You are on page 1of 15

Module Code: Pasay-M1-Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:____________


Guro:______________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MUSIKA 1
Ikalawang Markahan/ Unang Linggo/ Unang Araw

A. Layunin: Natutukoy ang himig ng tono bilang mataas o


mababang tono.
B.Panimula

Ang himig ay ang mataas at mababang tono ng tunog. Ang tunog


ay ginagawa ng iba’t ibang bagay, hayop, at tao ay may iba’t ibang
himig. Ang kanta na kinakanta ng may tamang himig ay masarap
pakinggan. Tignan natin ng mabuti ang larawan na nasa ibaba,

Pansinin ang mga bagay o hayop na nakikita ninyo sa TAAS. Ano


naman ang mga bagay o hayop na nakikita ninyo sa IBABA?
Gawin natin ang tunog ng ibon at ng baka. Ang ibon, tulad ng
paglipad nito, ito ay gumagawa din ng MATAAS na tunog, samantalang
ang baka naman ay gumagawa ng MABABANG tunog.
C. Talakayin Natin
Halina at pag-aralan natin ang kantang “Tao, Tao Po” (awiting
bayan/folksong).
1 Tao, tao po
2 May bahay na bato
3 Buksan ang bintana’t
4 Tayo’y magpandanggo
5 Kung walang gitara
6 Kahit na bilao
7 Makita ko lamang
8 Ang dalaga ninyo

Page 1 of 15
Module Code: Pasay-M1-Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:____________


Guro:______________________________
Pakinggan ng mabuti ang panlima at panganim na linya ng
kanta.

Kung walang gitara

Kahit na bilao
Napansin ba ninyo ang pagkakaiba sa himig ng dalawang
salitang may bilog? Ang unang salitang may bilog ay may mataas
na himig at ang pangalawang salita ay may mababang himig.

Isaisip Natin
Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog na
maaaring mataas o mabababa. Ito’y tinatawag na pitch.

Mga Pagsasanay
Gawain 1: Kulayan ng Dilaw ang mga larawan na may MATAAS na
himig at Asul ang mga larawan na may MABABANG himig.

Gawain 2: Lagyang ng tsek ( ) ang patlang kung ang salitang


may bilog ay may mataas na himig. Kahon ( ) naman kung ito ay
may mababang himig.
________1. Tao, tao po

________2. May bahay na bato

________3. Buksan ang bintana’t

________4. Tayo’y magpandanggo

________5. Kung walang gitara

________6. Kahit na bilao


Page 2 of 15
Module Code: Pasay-M1-Q2-W1-D1

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:____________


Guro:______________________________

Gawain 3: Gumuhit ng isang larawan ng galaw ng melody


kasabay ng lyrics ng awit na “Rocky Mountains”. Sundan ang unang
halimbawa.

Rocky mountain Rocky mountain high

When you’re in that Rocky mountain

Look up to the Sky.

C. Pagtataya
Ipakita kung kaya mo nang kilalanin at awitin ang MATAAS at
MABABANG tunog ng awit sa pamamagitan ng pagkukulay sa bituin
ng DILAW – para sa PINAKAMAHUSAY, PULA – para sa MAS MAHUSAY
at BERDE – para sa MAKAKAYA NA.

1. Awitin ang pitch ng buong awit.

2. Pakinggan at sabihin kung pataas


o pababa ang melody.

3. Hanapin ang mataas at mababang tunog


sa awitin na naririnig.

4. Makapagbigay ng mga bagay, hayop o tao


na may mataas o mababa na himig.

Inihanda ni:
Noriel Colleen S. Peralta
Teacher I
PADRE ZAMORA ELEM. SCHOOL

Page 3 of 15
Module Code: Pasay-A1-Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA ARTS 1
Ikalawang Markahan/ Unang Linggo/ Ikalawang Araw

Objective:
Identifies colors as primary, secondary and tertiary, both in
natural and man made objects, seen in the surrounding.

