You are on page 1of 1

LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 1 (MODYUL 1 AT 2)

IKALAWANG MARKAHAN - ASIGNATURA: FILIPINO 8

Pangalan: _____________________________________ Petsa: Enero 5, 2023


Taon at Seksyon: _________________ Iskor: ___________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang pinakaangkop na sagot. Titik
lamang ang isulat sa puwang bago ang bilang. (20 items)

___1. Ito ay isang uri ng tula na binubuo ng labing-apat na taludtod.


a. kopla b. quatrain c. soneto d. sextet
___2. Ang ____________ ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga pangkaraniwang salita upang maging
kaakit-akit at mabisa ang tula.
a. kariktan b. simbolismo c. talinghaga d. tugma
___3. Ang ___________ ay ang pinakamahalagang ideya ng teksto.
a. kaisipan b. pangunahing kaisipan c. pantulong na kaisipan d. kongklusyon
___4. Ang ____________ ay ang uri ng panitikang karaniwang may sukat at tugma.
a. dula b. sanaysay c. tula d. nobela
___5. Ang ___________ ay mga mahahalagang kaisipan o mga susing pangungusap na may kaugnayan
sa paksang pangungusap.
a. kaisipan b. pangunahing kaisipan c. pantulong na kaisipan d. kongklusyon
___6. Ang __________ ay isang uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang paksa.
a. balagtasan b. maikling kuwento c. tula d. bugtong
___7. Sino ang ama ng Balagtasan?
a. Lope K. Santos b. Francisco Balagtas c. Jose Corazon de Jesus d. Alejandro
Abadilla
Ang kaibigan ko ay si Kalakian
Laging nakahanda maging araw-araw
Sa pag-aararo at sa paglilinang
Upang maihanda ang lupang mayaman.

___8. Ano ang pangunahing kaisipan ng nabasang saknong ng tula sa itaas?


a. Ang kaibigan ko ay si Kalakian c. Sa pag-aararo at sa paglilinang
b. Laging nakahanda maging araw-araw d. Upang maihanda ang lupang mayaman
___9. Kailan isinilang ang Balagtasan?
a. Abril 2, 1924 b. Abril 6, 1924 c. Marso 28, 1924 d. Marso 6, 1924
___10. Ang tawag sa tulang binubuo ng limang taludtod.
a. kopla b. quatrain c. quintet d. sextet
___11. Ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan ng mga katwiran sa isang
balagtasan.
a. lakandiwa b. lakandula c. lakambini d. mambabalagtas
___12. Ang tawag sa panig na nagtatalo sa balagtasan na binubuo ng sumasang-ayon at ‘di-sumasang-
ayon.
a. manonood b. inampalan c. mambabalagtas d. lakandiwa
___13. Ang pinkatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas.
a. paksa b. lakandiwa c. mambabalagtas d. manonood
___14. Siya ay nakilala sa tawag na “Huseng Batute”.
a. Jose Corazon de Jesus b. Florentino Collantes c. Jose de la Cruz d. Francisco Balagtas
___15. Ang mga tagapakinig na minsa’y sila ring magbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng
mga katwiran ng magkabilang panig.
a. manonood b. inampalan c. mambabalagtas d. lakandiwa
16-20. Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng tsek ( / ) kung ito’y nagpapahayag ng
PAGSANG-AYON at ekis ( X ) kung PAGSALAUNGAT.

___16. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa mundo.
___17. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon kaysa noon.
___18. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
___19. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin silang tularan.
___20. Maling-mali ang kanyang tuwiran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.

You might also like