You are on page 1of 1

Narrator: Habang nakadungaw si Leonorang kay ganda, ay nakita niya si Don Juan na tulala sa

kagandahan ng palasyo na kahit ito’y hindi kalakihan puro naman sa palamuti, perlas, rubi na
parang niluha ng langit sa kagandahan.

Leonora: Sino ka at ano ang iyong ginagawa rito?

Don Juan: O dilag na kay ganda ako si Don juan at sana patawarin mo sana ako sa pagiging
mapanghimasok k- (cinut siya ni Leonora)

Leonora: Hindi mo ba alam na nanganganib ang buhay?

Don Juan: Wala akong pake kung ikaw naman ang aking ililigtas sa mga kamay ng serpyente.

Leonora: Paano mo nalaman ang tungkol sa serpyente?

Don Juan: Natukoy ko ito sa aking panaginip, panaginip kung saan ay nandoon ka. Kaya sana
mawala na ang iyong pagdududa at ibigay ang iyong matamis na ‘oo’.

Narrator: Bago pa maka sagot si Leonora ay dumating na ang serpyente, nakakatakot ito
tingnan dahil sa mga ulo nito at ang katawan na malaki nito. Naglaban ang dalawa! Pero kahit
anong tama ang gawin ni Don Juan sa serpyente ay parang hindi ito naaapektuhan. At habang
nakadungaw si Leonora sa laban nila ay meron siyang naalala.

Leonora: Don Juan!! Gamitin mo ang gamot, na ito sa bawat isang ulo na mapuputol mo ay
buhusan mo nito.

Narrator: At yon ang ginawa ni Don Juan, iwinasiwas ni Don Juan ang kanyang espada at
naputol niya ang mga ulo nito tsaka niya ibinuhos ito sa pugot na ulo ng serpyente… at sa
wakas ay namatay na ito.

Don Juan: Aking Prinsesa tapos na ang pagdurusa mo halika na at umalis na tayo sa balong
ito.

You might also like