ARALIN 1 : MGA PANGUNAHING KULAY


ALAMIN NATIN
Ang mga tao sa Sining ay gumagamit ng iba’t-ibang
kulay upang lalong gumanda at magkaroon ng buhay ang mga
likhang sining. Ang mga bundok, kalangitan, puno at dagat ay
mga likas na bagay na may natural na kulay. Mayroon din mga
bagay na gawa ng tao at ang mga ito ay mayroon ding
iba’t-ibang mga kulay.
Tingnan ang larawan. Anu-anong mga kulay ang nakikita
mo?

Mayroon tayong tatlong Pangunahing Kulay.


Anu-ano ang mga ito?

Page 4 of 15
Module Code: Pasay-A1-Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________

Kulayan ang mga larawan:

pula dilaw bughaw

Ilang kulay ang ginamit mo?


Anu-anong kulay ang ginamit mo?

Tandaan
May Tatlong Pangunahing Kulay. Ang mga ito ay pula, dilaw at
bughaw.

Repleksyon

Alin dito sa mga mukha ang iyong damdamin habang


ginagawa ang iyong gawain? Kulayan ng dilaw.

Page 5 of 15
Module Code: Pasay-A1-Q2-W1-D2

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________

Pagsasanay

Tukuyin ang mga bagay. Kulayan ang mga ito


gamit ang 3 Pangunahing Kulay.

Iskala ng Pagmamarka
5 Nakapag kulay ng mga larawan nang wasto, malinis at maayos.
4 Nakapag kulay ng mga larawan gamit ang wastong kulay ngunit
maraming lagpas.
3 Nakapag kulay ng mga larawan ngunit marumi ang
pagkakakulay.
2 Nakapag kulay ng mga larawan ngunit mali ang mga kulay na
ginamit.
1 Nakapag kulay ngunit hindi natapos ang gawain.

Sanggunian: MELC Curriculum Guide


MAPEH Adventures in the 21st Century pahina 132
Radiance 1 pahina139-14
Inihanda ni: NORITA A. VERDADERO
TIMOTEO PAEZ ELEMENTARY SCHOOL

Page 6 of 15
Module Code: Pasay-PE-Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA PE 1
Ikalawang Markahan/ Unang Linggo/ Ikatlong Araw

Learning Objective: Moves within a group without bumping or


falling using locomotor skills.

Panimula:

Tingnan ang larawan sa ibaba at sabihin kung ano ang


ginagawa ng mga bata.

Talakayin Natin:
Ilan ang tumatakbo?____
Ilan ang lumulundag?____
Ilan ang naglalakad?_____

 Ang kilos lokomotor ay tumutukoy sa mga kilos na umaalis


sa kinatatayuan gaya ng paglakad, pagtakbo,
paglundag, pagpapadulas, pag-igpaw, paglukso at
pagkandirit.

 Kung kilos lokomotor ang ating gagawin, kinakailangan


natin ng isang espasyo o lugar na makakikilos tayong
mabuti.

Page 7 of 15
Module Code: Pasay-PE-Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________
Tandaan Natin:
Ang kilos lokomotor ay tumutukoy sa mga kilos na umaalis sa
isang lugar tulad na lamang ng paglalakad, paglukso,
paglundag at iba pa.

NAUUNAWAAN MO NA BA? GAWIN NATIN

Pagsasanay:
Exercise/Gawain 1: Pakiusap, Walang Bungguan
Panuto: Yayain ang iyong kapatid at gawin ang sumusunod na
gawain nang may pag iingat at hindi kayo
nagkakabungguan.

Tumakbo ng mabagal, katamtaman, at


mabilis sa alinmang direksiyon.

Lumundag ng mabagal, katamtaman,


at mabilis sa alinmang direksiyon.

Maglakad ng mabagal, katamtaman, at


mabilis kasama ang iyong kapatid sa
alinmang direksiyon.

Lumukso ng mabagal, katamtaman, at


mabilis sa alinmang direksiyon.

Pagkandirit ng mabagal, katamtaman


at mabilis sa alinmang direksiyon.

