You are on page 1of 2

FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

PAGSULAT NG TALUMPATI

PANGALAN: ____________________________________________ SEKSYON: ______________

GAWAIN BLG. 1
A. Magsaliksik tungkol sa pagsulat ng talumpati at punuan ng hinihinging impormasyon
ang tsart.

KAHULUGAN NG
TALUMPATI

KATANGIAN TALUMPATI

APAT (4) NA URI NG


TALUMPATI AYON SA
PAMAMARAAN/ ANYO

ANIM (6) NA URI NG


TALUMPATI AYON SA
LAYUNIN

BAHAGI NG TALUMPATI

B. Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag na pangungusap at kung mali, palitan ng
tamang sagot ang may salungguhit na pahayag.

1. Sa pagsulat ng introduksiyon, maaaring lagyan ito ng mga halimbawa ng


kulturang popular gaya ng pick-up lines upang makahatak ng atensiyon.
2. Ang maluwag na talumpati ay ibinibigay ng walang paghahanda.
3. Ang talumpati ay isang maayos na pagpapahayag ng kaisipan sa paraang
pasalita.
4. Isang mabisang paraan ang kronolohikal na pagbabalangkas upang
mabisang mailahad ang pangunahing paksa.
5. Ang kahinaan ng maluwag na talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng
manuskritong ginawa
6. Ang isinaulong talumpati ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o
programa.
7. Layunin ng talumpating pampasigla na magbigay ng inspirasyon sa mga
nakikinig.
8. Ang topikal na hulwaran ay madalas ginagamit sa mga talumpating
nanghihikayat o nagpapakilos.
9. Inaasahang ang mananalumpati ay maayos ang tindig at pagsasalita kahit
pa ito ay panlibang.
10. Bilang isang tagapakinig, tungkulin mong magsaliksk at alamin ang paksa
na gagawan mo ng talumpati.

C. Piliin sa kahon ang titik ng tamang sagot sa bawat pahayag at isulat sa sagutang papel.

11. Ito ang katangian ng talumpati na kinakailangang mahusay at klaro ang


mensaheng ipinaparating ng talumpati.
12. Ang kahinaan ng ganitong uri ng talumpati ay pagkalimot sa nilalaman ng
manuskritong ginawa.
13. Ito ay kilala sa Ingles na Extemporaneous.
14. Isang buod ng kaisipan o opinion ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado sa harap ng maraming tao.
15. Isang layunin ng talumpati na makapanghimok tungo sa positibong
pagpapakilos ukol sa isang paniniwala o hangarin.
16. Isa sa mga dapat bigyang-pansin sa pagtalumpati ay ang edad, interes,
kasarian, at bilang ng ______________.
17. Ito ang layunin ng talumpati ang nais ay maibigay ang wasto at nararapat
na konsepto o kaisipan ukol sa isang paksa, o pagbibigay ng wastong
paraan upang makabuo ng isang bagay.
18. Isang paraan ng pagtalumpati na agaran ang pagbigkas sa harap ng madla.
19. Ito ang uri ng talumpati na ang nais ay ipabatid sa mga nakikinig ang
tungkol sa isang paksa, isyu o pangyayari.
20. Ito ay halimbawa ng Talumpating pagkilala na inihahandog sa taong
namatay.

D. Pumili ng isang larawan at ipahayag ang inyong pananaw batay sa mensahe o paksa
na taglay nito. Gawing gabay ang batayan sa pagmamarka at isulat ito sa isang
buong papel.

You might also like