You are on page 1of 16

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre – Modyul 16:
Presentasyon at Paglalathala ng
Pananaliksik

AIRs - LM
i

LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Baitang 11 – Ikalawang Semestre
Modyul 16: Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik
Ikalawang Edisyon, 2022

Karapatang sipi © 2022


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha


ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Michael G. Miranda at Alvin D. Mangaoang


Tagasuri: Jomari B. Banut at Larry O. Barbasina
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Michael Jason D. Morales

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: _________________________

Department of Education – SDO La Union


Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Email Address: launion@deped.gov.ph

ii
Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa
Pananaliksik
Ikalawang Semestre – Modyul 16:
Presentasyon at Paglalathala
ng Pananaliksik

iii
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating
mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang
o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-
kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
Sapulin

Mahal kong mag-aaral, binabati kita sapagkat nakaabot ka sa bahaging ito.


Ito na ang huling modyul at sana’y nailapat mo nang maigi ang iba’t ibang kaalamang
iyong natutuhan mula sa nakalipas na mga modyul. Naging mapanghamon ang
paglalakbay ngunit napagtagumpayan mo ito. Sadyang kahanga-hanga ang iyong
pagpapagal. Ngayon, halika na’t sasama tayong dumako sa huling modyul para sa
markahang ito.

Nakapaloob sa Modyul 16 tungkol sa presentasyon at paglalathala ng


pananaliksik. Mababatid mo dito ang iba’t ibang pamantayan sa kung paano
mailalahad ang nilalaman ng pananaliksik maging ang iba’t ibang paraan sa
paglalathala nito.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):


1. Nagagamit ang mga katuwirang lohikal at ugnayan ng mga idea sa pagsulat
ng isang pananaliksik (F11WG-IVgh-92); at
2. Nakabubuo ng isang maikling pananaliksik na napapanahon ang paksa.
(F11WG-IVgh-92).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Natutukoy ang halaga ng pagsasapubliko ng pananaliksik gaya ng
publikasyon at paglahok sa colloquium;
2. Naisasagawa ang ilang hakbang sa publikasyon ng pananaliksik at
pagpapasa nito sa refereed journal;
3. Nakapagtatalakay ng naging resulta at pagsusuri ng pananaliksik sa isang
lecture-forum;
4. Narerebisa ang pananaliksik batay sa kahingian ng editor ng refereed
journal.

Sabik ka na bang magpatuloy sa pag-aaral? Kung oo, halika na’t magsimula


na tayong matuto.

1 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
Aralin Presentasyon
16 at Paglalathala
ng Pananaliksik

Simulan

Binabati kita mahal na mag-aaral. Napagtagumpayan mo ang mga aralin at


gawain sa nakaraang bahagi ng learning material na ito. Ngayon, tayo’y
magpapatuloy sa ating aralin. Handa ka na ba? Sige magsimula ka na sa paunang
gawain.

Gawain 1: Sariwain ang Nararaan


Panuto: Gumawa ng repleksyon tungkol sa paggawa mo ng papel-pananaliksik at ang
rebisyon nito. Maging tapat sa pagsagot sa tanong. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Ano ang naiisip mong gawin pagkatapos mong manaliksik?

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang gawain. Pagkatapos ng rebisyon


ng iyong manuskrito, alam mo bang hindi pa tapos ang proseso sa ginawang papel-
pananaliksik?

Ngayon ay iyo nang mababatid ang huling proseso nito, ang presentasyon at
paglalathala ng pananaliksik.

2 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
Lakbayin

Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik

Ang presentasyon at paglalathala ang pinakahuling bahagi ng proseso ng


pananaliksik bagama’t hindi na ito bahagi ng mismong produksiyon. Mahalaga ang
publikasyon at presentasyon ng pananaliksik upang ibalik sa mga mamamayan ang
sistematikong kaalaman na nakuha mula sa kanila. Hindi kompleto ang proseso ng
pananaliksik kung wala ito.

