You are on page 1of 5

GRADE 7___ Paaralan Baitang/Antas 7 Markahan UNANG MARKAHAN

DAILY LESSON Guro Asignatura ARALING PANLIPUNAN


PLAN Petsa/Oras SESYON IKASAMPUNG LINGGO UNANG ARAW

A.Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ugnayan ng kapaligiran ng tao sa paghubog ng sinaunang
(Content Standard) kabihasnang Asyano
B.Pamantayan sa Pagganap Ang mag-aaral ay malalim na nakapag-ugnay sa bahaging ginagampanan ng kapaligiran at tao sa paghubog ng
I. LAYUNIN

(Performance Standard) sinaunang kabihasnang Asyano


C.Kasanayang Nailalarawan ang komposisyong etniko ng mga rehiyon sa Asya (APHAS-Ij-1.11)UNANG ARAW
Pampagkatuto(Learning
Competencies)
Layunin (Lesson Objectives)
Knowledge Natutukoy ang kahulugan ng etnolinggwistiko

Skills Nasusuri ang dalawang batayan ng paghahati ng mga grupong etnolinggwistiko ng mga rehiyon sa Asya

Napahahalagahan ang bawat komposisyon ng grupong etnolinggwistiko ng mga rehiyon sa Asya


Attitude
II. NILALAMAN (Subject Matter/Lesson) Aralin 3 – Pangkat Etnolinggwistiko sa Asya
Paksa: Komposisyon ng Pangkat etnolinggwistiko sa Asya.

A. Mga Kagamitang Panturo Laptop, LED TV


III. KAGAMITANG PANTURO

mga larawan

B. Mga Sanggunian (Source) ASYA: PAGKAKAISA SA GITNA NG PAGKAKAISA


ASYA: PAG-USBONG NG KABIHASANAN
1.Mga Pahina sa Gabay ng Guro Manwal ng Guro 23-28 Manual ng Guro Asya: Pag-usbong ng Pagkakaisa 60-69
2.Mga Pahina sa Kagamitang Modyul ng Mag-aaral: Pahiha 60-69, ASYA PAG-USBONG NG KABIHASNAN Pahina 60-71
Pangmag-aaral
IV. PAMAMARAAN

A.Balik-aral sa nakaraang aralin at/o


pagsisimula ng bagong aralin Anu- ano ang mga indikasyon ng pag-unlad na may kinalaman sa Yamang Tao?

Pagpapakita ng dalawang batang nag-uusap. Tungkol saan kaya ang kanilang pinag-uusapan? AP7Modyul Pah.55
Ang guro ay tatawag ng dalawang bata na siyang magbabasa kung ano ang pinaguusapan ng dalawa bata.
(P B .Paghahabi sa layunin ng aralin
RO
CE
DU Alam mo ba ang pamilya
Talaga? mahilig kayo sa pagkaing may
RE ko ay nagmula sa Albay?
gata? Ang mga ninuno ko naman ay
S) Bicolano ang mga ninuno
nagmula sa Ilocos.Mga Ilokano kami.
ko. Dito na lang kami
Mahilig kami sa gulay at bagoong.Ano ba
naninirahan sa Maynila.
ang mga tradisyon sa inyong lugar?

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin Pamprosesong tanong. AP7Modyul Pah.55
1. Ano ang paksang pinag-uusapan ng dalawang bata?
2. Ano ang mga pangkat etnolinggwistikong sa Pilipinas na nabanggit sa usapan?
3. Bukod sa nabanggit ano pa ang mga pangkat etnolinggwistiko sa bansa?
4. Kabilang ka ba sa isa sa mga pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas?
5. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas batay sa pag-uusap ng dalawang
bata?
6. Nakatulong ba ang pangkat etnolinggwistiko sa pagbuo at pag-unlad ng kabihasnang Pilipino? Patunayan

D.Pagtatalakay ng bagong konsepto Pagkakaroon ng malayang talakayan


at paglalahad ng bagong kasanayan
#1 * Ang grupong etnolinggwistiko ay tumutukoy sa pangkat ng mga tao sa isang bansa na may magkaparehong
wika, kultura,at etnisidad.
 May dalawang batayan ang paghahating ito: ang etnisidad at ang wika.Sinasabing maaaring ituring na
kasapi ng isang partikular na grupong etnolinggwistiko ang mga tao kung sila ay kabilang o nararamdaman
nilang kabilang sila sa isang kabubuan. Maaaring ang basehan nito ay pagkakapareho sa
wika,pinanggalingan , pag-unlad na pangkasaysayan, mga tradisyon at paniniwala, at iba pang salik na
nagbibigay –hugis sa kulturang taglay ng nasabing grupo. Malakas ang panloob na interaksyon o ugnayan
ng mga kasapi ng isang grupo.Itinuring din nila na sila ay iba o hiwalay sa iba pang grupo.
 Sinabing ang etnisidad ay mistulang kamag-anakan. Kapag kinikilala ng isang grupo ng tao ang mga sarili at
ang isa’t isa bilang kasapi isang grupong etnolinggwistiko, itinuring nilang sila ay malayong magkakamag-
anak.
 May mga iskolar na nagsasabing ang pagkabuo ng gruoung etniko ay dahil sa ang mga kasapi nito ay may
wika o kultura na kaiba kumpara sa mga taong kasapi ng iba pang grupong etniko ang kanilang mga sarili
na kabilang sa isang grupong etniko na kaiba sa iba, bumubuo sila ng mga patakaran at konsepto kung sino
ang kabilang sa grupo at sino ang hindi. Mahalagang tingnan ang ugnayan ng mga grupong etnolinggwistiko
sa isa’t isa . Mahalaga ring tandaan na bagamat kabilang ka sa isang grupong etnolinggwistiko,dapat mo
ring tingnan ang sarili mo bilang mamamayan ng bansa rehiyon, at ng daigdig sa pangkalahatan.
 Pangunahing batayan ang wika sa paghubog ng kultura ng mga grupong etnolinggwistiko. Ito rin ang
nagsisilbing pagkakakilanlan ng bawat grupo.
 Nabibilang sa mga pangunahing grupong etnolinggwistiko sa Asya ang_____.
 mga Ural –Altaic, Paleosiberian,at Eskimo sa Hilagang Asya;
 mga Sumerian, Elamite, Kassite, Hatti, Halde, Hurri, Lycianne, Lydian, Caanite, Arabo, Armenian, Jewish,
Assyrian, Hittitte, Persian, Kurd, Afghan, at Turk sa Kanlurang Asya;
 mga Austro-Asiatic, Dravidian, at Indo- Aryan sa Timog Asya;
 mga Sino-Tibetan, Korean, at Hapones sa Silangang Asya; at
 mga Austro- Asiatic at Austronesian sa Timog Silangang Asya.

