusunod ang nabuong konklusyon;

1. May karanasan man o wala, masasabing malawak ang kaalaman ng distrito sa mga

salaysay tungkol sa mga duwende dahil ito ay karaniwan na saknilang lugar.

2. Ang mga kwentong-bayan ay hindi lamang basta mga salaysayin na naipasa nang

walang pinagmulan. Kahit ang mga ito ay naipasa lamang mula sa isang

mamamayan na mula pa sa isang mamamayan, ito ay may sinimulan at tunay na

may kinalaman sa kultura ng isang distrito.

3. Malaki ang espasyo ng kaalaman sa pagpapalawak ng kultura ng isang lugar. Sa

pagsisimula sa isang distrto, magkakarooon na ang isang mamamayan nang dagdag

na kaalaman sa mas malawak pa na kultura ng distrito.

4. Natuklasan na ang patuloy na paglaganap ng mga kwentong-bayan ay hindi lamang

maghahatid ng kamalayan kundi karunungan din sa kultura ng sariling bayan.

29
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Rekomendasyon

Batay sa mga kasagutan at konklusyong nailahad, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng

mga rekomendasyon;

Para sa mga kabataang m pipiliing makilala ang kultuura nila, marapat na kilalanin muna

ang kanilang sarili. Mula sa kanilang pinagmulan hanggang sa kasalukuyang kinatatayuan nila.

Hindi pag-aaksaya ng oras pag-kinig sa mga kwento ng mas nakakaalam. Ang mga kwentong ito

ay hindi para sa ikapipinsala ng bawat isa, ito ay para sa karunungan.

Hindi katawa-tawa ang paniniwala sa mga kwentong ito dahil ito ay pagkakarooon ng

kamalayan sa iyong piagmulan. Ang mga ito ay pagkilala sa sariling kultura nang kasalukuyang

kinatatayuan ng isang mamamayan.

Ang pagdalumat sa salaysay tungkol sa mga kwentong laganap sa isang distrito ay salik

din sa pagkilala sa iyong sarili. Ito ay bahagi ng isang distritong iyong kinabibilangan, dahilan para

ito ay maging bahagi ng iyong katauhan

30
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Talaan ng mga Sanggunian

De Guzman D. (2019). The ASWANG Project.

https://www.aswangproject.com/Duwende-lore-in-the-philippines/

Guy-Evans O. (2020). SimplyPsychology

https://www.simplypsychology.org/Bronfenbrenner.html

Sincero S. (2012). Explorable: think outside the box.

https://explorable.com/ecological-systems-theory

Ki in Educational. (2020). Philippine News.

https://philnews.ph/2020/12/12/kultura-ng-pilipino-noon-at-ngayon-halimbawa-at- paliwanag-

nito/

Santiago F. (2015). dlsu.edu.ph

https://www.dlsu.edu.ph/wp-content/uploads/pdf/conferences/research-congress-

proceedings/2015/TPHS/017TPH_Santiago_FA.pdf

Cariaso B. (2023) The Manila Times

https://www.manilatimes.net/2023/01/02/news/group-sees-higher-rice-prices-this-year/1872475

“Dwarf”, n.d. New World Encyclopedia

https://www.newworldencyclopedia.org/entry/Dwarf

Fuqua A. (2015) write-ups.org

https://www.writeups.org/filipino-mythology-primer/#:~:text=will%20befall%20them.-

,Common%20Powers%3A,fall%20into%20near%20comatose%20states.

31
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

“Dwarfs and Elves”, n.d. Myths Encyclopediahttp://www.mythencyclopedia.com/Dr-

Fi/Dwarfs-and-Elves.html

“Dwarf Mythology” (2023) Britannica

https://www.britannica.com/topic/kobold

Jewellery P. (2021), Pirate Jewelry

https://piratejewellery.com/norse-mythology/famous-norse-dwarves-in-norse-mythology/

Hayes A. (2023), Investopedia

https://www.investopedia.com/terms/d/descriptive_statistics.asp

Paquito B. Badayos, et.al, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. (Valenzuela City: Mutya

Publishing House, Inc, 2007

32
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Kwentong Bayan: Pagdalumat sa Salysay

tungkol sa mga Duwende sa Distrito ng Magsaysay, Lungsod ng Cabanatuan”, bilang bahagi

ng pagtupad sa mga pangangailangan para sa asignaturang Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina

(FILDIS) ay sinuri at iminumungkahing tanggapin at pagtibayin para sa isang pasalitang

pagsusulit.

Marianne C. Rivera

Guro at Tagapayo sa Pananaliksik

33
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Talatanungan

34
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Talaan ng mga Katanungan sa Pakikipanayam

35
Republika ng Pilipinas
NUEVA ECIJA UNIVERSITY OF SCIENCE AND TECHNOLOGY
Lungsod ng Cabanatuan, Nueva Ecija

Curriculum Vitae

Pangalan: Michaela Mae DL. Sta Maria

Araw ng Kapanganakan: Setyembre 06, 2004

Lugar ng Kapanganakan: Olonggapo City, Zambales

Tirahan: #266 Tandang Sora St., Magsaysay Sur, Cabanatuan City, Nueva Ecija

Contact No.: 09152743664

Email Address: michaelamaestamaria@gmail.com

Edukasyon

Elementarya

Cabanatuan Confucius School Inc.

Rizal St., Cabanatuan City, Nueva Ecija

March, 2016

Junior High School

ISAIA of Nueva Ecija

Brgy. Barrera, Cabanatuan City Nueva Ecija

April, 2020

Senior High School

Cabanatuan City Senior High School

Sta. Arcadia, Cabanatuan City, Nueva Ecija

July, 2022

36

You might also like