You are on page 1of 11

1

ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN


ARALING PANLIPUNAN 1-IKAAPAT NA MARKAHAN
Pangalan:________________________________________________
Pangkat: _______________ Guro: ___________________________

Aralin 5 : Kahalagahan ng mga Istruktura Mula


Tahanan
Patungo sa Paaralan

KASANAYAN

Most Essential Learning Competencies

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng mga istruktura mula sa

tahanan patungo sa paaralan. Code: AP1KAP-IVd-7

Magandang umaga sa iyo. Kumusta ka? Ok ba ang iyong pakiramdam?

Nasa mabuting kalagayan ba kayo ng iyong buong pamilya?

Umaasa ako na ang lahat sa atin ay nasa mabuting kalagayan.

INAASAHAN

Sa aralin na ito ay maipaliliwanag mo ang kahalagahan ng

mga istruktura mula sa tahanan patungo sa paaralan.

May mga gawain na inihanda upang masukat ang iyong

natutuhan tungkol sa aralin. Inaasahan kong masisiyahan ka sa

aralin na ito.

AP 1- Qrt.4- Week 5
2
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
2

Handa ka na ba sa unang pagsubok? Halina’t simulan na natin.

Kaya mo ito! Huwag mag-alala kung mababa o mataas ang iyong

makukuhang iskor. Kung mataas ibig sabihin marami ka nang alam at

kung mababa naman ibig sabihin pag ibayuhin nating pag- aralan ang

ating aralin sa araw na ito.

Paunang Pagsusulit

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung tumutukoy sa

kahalagahan ng istruktura at malungkot na mukha ( ) kung hindi.

______1. Nakakatulong ang mga ito upang hindi maligaw.

______2. Makakapamasyal bago pumasok sa paaralan.

______3. Magkakaroon ng masusulatan na mga dingding gamit ang

mga istrukturang madaraanan.

______4. Nagiging gabay kung gaano kalayo ang paaralan mula sa

tahanan.

______5. Matutulungan ang mga kapwa batang naliligaw sa

kanilang daan.
Madali lang, hindi ba? Ngayon naman ay magbalik

tanaw tayo sa nakaraang aralin. Subukin nga natin ang iyong

mga natatandaan.

AP- 1- Qrt.4- Week 5


3
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN

BALIK TANAW

Panuto: Pagmasdang mabuti ang bawat larawan, piliin ang tamang


sagot sa mga salita sa loob ng kahon.

simbahan palengke bangko


ospital kainan

1. 2. 3.

4. 5.

Ang galing mo! Naalala mo pa ang nakaraang

aralin. Napakahusay!

Ngayon naman ay malalaman mo ang ating aralin

sa modyul na ito. Handa ka na ba? Tara na at matuto!

AP 1- Qrt.4- Week 5
4
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
4

Maikling Pagpapakilala
ng Aralin

Si Ben ay nasa unang baitang. Araw-araw ay inihahatid

at sinusundo siya ng kaniyang nanay sa kaniyang pagpasok

sa paaralan. Lagi niyang pinagmamasdan ang mga

estruktura sa kanilang dinaraanan. Ipinapaliwanag ng

kaniyang nanay na kailangang tandaan niya ang mga

istruktura na kanilang dinaraanan pagpasok mula sa

tahanan hanggang sa paaralan. Ating pakinggan ang

kanilang usapan.

Ang Bilin ni Ina

Araw ng Lunes, unang araw ng pasok ni Ben sa

paaralan.

Ben: Nay, papasok na po ako.

Nanay: Sige anak, ihahatid na kita sa paaralan.

Ben: Salamat po Nanay. Malayo po ba ang aming

paaralan? Baka po maligaw tayo.

Nanay: Naku, malapit lang anak. May ilang istruktura kang

madaraanan bago ka makarating doon. Tignan mo itong

AP- 1- Qrt.4- Week 5


5
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
mapa, narito ang mga istrukturang madaraanan natin.

Pag-aralan mo para hindi ka maligaw.

Ben: Iba’t ibang istruktura pala ang nadaraanan natin

Nanay. Nakatutulong ang mga ito para malaman ko kung

nasaan ang aking paaralan.

Nanay: Oo anak, kaya tandaan mo ang mga ito.

Gabay na mga tanong:

1. Ano-ano ang mga istruktura na nadaanan ni Ben

pagpasok sa paaralan?

2. Anong istruktura ang pinakamalapit sa kaniyang

paaralan? Sa kaniyang tirahan?

