Sa kabila ng mga natutunan natin sa paaralan ay hindi maikakaila na karamihan
pa rin sa mga mag-aaral ang kulang sa mga pangunahing kasanayan na dapat matutunan na nila sa mas maagang panahon, kabilang na rito ang pagbabasa. Kaya naisipan ng DepEd na ipatupad ana Catch-up Friday upang mas matututukan ng mga mag-aaral ang pagbabasa tuwing biyernes. Pero ano nga ba ang Catch-up Friday? Tama ba ang desisyon ng DepEd sa pagpapatupad nito? Enero 10, araw na bivernes. Ipinakilala ang bagong DepEd memorandum 001s. Inilunsad ng Departamento ng Edukasyon (DepEd) ang bagong programa na susundin ng mga pampublikong paaralan tuwing biyernes na tinatawag na "Catch-up Friday” at gawin and D.E.A.R (Drop Everything and Read). Layunin na programang ito na paunlarin ang mga kasanayan ng mga mag-aaral sa pagbabasa, at pati na rin itaguyod ang pagpapahalaga, kapayapaan, at edukasyong pangkalusugan. Ito ay pinatupad ng DepEd dahil sa 2022 World Bank Report na ang Pilipinas ay isa sa mga bansang kabilang sa ASEAN na may pinakamahinang antas ng pag-unawa at kasanayan sa pagbasa na may 90.9%. Sa kabila ng lahat ng ito, may mga maa-aaral pa rin ang hindi sumang-ayon sa Catch-up Friday sa kadahilanang “mas madadagdagan lang ang kanilang gawain”. Ngunit kung ang bagong memorandum na ito ay makakatulong na mas mapahusay ang kaniang kasanayan sa pagbabasa at mas tataas ang antas ng kanilang kakayahan upang makipagsabayan sa ibang bansa ay sapat na matalino ang DepEd upang mag- isip ng solusyon o bagay na makatutulong para sa mga mag-aaral. Dahil kung pinahihintulutan ang ibang mga programa sa paaralan, bakit hindi rin natin supurtahan ang isang bagay na lubos na makakatulong sa mga mag-aaral upang mas matuto at mas gumaling? Sa pagpapatupad ng programang ito, karamihan sa mga mag-aaral ang mas magiging mahusay sa paqsulat ng mga sanaysay, journals, at iba pa, sa mas maagang panahon. Kaya mahalaga ang Catch-up Friday dahil ang programang ito ay nagbibigay ng maraming benepisyo tulad ng nabigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na matuto ng mga bagong kasanayan, estratehiya, at konsepto upang maiugnay ang gawaing akademiko sa mga karanasan sa totoong buhay. Sa pamamagitan ng pagbibigay prayoridad sa suporta sa mga mag-aaral, makatutulong ito na matiyak na na ang lahat ng mga estudyante ay magtagumpay at umunlad ang kanilang mga gawaing pang- akademiko. Tayo ay magtulungan para sa magandang kinabukasan.