Akademikong Publikasyon

Hindi kompleto ang anomang pananaliksik na walang publikasyon. Maaaring


ilathala ang pananaliksik, buod, pinaikling bersiyon o isang bahagi nito sa
pahayagan o pamahayagang pangkampus, conference proceedings, monograph, aklat
o sa refereed research journals. Gaya ng naunang tinalakay, hinihikayat ang mga
mananaliksik na maglathala ng mga pag-aaral sa iba’t ibang paraan upang
maipalaganap ang halaga ng resulta nito. Gayonpaman, ang pinakatanggap at
balidong paraan sa akademikong publikasyon ay mapasama sa isang refereed
research journal sa anomang larangan ang inyong pananaliksik. Sa pamamagitan
nito, opisyal na kinikilala at tinatanggap bilang bahagi ng kaalaman sa isang tiyak
na paksa ng pag-aaral ang kinalabasan ng pananaliksik. Ito ay dahil sa dumadaan
ang refereed journals sa tinatawag na peer review.

Ang peer review ay isang proseso kung saan ang mga manuskrito o artikulo
ay dumaraan sa screening o serye ng ebalwasyon bago mailimbag sa mga journal.
Ginagawa ang ebalwasyon upang salaing maigi ang mga awtput sa pananaliksik at
maiwasan ang paglilimbag ng mga hindi kapaki-pakinabang na resulta ng
pananaliksik. Ibig sabihin, tanging mga kapaki-pakinabang at makabuluhang
pananaliksik lamang sa iba’t ibang larangan ang may puwang sa publikasyon.

Isinasagawa ng mga eksperto ang peer review. Ang mga eksperto ay may mga
pormal na kakayahan (nag-aral at nagtapos ng mga programa o kursong may
kinalaman sa paksa ng pananaliksik na tatasahin) at nakapagtatag na ng kanilang
kredibilidad bilang mga mananaliksik at awtor ng mga siyentipikong artikulo sa
kanilang larangan o disiplina. Tinatayang may 80,000 hanggang 100,000 na journal
sa buong mundo. May sistema ng citation index ang mga refereed journals sa buong
mundo upang maikategorya sa iba’t ibang larangan at masukat ang impact factor o
impluwensiya ng isang research journal sa iba pang pag-aaral batay sa pagbanggit o
pagkilala. Ilan sa mga pinakakilala at may pinakamalaking bilang ng journal ay ang
Institute for Scientific Information-indexed Journals na may tinatayang higit 12,000 na
journals at Scopus-indexed Journals na may higit 16,500 journals. Ang ilan pang
kilalang citation index sa buong mundo ay ang Science Citation Index (SC), Social
Sciences Citation Index (SSC) at Arts and Humanities Citation Index (AHCI) (Thomson
Reuters 2015). Prestihiyoso ang mga journal na napapabilang sa citation indexing na
ito sapagkat pinaniniwalaang masalimuot at mahirap ang pinagdadaanang proseso
ng ebalwasyon ng mga pananaliksik na nailalathala rito.

3 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
Ang istandard na ito ay ginagamit na batayan o sanggunian para sa paggawa
ng mga polisiya at pananaliksik sa iba’t ibang institusyon. Ginagamit din ito para sa
promosyon at ranking ng mga mga indibidwal na mananaliksik lalo na sa konteksto
ng akademya at karaniwang ginagamit ng pamahalaan sa ranking ng mga Higher
Education Institution (HEI). Madalas din na batayan ng maunlad na sosyo-
ekonomikong istatus ng isang bansa ang dami ng mga pananaliksik na napapabilang
sa international citation-indexed journals. Ibig sabihin, ang maunlad na siyentipikong
pananaliksik ay nangangahulugan ng isang maunlad na lipunan.

