You are on page 1of 6

KARAHASAN AT DISKRIMINASYON SA BABAE

Narrator: Si jomar ay may sakit kaya ang kanyang ina ay binilihan sya ng gamot. Pagsapit ng gabi ay
kanyang tinahi ang pantalon ng anak dahil ito ay may sira.

Nanay: O’nak tatahiin ko na ang iyong pantalon upang may magamit ka bukas sa pasukan.

Jomar: Ang galing mo nay!

Narrator: Biglang pumasok ang tatay ni Jomar na lasing.

(BAAAAAG)

Tatay: Hoy!

Nanay: Lasing ka nanaman Joshua! Wag mong sirain ang pintuan.

Tatay: anong pagkain natin?

Nanay: wala tayong pagkain

Tatay: Bakit walang pagkain?!

Nanay: …

Tatay: Nasan ang makakain ko tinatanong kita!!

Nanay: P-pinangbili ko ng gamot p-para sa anak na’tin

Tatay: Sumasagot ka pa ha!

(AKKKK)

Narrator: si Joshua ay hinampas ang kanyang asawa

Jomar: Nay!

Tatay: Gawan mo ‘yan ng paraan.

Nanay: Oo, gagawan ko ng paraan

Narrator: Ang nanay at si Joshua ay umiiyak na nakaupo habang magkayakap habang ang tatay ay
iniwanan na at nagtungo sa kuwarto upang matulog.

Kinabukasan~~

Narrator: Ang nanay ay naghanda ng pagkain sa habag kanina at ang anak ay naghanda na rin para sa
pagpasok sa skuwelahan. Ang tatay naman ay kakagising lang at umupo na sa lamesa

Tatay: Oh tuyo nanaman?! Klaseng buhay ito! Wala ka talagang kuwenta!

Narrator: padabog na hinagis ng tatay ang plato at padabog din na lumabas ng pinto

Jomar: Sumusobra na si tatay! Wala naman syang ginawa kundi mag inom lang ng alak!

Nanay: hayaan mo na ang tatay mo anak (ngumiti/*) intindihin mo na lang sya


Nanay: Dibale anak at kapag makahanap ako ng trabaho ay makakabili na tayong masarap na pagkain

Jomar: Ma, bakit nga ba wala ka pang napapasukang trabaho kahit na nakapagtapos ka naman ng pag-
aaral?

Nanay: siguro anak ay dahil iniisip nila na hindi namin kakayanin ang gagawin sa trabaho.

Jomar: Ah ganun ba

Narrator: si Jomar ay umalis na at pumasok sa skuwelahan. Nung nasa skuwelahan na sya ay nakatagpo
sya ng kaibigan. Sila ngayon ay nagkukuwentuhan tungkol sa kanilang mga buhay.

Kaibigan: Ah ang nanay ko ay napakaunawain at mapagmahal! Palagi nya akong hinahayaan na lumabas
at maggala kasi naniniwala syang kaya ko ang sarili ko pero ang aking ama ay hindi. Palagi nya akong
hinihigpitan at pinagbabawalan sa lahat ng mga bagay dahil ako ay babae at kung mapaano at
mapahamak daw ako.

Jomar: Bakit karamihan ng lalaki ay napaka baba ng tingin sa babae?

Kaibigan: Hindi naman sa ganon, nauunawaan ko rin ang aking tatay sapagkat ang gusto nya lang ay
mapabuti kami ng aming Ina.

Jomar: May kapatid ka bang lalaki?

Kaibigan: Oo

Jomar: Hinahayaan ba ito ng iyong ama na gawin ang mga gusto nito?

Kaibigan: Oo

Jomar: Diba? Kung hindi nangmamaliit ay ano ang tawag mo dyan? Hindi ba, minamaliit ng tatay mo ang
iyong kakayahan?

Kaibigan: Para saakin ay hindi, kasi kaming mga babae ay may mga puwede gawin na hindi angkop para
sa sariling kasarian namin

Jomar: Ako lalaki ako pero sa tingin ko ay kahit anong kasarian pa ‘yan ay may kanya kanya tayong
abilidad at kayang ng mga babae na makipagsabayan sa lakas ng lalaki.

Kaibigan: Talaga ba? Sige nga ipaliwanag mo kung bakit pala mas kailangan at natatanggap ang lalaki
kaysa sa babae?

Jomar: Simple lang dahil hindi binibigyan ng pagkakataon ang mga babaeng tulad mo na ipakita ang
inyong kakayahan at talento

Jomar: Napapansin ko ngayon na malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian.
Dito sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo, media,
akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Isa na
roon ang aking ina, na hindi tinatanggap sa trabaho dahil sa antas ng kanyang estado at dahil sa babae
sya kahit sya ay nakapagtapos.
Kaibigan: Bakit ba kasi nagtratrabaho ang iyong ina? Diba dapat ang mga asawang babae ay nasa bahay
lamang? Katulad ng aking ina ay isang taong bahay lamang

Jomar: Ano? Ikaw ay babae dapat alam mo mismo sa sarili mo na may karapatan kayong mga babae na
magpasya at hindi umasa sa asawa. Ang mga babae ay puwedeng maging independent at hindi maging
utos utusan o sunod sunuran na lamang sa mga asawang lalaki.