Page 8 of 15
Module Code: Pasay-PE-Q2-W1-D3

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________

PAGSASANAY:
Exercise/Gawain 2:
Panuto: Pagtambalin ang mga larawan sa salitang lokomotor na
tinutukoy nito gamit ang linya.

 paglakad

 paglukso

 pagkandirit

 pagtakbo

 paglundag

Sanggunian:
MAPEH Learners material, DepEd
MAPEH Learners Material, DepEd
https://www.youtube.com/watch?v=qraicMj6lpM Inihanda ni:
YHETTE M. MAESTRO
NAME OF WRITER
Epifanio Delos Santos Elementary School
NAME OF SCHOOL

Page 9 of 15
Module Code: Pasay-H1-Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA HEALTH 1
Ikalawang Markahan/ Unang Linggo/ Ika-apat na Araw

Learning Objective: Identifies proper behavior during mealtime.


—————————————-—————————————————
Lesson 1: Proper Behavior During Mealtime

Tula

Iwasang papaghintayin
Sa mesa ang pagkain
Sama-sama tayong manalangin
Bago at pagkatapos kumain

Pag-usapan natin
Sagutin ang mga sumusunod.

 Tungkol saan ang tula? Bakit dapat ugaliin ang tamang gawi
sa hapag-kainan?

Mahalagang malaman habang bata ang ilang sa mga


tamang gawi sa hapag-kainan upang magkaroon ng tamang
pag -uugali na siya nitong dadalhin sa kanyang paglaki.

Wastong gawi sa Hapag-kainan para sa lahat


1. Maghugas ng kamay bago kumain.
2. Umupo nang wasto.
3. Magagandang bagay ang pag-usapan habang
kumakain.
4. Sabihin ang “Pakiusap” sa pagpapasa ng pagkain.
5. Iwasan ang pagsasalita kung may laman ang bibig.
6. Nguyain ang pagkain na nakasara ang bibig.
7. Kumain nang dahan-dahan. Upang magustuhan ang
Pagkain.

Page 10 of 15
Module Code: Pasay-H1-Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________
Pagsasanay 1: Iguhit ang masayang mukha sa ang kahon kung
ito ang nagpapakita ng tamang gawi sa hapag-kainan. Malungkot
na mukha naman kung hindi.

Maghugas ng kamay bago kumain.

Kumuha ng maraming pagkain kahit hindi kaya.

Umupo ng wasto.

Magsalita habang may laman na pagkain ang bibig.

Magagandang bagay ang pag-usapan habang


kumakain.

Pagsasanay 2: Kulayan ang larawang nagpapakita ng tamang gawi


sa hapag-kainan.

Tandaan:
Ang mga tamang gawi sa hapag-kainan ay mahalaga. Gawin ito
araw-araw nang magkaroon ng tamang pag uugali sa isang masaya
at sabay-sabay kumain na pamilya.

Page 11 of 15
Module Code: Pasay-H1-Q2-W1-D4

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:________


Guro:______________________________
Panuto: Isulat sa patlang letra ng tamang sagot.

_____1. Madumi ang mga kamay ni Yula dahil sa kanyang paglalaro


nang tawagin na siya ng kanyang ina. Ano ang dapat gawin
ni Yula bago kumain?
a. hanayaan na lamang ang kamay
b. punasan ang maduming kamay
c. maghugas ng kamay

____ 2. May nais abutin si Iya na pagkain ngunit hindi niya ito makuha.
Ano ang kanyang sasabihin sa ate?
a. “ate paki-abot po ang ulam”
b. “ate kuhanin mo nga ang ulam”
c. “akin na nga ang ulam”

____ 3. Masayang nagkakainan ang pamilya ni Aling Tess nang


biglang nagsalita Si Ben na may lamang pagkain ang
kanyang bibig. Tama ba ang ginawa ni Ben? Bakit
a. Opo, kasi nagkukwentuhan sila
b. Hindi po, kasi masama ang pagsasalita habang may
laman ang bibig
c. tama ang lahat ng sagot.