Sa Pilipinas, papaunlad pa lamang ang mga peer-reviewed journals na


kadalasan ay matatagpuan sa iba’t ibang akademikong institusyon. Ayon kay
Emerlinda Roman (2007), dating presidente ng Unibersidad ng Pilipinas, relatibong
mahina pa ang produksiyon ng refereed research journals sa mga lokal na
unibersidad sa Pilipinas dahil sa kakulangan sa institusyonal na pamumuhunan sa
mga kagamitan, laboratoryo, at iba pang uri ng suporta sa mataas na antas ng
pananaliksik. Halimbawa, sa Unibersidad ng Pilipinas, nailalathala ang research
journals sa pamamagitan ng pagsisikap at subsidyong nagmumula sa iba’t ibang
departamento at kolehiyo. Kadalasang naipapamahagi lamang nang libre sa lokal na
antas ang research journals. Malaking hamon para sa mga mananaliksik na Pilipino
ang kawalan ng suportang moral at pinansiyal mula sa pamahalaan.

Gayonpaman, maraming pagsisikap na maitaguyod ang iba’t ibang


pambansang publikasyon sa Pilipinas at mas malaki ang pagkakataong mapabilang
ang mga maka-Pilipinong pananaliksik sa journals na ito. Narito ang inisyal na mga
hakbang kung paano makapaglalathala sa isang research journal.

Mga Hakbang sa Paglalathala sa Isang Research Journal


• Pumili ng angkop na journal para sa iyong pananaliksik.
• Basahin ang mga pamantayan ng journal at magbasa ng mga back-issue.
• Rebisahin ang pananaliksik batay sa pamantayan ng journal.
• Ipabasa at iparebyu ang artikulo sa iba at muling rebisahin.
• Ipasa sa journal ang pananaliksik at hintayin ang feedback

Iba’t iba ang uri at pamantayan ng journal ayon sa larangan o disiplina at


mahalagang pumili ng angkop na journal para sa iyong pananaliksik. Karamihan ng
mga kaso ng hindi pagkatanggap sa pananaliksik ay dahil sa hindi tugma ang
pananaliksik sa mga pamantayan ng journal. Payo ni Nora Newcombe (2003), sa
artikulo pa rin Hewlet, kailangang alamin din ang ilang batayang impormasyon
tungkol sa journal, lalong-lalo na ang politikal at teoretikal na pagkiling nito. Malaki
ang maitutulong kung magbabasa ka ng mga back-issue o mga nailathala nang
pananaliksik sa target na journal. Kapag natukoy na ang journal, mahalagang pag-
aralan din nang mabuti ang mga pamantayan nito. Narito ang isang halimbawa ng
panawagan para sa kontribusyon ng papel-pananaliksik. Ito ay mula sa HASAAN
Journal, Opisyal na Journal ng Unibersidad ng Santo Tomas na nakuha mula sa mga
patalastas ng panitikan.ph (http://www.panitikan.com.ph/content/panawagan-
para-sa-hasaan-journal- ng-ust).

Ang Hasaan ay isang taunang interdisiplinaryong refereed journal sa Filipino


ng Unibersidad ng Santo Tomas sa pangangasiwa ng Departamento ng Filipino.
Tampok dito ang mga artikulong nakatuon so Filipino bilang larangan ng kaalaman
mula sa mga mananaliksik at iskolar sa bansa.

4 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
Presentasyon ng Pananaliksik

