You are on page 1of 3

National Capital Region

School Division Office


VICTORINO MAPA HIGH SCHOOL
Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Worksheet

Pangalan: __________________________________ Petsa:_____________________


Baitang at Pangkat:___________________________ Guro:______________________

Ikatlong Markahan
Modyul 4: Ang Pangangalaga sa Kalikasan

Gawain 1
Panuto: Ilista ang 5 problemang pangkalikasan na naobserbahan mong kinahaharap ng inyong
pamayanan;gayundin ang mga posibleng sanhi at epekto nito. Punan ang talahanayan at sagutin ang mga Gabay
na Tanong sa ibaba.

Mga Problemang Pangkalikasan Sanhi ng mga Problemang Epekto ng mga Problemang


sa inyong Pamayanan Pangkalikasan Pangkalikasan

Gabay na Tanong:
1. Naging madali ba sa’yo ang pagsagot sa gawain na ito? Bakit?
2. Ano ang napagtanto mo sa gawaing ito? Bakit?
3. Bilang bahagi ng pamayanan ninyo, sa iyong palagay, paano mabibigyang solusyon ang mga
problemang pangkalikasan na naobserbahan mo at maiwasan ang mga masamang epekto nito?
Patunayan ang iyong sagot.

Gawain 2
Panuto: Pumili ng isa sa mga isyung pangkalikasan sa ibaba na nais mong wakasan o bawasan.

2. Ilista sa bawat kahon ng LIKAS BINGO Card ang mga ipinapangako mong kaparaanan na kaya mong
isakatuparan para makatulong sa pagbabawas o pagwawakas ng napili mong isyung pangkalikasan.

Mga Isyung Pangkalikasan:


a. Malawakang Paggamit ng Plastik ng mga Tao
a. Palagiang Paggamit ng mga Tao ng Disposable na Gamit
b. Pagtaas ng Lebel ng Polusyon
c. Patuloy na Pagdami ng Basura

Gawain 3: Pagninilay
Panuto: Pakinggan ang awiting pinamagatang “Awit para sa Kalikasan” sa pamamagitan ng pagpunta sa link o
pag-scan ng QR Code sa ibaba. Pagnilayan din ang liriko nito at sagutin ang mga katanungan sa ibaba sa isang
malinis na papel.

Link: https://bit.ly/3xrAEV

Liriko:
Awit para sa Kalikasan

Adapted from Awit ng Maralita


Sung by Christine Joy Razon
Lyrics by Fraimee Tan, Emy Aricheta and Fr. Cielo R. Almazan, OFM

Tingnan mo, kaibigan, ang kalikasan Kilos, mga kababayan, para sa kalikasan
Mga bundok at dagat ay iyong pagmasdan. Ating itaguyod ang paglago nito
Pawang paninira ang iyong makikita Huwag lasunin ang lupa, ang ilog at dagat
at pagyurak sa kanilang ganda. At ang hangin na ating nilalanghap.

Ikaw na Pilipino, ano ang gagawin mo Pagbuklurin, isigaw ang adhikai't damdamin.
Upang matigil ang paninirang ito? Kalikasa'y ipagtanggol, katumbas man ay buhay.
Huwag ipagwalang bahala ang Inang Kalikasan. Mabuwal man ang isa'y may uusbong pang iba
pagkat ito'y ating kinabukasan. Ipaglaban ang Inang Kalikasan.
Ipaglaban ang Inang Kalikasan.
Gumising ka, kaibigan, at iyong ipaglaban
Karapatan ng Inang Kalikasan.
Pigilan ang mga ganid na hayagang
Gumagahasa sa kabundukan.

a. Ano ang mensahe ng awitin sa lahat ng tao bilang may kapangyarihan sa kalikasan?
b. Bilang isang mag-aaral na Pilipino, paano mo maisasakatuparan ang mensahe ng awiting ito?

Gawain 4
Panuto:
1. Balikan ang LIKAS BINGO Card sa Gawain 2 sa itaas at i-scan ang QR Code o puntahan ang Link sa
ibaba nito. Mapupunta ka sa Digital LIKAS BINGO Card na may mga frame ang bawat kahon. Ngunit
kung hindi marunong gumamit ng applikasyon na Canva ay maaaring gamitin na lamang ang Pisikal na
LIKAS BINGO Card sa ibaba.
2. Dito ninyo ilalagay ang mga larawan ninyo bilang ebidensyang naisabuhay ninyo ang inyong
pinangakong gawin na isinulat ninyo sa inyong LIKAS BINGO Card sa Gawain 2.
3. I-post ang larawan ng inyong Digital o Pisikal na LIKAS BINGO Card sa inyong social media account
para ibahagi at iengganyo ang iba.
4. Gamitin ang hashtag na: #KapangyarihanKoIsinasabuhayKo #TagapangalagaAkoNgKalikasan
#Baitang-at-Pangkat (hal. #10-5) para ma-monitor ng guro ang inyong mga gawa.

You might also like