You are on page 1of 6

PART 1 LEARNER SHEET

Grade 2

Naglalaba si Tatay sa palanggana.

Magpapalit ako ng kamiseta mamaya.

2
Mga Salita

binti pito tubig pagod

kanta regalo butiki

halaman malapot gagamba


2
Mga Pangungusap

Nilinis nila ang agiw rito.


PART 1 SCORESHEET
Grade 1 – _________________________

School: ______________________________________ Section: _______________ Teacher: ______________________________________

RHYME SCORE and SENTENCE SCORE and


RE AD ING

0 to 14 – Full Refresher 7 to 16 – Light Refresher


to 20 – Moderate Refresher to 20 – Grade Ready

# Name Date of Task 1 Rhymes Sentences Total Reading Profile Remarks


Assessment (10) (10) (10) Score
PART 2 LEARNER SHEET
Grade 2

Isang Kakaibang Araw

Ang Pagong at

ang Kuneho
PART 2 LEARNER SHEET
Grade 2

Iba't ibang tao ang sumasakay sa jeepney


ni Tatay. May mga estudyanteng papasok ng
eskuwela. May aleng mamamalengke. May
nanay na may kasamang anak.
Pero may isang taong sumakay na bukod-
tangi. Ang suot niya'y makulay at maluwang
na damit. Napakalaki ng sapatos niyang pula!
Pula rin ang ilong niya. Puting-puti ang
mukha niya at asul ang kulot niyang buhok.
Hindi ko siya mapigilang tingnan. Tinititigan
din siya ng katabi niya.
Ngumiti siya sabay-labas ng limang bola
mula sa kaniyang bulsa. Isa-isa niyang
itinapon ang mga bola pataas at sinalo.
Paulit-ulit niya itong ginawa. Napapalakpak
kaming lahat!
PART 2 LEARNER SHEET
Grade 2

"Ako ang pinakamabilis tumakbo,” sabi ni


Kuneho. “Wala nang bibilis pa sa akin!”
“Naku, Kuneho, wala ka nang ibang sinabi
kung hindi gaano ka kabilis tumakbo,” sabi ni
Pagong. “Hinahamon kita sa isang paligsahan."
“Hindi mo ako matatalo!” sabi ni Kuneho.
“Dahil mas mabilis akong tumakbo!"
"Malalaman natin ‘yan bukas ng umaga,” sabi
naman ni Pagong.
“Kapana-panabik ito!” sabi ni Buwaya.
“Kawawa naman si Pagong kasi ang bagal
niyang gumalaw,” sabi naman ni Elepante.
“Kahit mabagal siya ay hindi naman siya
tumitigil,” sabi ni Unggoy.
Kinabukasan, dumating ang lahat ng hayop
upang manood ng paligsahan.

You might also like