Kaibigan: Bakit naman kung ganon? kapag nag-asawa ka pala ay hahayaan mo sya na gawin ang kanyang
mga gusto at maging independent na tao?

Jomar: Oo, dahil ang mga babae ay tao lamang din na may karapatan na maging malaya. Kung ako ay
may asawa ay hahayaan ko sya at hindi ako magiging katulad sa aking ama.

Kaibigan: bakit ano ba ang iyong ama?

Jomar: Ang aking ina ay palaging inaaway at binubugbog ng aking ama. Palaging inaabuso ang kabaitan
at minamaliit nito ang kakayahan ng aking ina. Ang nanay ko kasi noon ay hindi na nagtrabaho at umasa
sa aking ama kaya ang kinalabasan ngayon ay nagiging utus utusan at parang basura kung ituring si
mama dahil hindi sya makapalag dahil si papa ang bumubuhay saamin. Ngayon, si mama ay naghahanap
na ng trabaho upang hindi na umasa pero hirap syang makahanap dahil sa kanyang kasarian. Kaya kung
ako sayo ay baguhin mo ‘yang paniniwala mo dahil isa kang babae na karapat dapat na pahalagahan
dahil ang bawat babae ay may halaga sa mundo.

Kaibigan: Salamat sa iyo Jomar dahil kalalaki mong tao ay pinalawak at pinaunawa mo saaking babae ang
tungkol sa bagay na ‘yan. Wag kang mag-alala at makikisulong ako sa mga karapatan ng mga babae. At
imumungkahi ko rin ito hindi lamang sa mga kaibigan kong babae pati na rin sa kaibigan kong lalaki
upang malaman nila ng higit ang mga babae.

Jomar: Walang anuman…

Jomar: Sige alis na ako, at baka hinahanap na ako ng aking nanay…

Narrator: Nang umuwi si Jomar ay masaya syang sinalubong ng kanyang ina dahil nakahanap na sya ng
trabaho. Habang tumatagal ay ang nanay ni Jomar ay nagpasya ng humiwalay sa asawa nyang si Joshua
sapagkat hindi na nya makayanan ang pang-aabuso at pang-aalipin nito sa kanya. Ang nanay at si Jomar
ay lumipat at tumira sa Isang maliit na sira sirang bahay. Dahil sa maliit na sahod ng kanyang
pinagtratrabaohan, ang kanyang ina ay naghanap sa iba’t ibang mga part time job na kahit maliit lamang
ang sasahurin ng ina ay hindi na nagdalawang isip ang kanyang ina dahil para sa pangangailangan sa
anak. Si Jomar naman ay nakita ang pagpupursige ng ina hanggang makatapos sya ng kolehiyo. Nung
matapos sya ay ibinalik nya lahat ng pawis at pagod ng ina sa pagbibiga ng diploma at paghahanap ng
trabaho ng maayos. Si Jomar ngayon at ang kanyang ina ay masaya na sa kalagayan nila. Nangako muna
si Jomar sa sarili na aalagaan nya muna ang kanyang ina at ipaparanas dito ang mga bagay na nararapat
sa kanya na noon ay hindi nya naranasan. Nangako rin si Jomar na pagkatapos nyang maibigay sa nanay
nya ang pagmamahal at sukli ay magpapamilya na ito at hinding hindi sya magiging katulad sa tatay nya
na klase ng asawa.

Dito na nagtatapos ang diyalogo…sana ay nagustuhan nyo …


PURPLE MARBLE BEADS

Date Started: November 28, 2022 Date Finished: December 5, 2022

I. Objectives

1. Identify the tools and materials in making memory wire bracelet

2. Use the materials and tools properly

3. Follow procedures accurately

4. Show enthusiasm in working

II. Illustration
III. Tools and Materials Needed

MATERIALS

Quantity Unit Description of Materials Unit Price Total Price


1 pack Violet tiny beads Php 25.00 Php 25.00
1 pack Purple marble beads Php 25.00 Php 25.00
1 yd Flexible nylon Php 10.00 Php 10.00

TOTAL Php 60.00

IV. Procedure

Step 1: Prepare your Project. Begin by laying out the beads in a pattern

Step 2: String your beads. Begin stringing beads onto the flexible nylon

Step 3: Close the the both end

Step 4: Clean up

Step 5: Celebrate and pass to ma’am cutie

V. Evaluation

Criteria Percentage
A. Appearance 25%
Neat and attractive
B. Workmanship 25%
The ends are secured
C. Materials 25%
Durable when used
D. Enthusiasm 25%
Having fun while doing the project
TOTAL 100%

You might also like