You are on page 1of 4

1.

1 Pagsasalin at Paraphrasing
Pagsasalin

Ang pagsasalin ay isang gawaing binubuo ng pagtatangkang palitan ang isang nakasulat na
mensahe sa isang wika ng gayon ding mensahe sa ibang wika (PeterNewmark, 1988).

Dalawang wikang kasangkot sa bawat Pagsasalin

• Simulaang lengguwahe (SL, source language) na ginagamit sa teksto ng orihinal.

• Tunguhang lengguwahe (TL, target language) na ginagamit ng tagasalin.

Kahalagahan ng Pagsasalin

Mahalagang maisalin ang iba’t ibang saliksik ng mga Pilipinong siyentipiko tungo sa wikang
Pambansa upang maging aksesibol ang kaalaman sa bawat saliksik sa lahat ng Pilipino.

Katangian ng isang Tagasalin

Mga kakayahang nararapat na taglayin ng sino mang nagnanais na magsalin ayon kay Nida
(1964) at Savory (1968),

• Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa Pagsasalin.

• Sapat na kaalaman sa paksang isasalin

• Sapat na kaalaman sa kultura at dalawang bansang sangkot sa pagsasalin.

Mga Paraan ng Pagsasalin

Mga paraang maaaring gamitin ng isang tagapagsalin upang maging mabunga at matagumpay
ang kaniyang pagsasalin, Peter Newmark (1988),

1.Pagsasaling Salita-sa-Salita

2.Naturalisasyon

3.Leksikal na kasingkahulugan

4. Kultural na Katumbas

5. Adaptasyon o Panghihiram

Paraphrasing Ang paraprasis o paraprase ay ang muling paghahayag ng kahulugan ng isang


teksto o talata na gumagamit ng ibang mga salita. Sa madaling sabi, ito ang pagpapakahulugan
sa pamamagitan ng ibang pangungusap o ibang mga salita.

Ang isang paraprasis ay tipikal na nagpapaliwanag o nagbibigay ng "liwanag" sa teksto


ipinapahayag sa pamamagitan ng ibang pananalita
1.2 Pagpili ng Paksa Ng Pananaliksik

Ang pagpili ng paksa ay ang magiging pundasyon ng ating gagawing pananaliksik. Ang paksa ay
ang pangunahing ediya sa gagawing pag-aaral. Sa pipiliing paksa iikot ang nilalaman ng ating
pamanahong papel/term paper/research, at ito ang magiging batayan sa pagkuha ng mga
ilalagay nating datos. Mahalagang pag-planuhan nating mabuti ang paksang nais nating pag-
aralan o saliksikin. Sa pagpili ng paksa mahalaga ding makapagbigay tayo ng ating gagawing
pamagat kung saan dito na papasok ang mga saklaw at limitasyon ng ating gagawing pag-aaral.
Sa pagpili ng paksa may mga dapat isaalang-alang upang maisakatupatan ng maayos ang
gagawing pananaliksik.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa

1.Kasapatan ng datos

2. Limitasyon ng pag-aaral

3. Kakayahang Pinansyal

4. Kabuluhan ng paksa

5. Interes ng mananaliksik

Mga Hanguan ng Paksa

• Sarili

• Dyaryo at Magazine

• Radyo at TV

• Mga Awtoridad, Guro at Kaibigan

• Internet

• Aklatan

Paglilimita ng Paksa

Sa paglilimita ng paksa, maari na tayong magkaroon ng tiyak na Pamagat kung saan dito lamang
iikot sa pamagat na ito ang ating gagawing pananaliksik. Narito ang ating pwedeng pagbatayan
sa pag lilimita ng ating paksa:

Halimbawang Paksa: Droga -Epekto ng Droga

• Paglilimita ng Panahon

• Kasarian

• Edad
• Lugar

• Pangkat o Grupo

• Partikular na halimbawa o kaso

Kombinasyon

Para mas maging tiyak o partikular ang ating paksa, maari pa nating pagsama samahin ang mga
batayan.

1.3 Pagbabalangkas

- ang balangkas ay nakasulat na plano na nagpapakita ng mga bahagi na bubuo sa isang sulatin.
Sa pamamagitan nito, nalalaman natin kung ano ano ang mga pangunahing ideya at suportang
ideya.

MGA LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS

• Maorganisa ang mga ideya

• Matukoy ang mahahalagang detalye

• Makita ang ugnayan sa isa’t isa ng mga ideya

• Malaman kung anong bahagi ng tatanggalin kung kinakailangan

• Mapabilis ang proseso ng pagsulat

• Hindi maligaw sa pagsusulat

TATLONG URI NG BALANGKAS

• Ang pamaksang balangkas na binubuo ng salita o parirala

• Pangungusap na balangkas sa pagtukoy sa mga pangunahin at suportang ideya. Binubuo ito


ng mga buong pangungusap.

• Patalatang balangkas upang matukoy hindi lamang ang mga pangunahin at suportang ideya,
kundi ang mga pantulongna detalye.

MGA PARAAN SA PAG-AAYOS NG PAKSA

Pag-organisa nito ayon sa panahon- Maaring ang ayos nito ay kronolohikal. Karaniwan itong
ginagamit kung ang paksa ay may kaugnayan sa paglalahad ng kasaysayan.

• Paraang lokihal- Ang paksa ay nakaayos ayon sa mga ugnayn ng mga ipinahahayag na ideya.
Ginagamit ito sa pagpapaliwanag ng konsepto.
• Ayon sa kahalagahan ng mga ideya- Inuuna dito ang mga mahahalagang ideya kaysa sa mga
di- gaanong mahalaga.

Mga prinsipyo sa Pagbabalangkas

• Isa sa mga sakit sa pagbabalangkas ay ang paggamit ng SIMULA,

KATAWAN at WAKAS. Iwasan ito.

• Siguraduhing parallel ang mga ideya sa gagawing balangkas.

• Mahalaga ang konsistensi sa pagbabalangkas. Maging konsistent sa

paggamit ng mga bantas.

• Siguraduhing hindi bitin ang mga bahagi ng balangkas.

Mga hakbang sa Pagbabalangkas

• Ayusin ang tesis na pangungusap.

• Ayusin at ilista ang mga pangunahing ideya.

• Tiyakin ang kaayusan ng mga ideya.

• Desisyunan ang uri ng balangkas at lebel ng balangkas.

• Isaayos ang porma

You might also like