3. Paano nakatutulong ang mga ito sa kaniya?

AP 1- Qrt.4- Week 5
6
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
6
4. Mahalaga bang malaman ang mga istrukturang ito?

Bakit?

Hindi ba’t madali lang ang ating aralin? Tingnan ko

nga kung naiintindihan mo ang ating leksyon. Nasa

ibaba ang iyong unang gawain.

GAWAIN

A. Pagmasdan at pag aralan ang mapa. Intindihin ang bawat

pahayag at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang sagot

sa sagutang papel.

1. Ano-ano ang mga istruktura na nadaraanan ni Cora sa

pagpasok niya sa paaralan? __________________________________

2. Anong istruktura ang palatandaan na malapit na siya sa

paaralan? ___________________________________________________

AP- 1- Qrt.4- Week 5


7
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
3. Pag-uwi naman niya, anong istruktura sa tabi ng bahay nila

ang kaniyang palatandaan? _________________

_____________________________________________________________

Madali lang hindi ba? Narito pa ang isang pagsubok.

B. Ano-ano ang mga nakikita mo sa daan patungo sa iyong


paaralan? Kulayan mo ang mga istruktura na nakikita mo sa iyong
dinaraanan tuwing pumupunta ka o pauwi mula sa paaralan na
siyang nagsisilbing gabay mo upang hindi ka maligaw.

AP 1- Qrt.4- Week 5
8
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
8

TANDAAN

Nakatutulong ang mga bagay at istruktura na makikita sa iyong

dinaraanan mula sa iyong bahay patungo sa iyong paaralan. Ang

mga ito ay maaaring maging gabay mo upang hindi ka maligaw.

Pag- alam sa Natutuhan

Panuto: Gumupit o iguhit ang mga istruktura na gabay mo sa iyong

pagpasok sa paaralan at pag-uwi ng bahay. Idikit o iguhit ang mga

ito sa loob ng kahon.

Binabati kita sa mahusay mong paggawa.

Ngayon alam kong handa ka na sa pagsagot sa panghuling

pagsubok para sa aralin na ito. Halika at iyo nang sagutan.

AP- 1- Qrt.4- Week 5


9
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Piliin ang titik ng tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat sa

sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng mga istruktura

patungo sa paaralan?

A. Gabay upang makapunta sa paaralan.

B. Para makapunta sa iba’t ibang lugar.

C. Nakatutulong para makapaglaro.

D. Wala sa nabanggit.

2. Alin sa mga sumusunod na istruktura ang mahalaga na iyong

puntahan maliban sa isang lugar?

A. Barangay Hall B. Computer Shop

C. Palaruan D. Kainan

3. Ang mga sumusunod ay mga istruktura na maaaring makita natin

sa pagpasok sa paralan maliban sa isa.

A. B. C. D.

4. Hindi kailangang alamin ang mga istruktura patungo sa paaralan.

A. Tama B. Mali C. Pwede D. Maari

AP 1- Qrt.4- Week 5
10
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
10
5. Hindi tayo maliligaw sa pagpasok at pag-uwi mula sa paaralan

kung alam natin ang mga istruktura sa ating dinaraanan.

A. Tama B. Maaari C. Mali D. Hindi alam

PAGNINILAY

Sa tulong ng inyong magulang o sino mang nakatatanda sa

inyong tahanan, magtala ng 2 istruktura na nadaraanan ninyo

noong kinder kayo patungo sa iyong paaralan at isulat ang

kahalagahan nito sa inyong pagpasok o pag-uwi mula sa paaralan.

__________________________________________________________

__________________________________________________________

AP- 1- Qrt.4- Week 5


11
ARALING PANLIPUNAN 1- IKAAPAT NA MARKAHAN
Palasagutang Papel- Week 5
Pangalan:________________________________________________
Pangkat: _______________ Guro: ___________________________

Paunang Pagsusulit Balik-Tanaw

1. ________________________________ 1. __________

2. ________________________________ 2. __________

3. ________________________________ 3. __________

4. ________________________________ 4. __________

5. ________________________________ 5. __________

Gawain A. Gawain B.

1. _________________

2. _________________

3. _________________

Pag-alam sa Natutunan Panghuling Pagsusulit

1. ____________________

2. ____________________

3. ____________________

4. ___________________

5. ___________________

Pagninilay
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

AP 1- Qrt.4- Week 5

You might also like