1. Ano ang grupong etnolinggwistiko?


2. Ano ang batayan ng paghahati ng grupong etnolinggwistiko?
3. Ano ang etnisidad?
4. Paano hihubog ang kultura ng mga grupong etnolinggwistiko?
5. Anu-ano ang grupong etnolinggowistiko sa sumusunod na mga rehiyon
a. Hilagang Asya b. Kanlurang Asya c. Silangang Asya d. Timog Asya e. Timog Silangang Asya
6. Bakit kailangang pag-aralan ang mga taong bumubuo sa Asya?
7. Paano nagkakaiba-iba ang iba’t ibang grupong etnolinggowistiko?
E.Pagtatala
kay ng bagong konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #2

F.Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Pangkatin Mo


sa Formative Assessmen) Bilang isang Asyano matukoy mo ba ang mga pangkat etnolinggwistiko sa bawat rehiyon sa Asya?
Suriin ang talaan ng pangkat etnolinggowistiko sa ibaba at gumuhit ng pie graph sa isang malinis na papel. Isulat
kung saan ang rehiyon kabilang ang pangkat etnolinggowistiko. Gagawin ito sa pamamagitan ng isang laro kung
saan mag-unahan kayo ng iyong mga kamag-aral na maitala sa pie graph ang mga pangkat etnolinggowistiko sa
bawat rehiyonsa Asya. Ang may maraming maitala ang magwawagi.
Pamprosesong Tanong:
1. Sa anong rehiyon ka maraming naitalang pangkat etnolinggwistiko?
2. Anong rehiyon naman ang kakaunti?
3. Ano ang implikasyon nito?
4. Naging madali ba para sayo na pangkatin ang mga etnolinggwistiko batay sa rehiyon kung saan sila
matatagpuan? Bakit

G.Paglalapat ng aralin sa pang araw- Paano mo maipakita ang kooperasyon sa pangkat na kinabibilangan mo? Pangatwiranan.
araw na buhay
H.Paglalahat ng Aralin Ilahad ng Guro

Piliin ang titik ng wastong sagot sa bawat bilang. Isulat sa sariling papel ang sagot.
1. Ano ang tinutukoy ng grupong etnolinggowistiko?
a. Pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
b. Pagkakapareho ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
c. Pagkakapareho at pagkakaiba ng mgatao sa isang bansa ayon sa kultura*
d. Pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa wika

2. Ano ang dalawang batayan ng paghahati ng grupong etnolinggwistiko?


I.Pagtataya ng Aralin a. Wika at etnisidad* b. wika at tao c. tao at etnisidad d. b at c
3. Ang mga sumusunod ay mga grupong etnolinggowistiko na kabilang sa Silangang Asya maliban sa isa,
a. Sino-Tibetan b. Korean c. Hapones d. Austria- Asiatic*
4. Alin sa mga sumusunod na grupong etnolinggowistiko ang kabilang sa Timog Silangang Asya?
a. Lydian b. Dravidian c.Austronesian d. Korean
5. Ang mga sumusunod ay mga grupong etnolinngowistiko na kabilang sa Hilagang Asya maliban sa isa
a. Ural –Altaic b. Hapones c. Paleosiberian d. Eskimo

J. Karagdagang Gawain para sa Magsasaliksik ng mga grupong etnolinggwistiko na kabilang sa Pilipinas.Isulat ito sa inyong kuaderno.
takdang- aralin at remediation

IV. Mga Tala


Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat lingo. Paano mo ito
V. Pagninilaynilay naisakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maari mong itanong/ilahad sa iyong
superbisor sa anumang tulong na maari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na makukuha ng 80%
sa pagtataya.
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng iban pang Gawain para
sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mga
mag-aaral na nakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na magapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa estratehiyang pagtuturo ang
nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na
solusyon sa tulong ang aking punong-guro at
superbisor?
G. Anong kagamitang pangturo ang aking
nadibuho na nais kong ibahagi sa mga
kapwa ko guro?

Prepared by: JESILA D. CANCIO

You might also like