____ 4. Maraming nailuto ang ina nina Yula at Iya. Ano ang kanilang
gagawin upang lubos nilang magustuhan ang pagkain?
a. Kumain ng dahan-dahan
b. Kumain ng mabilis
c. Mag-unahan ang dalawang magkapatid

____ 5. Sabay-sabay kumain ang pamilya ni Mang Lito. Ano kaya ang
magandang pag-usap nila habang kumakain?
a. mga away ng kapitbahay
b. Mga masasayang bagay
c. mga gulo ng ibang pamilya

Reference: https://www.youtube.com/watch?v=uQhw_lo-Ks8
LM page 13-14
Inihandi ni
Bb. Ichie P. Indico
Bernabe Elementary School

Page 12 of 15
Module Code: Pasay-M1-Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:____________


Guro:______________________________
DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOOLS DIVISION OF PASAY CITY

MODYUL SA MUSIKA 1
Ikalawang Markahan/ Unang Linggo/ Ikalimang Araw

A. Layunin: sings simple melodic patterns ( so –mi, mi –so, mi – re-do)

B.Panimula

Tingnan ang larawan sa itaas. Bakit importante ang hagdanan? Dahil


dito, tayo ay nakaka-akyat at nakaka-baba sa ating pupuntahan. Ang pag-
akyat at pag-baba ng hagdan ay katulad ng musika.

Sa ating aralin ngayong araw, matututunan natin ang galaw ng


musika.

C. Talakayin Natin
Ano ang Melody?
Ang MELODY o himig ay ang pinakang tono ng awit. Ito ang resulta
ng maayos na pagsasama-sama ng mga hanay ng nota sa isang
komposisyong musikal.

Ano ang Pitch?


Ang Pitch ay ang frequency ng tunog. Kapag mataas ang nota
ay mataas ang tunog nito at kapag mababa ang nota ay mababa
naman ang tunog nito.

Tingnan ang halimbawa sa ibaba. Ang may mataas na pitch o tinis ay


tinatawag na Sol at ang may mababang pitch o tinis naman ay
tinatawag na Mi.

sol mi sol mi
Page 13 of 15
Module Code: Pasay-M1-Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:____________


Guro:______________________________
Makikita natin ang pagtaas at pagbaba ng mga nota. Samakatuwid,
mas mataas ang nota ng sol kaysa sa mi. Upang lubos pa natin maunawaan,
sabayan ang awiting “Star Light” habang sinusundan ang SOL/MI na nota.

Isaisip Natin

Ang isang awit o tugtugin ay binubuo ng mga tunog na maaaring


mataas o mabababa. Ito’y tinatawag na pitch. Ang pagtaas at pagbaba
naman nito ay tinatawag na Melodic Patterns.

Mga Pagsasanay
Gawain 1: Tingnan ang mga larawan. Bilugan ang mga larawan na
nagpapakita ng pataas na direksyon, kahunan naman kapag ito ay pababa.

Gawain 2: Iguhit ang sumusunod na nota.


1. Iguhit ng 5 na beses ang notang Mi.

2. Iguhit ng 5 beses ang notang Sol.

Page 14 of 15
Module Code: Pasay-M1-Q2-W1-D5

Pangalan: ________________________ Baitang at Pangkat:____________


Guro:______________________________

mi fa so la ti do re mi fa
Gawain 3: Tukuyin kung ang note head ay mataas o mababa. Isulat ang
mga nota sa kahon ayon sa mga hanay ng mga nota na makikita sa taas.

1. 2. 3. 4. 5. 6.

7. 8. 9. 10.

C. Pagtataya
Ipakita kung kaya mo nang kilalanin at awitin ang kantang may notang
Sol at Mi sa pamamagitan ng pagkanta ng awiting “Ang Lobo Ko”.

Inihanda ni
Noriel Colleen S. Peralta
Teacher I
PADRE ZAMORA ELEM. SCHOOL

Reference:
Grade 1 K-12 Learner’s Material
Teacher’s Guide (DepEd)

Page 15 of 15

You might also like