Ang isa pang pamamaraan ng pagbabahagi ng pananaliksik ay ang


presentasyon nito sa mga lokal, pambansa, at pandaigdigang komperensiya. Isa sa
mga mahalagang linangin sa loob at labas ng akademya ang maunlad na
pagpapalitan ng kaalaman sa pamamagitan ng mga pampublikong gawain tulad ng
simposyum, forum, komperensiya, at iba pa. Sa pamamagitan nito ay nalilinang ang
kagustuhan ng mga miyembro ng akademya na maghanap ng mas mataas na antas
ng kaalaman at uri ng pag-isip. Sa pamamagitan din nito, naisasapraktika ang
“pampublikong ispero” (public sphere) na idey ni Jürgen Haberia (1989), isang
Alemang sosyolohista at pilosopo. Ayon sa kaniya, mahalagang likhain ding
pampublikong ispero sa loob ng mga edukasyonal na institusyon upang ipalaganap
ang demokratikong proseso ng pagkonsulta sa mga miyembro ng akademya sa iba’t
ibang isyu at larangan ng kaalaman. Sa pamamagitan din nito, nagiging
makabuluhan at napapanahonon ang kaalaman ng mga guro at mag-aaral at
nadadala ito sa loob ng silid-aralan. Sa kabuoan ay nailulugar din nito ang silbi ng
akademya sa lipunan.

Ilan sa Posibleng Layunin ng Presentasyon

1. Magdagdag sa kaalaman ng tagapakinig tungkol sa paksa ng pananaliksik.


2. Mag-ulat tungkol sa progreso ng pananaliksik.
3. Manghikayat na tanggapin ang resulta ng pananaliksik.
4. Magmungkahi ng iba pang direksiyon sa pagsisiyasat tungkol sa paksa.
5. Mag-udyok ng isang partikular na aksiyon mula sa tagapakinig.

Mga Hakbang at Gabay sa Pag-organisa ng


Isang Forum o Colloquium sa Pananaliksik

1. Linawin ang katangian ng forum at kung ano ang mga paksang tatalakayin
dito. Maaaring ipakikta ito bilang isang colloquium o research forum kung saan
ibabahagi ang iba’t ibang resulta ng mga pananaliksik sa klase. Linawin din
ang pormat o daloy ng pagtalakay.
2. Hikayatin ang buong klase na magbahagi ng mga pananaliksik na ginawa sa
klase.
3. Hikayatin ang mga mag-aaral, guro, at iba pang bahagi ng akademikong
komunidad na manood at aktibong lumahok sa forum. Mahalagang marami
ang makapakinig lalo na't kung makabuluhan ang mga pananaliksik na
ibabahagi ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan din nito, makalilikhang
akademikong kultura na makahihikayat sa mga mag-aaral sa murang edad pa
lamang na manaliksik at ibahagi ito sa publiko.
4. Iplano ang petsa ng forum. Kailan at saan ito? Iplano rin ang tiyak na
paghahati ng programa ang oras na ilalaan sa bawat bahagi, pati ang
pagkakasunod-sunod ng presentasyon ng pananaliksik depende sa mga
nagpasa ng abstrak. Maaaring bigyan ng 15 hanggang 20 minuto ang bawat
kalahok na magbabasa ng papel. Maaaring maging tematiko ang
pagkakasunod-sunod nito. Pagkatapos mapinal ang programa, i-layout ito
nang malikhain. Madalas na nagsisilbing imbitasyon na rin ang mga
programa.
5. Itakda kung sino-sino ang magiging moderator at reaktor sa bawat papel na
tatalakayin. Linawin kung ano-anong punto ang dapat na maging pokus ng
reaksiyon sa papel. Bago magsimula ang forum, kailangang talakayin ng

5 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
moderator ang paksa at mga tema na aasahang marinig ng mga tagapakinig
sa buong araw.
6. Maglaan ng sapat na oras para sa mga komento, reaksiyon, at tanong na
padadaluyin ng moderator. Pagdesisyunan din kung ang bukas na talakayan
ba ay pagkatapos ng bawat pagbasa ng papel o pagkatapos ng isang grupo ng
papel na tumalakay sa halos magkakatulad na paksa.
7. Bumuo ng mga komite para sa mas madulas na pagdaloy ng aktibidad. Ang
ilang mahahalagang komite ay sa programa, imbitasyon ng kalahok at
tagapakinig, rehistrasyon, lohistika, pagkain, at iba pa na tutukuyin batay sa
inyong pangangailangan.

Galugarin

Gawain 2: Unawain Natin!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Bakit kailangan pang ilathala ang nagawang papel-pananaliksik
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Bakit kailangan pang dumaan sa peer review ang pananaliksik bago malimbag
sa journal?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang colloquium o research forum at ang kahalagahan nito sa pananaliksik?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gawain 3: Mag-internet Tayo


Panuto: Basahing mabuti ang bawat panuto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
A. Humanap sa internet ng isang journal na may bukas na panawagan para sa
kontribusyon ng pananaliksik. Tiyaking ang journal na ito ay akma sa
kalikasan ng pananaliksik na ginawa mo sa klase. Gupitin o i-print ang
panawagan at pagkatapos ay idikit sa kahon ang patalastas o kaya ay
kopyahin ang mahahalagang impormasyong makikita rito. Pagkatapos itong
gawin ay mag-uusap-usap ang mga miyembro ng grupo ang posibilidad ng
rebisyon ng pananaliksik upang ipasa sa isang mapiling journal.

Pangalan ng Journal: _________________________________________________

6 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
B. Humanap sa internet ng anomang video ng forum sa pananaliksik. Pansinin
kung paano ito naorganisa. Itala ang mga ito sa loob ng kahon.

Gawain 4: Sagutin Mo!


Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

1. Ano ang mga obserbasyon mo sa pagpapadaloy ng napanood na forum?


________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang pagdadaanan ng mananaliksik upang mailathala ang papel-
pananaliksik?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Bakit kailangan ang isang forum para sa iyong pananaliksik?
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Palalimin

Gawain 5: Presentasyon ng Pananaliksik


Panuto: Mula sa tinalakay na mga gabay sa presentasyon ng pananaliksik,
isasakatuparan na ngayon ng buong klase ang implementasyon nito. Hatiin
ang mga grupo at ilagay sa iba’t ibang komite at tiyakin ang paggana ng mga
komite at pagpapatupad ng mga plano. Tiyakin din ang mahusay na
paglalahad ng mga papel-pananaliksik na isinagawa ninyo sa klase.
Gagraduhan ang tagumpay ng inyong presentasyon batay sa sumusunod na
pagmamarka.

Nakalaang
Batayan ng Pagmamarka Grado Komento
Puntos
Organisasyon (15)
Introduksyon sa Paksa 5
Paglalahad ng Detalye 5
Pagtatapos 5
Estilo ng Paglalahad (25)
Lakas at Linaw ng Tinig 5
Angkop na Gamit ng Salita 5
Presentasyong Biswal 7
Pagsagot sa mga Tanong 8

7 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
Nilalaman ng Papel (30)
Napapanahon/Makabuluhan ang
7
Paksa ng Pananaliksik
Lalim ng Pananaliksik at Talas ng
7
Pagsusuri
Kaayusan ng Presentasyon ng Ideya 8
Pagsusuri at Konklusyon sa Paksa 8
Kabuoan: 70

Sukatin

Mahusay! Binabati kita dahil umabot ka sa bahaging ito. Tiyak marami kang
natutuhan sa iba’t ibang mga aralin sa Modyul na ito. Ngayon, ating tatayahin ang
iyong kaalaman sa nakalipas na mga aralin.

PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. Panuto: Basahin at unawain mo ang sumusunod na tanong. Isulat sa iyong
sagutang papel ang letra ng tamang sagot.

______1. Alin sa sumusunod ang maling pahayag?


A. Kompleto na ang proseso ng pananaliksik kahit walang
publikasyon nito.
B. Narerebisa ang pananaliksik batay sa kahingian ng editor ng
referred journal.
C. Natutukoy ang halaga sa pagsasapubliko ng pananaliksik gaya
ng publikasyon at paglahok sa colloquium.
D. Iba’t iba ang uri ng pamantayan ng journal ayon sa larangan o
disiplina at mahalagang pumili ng angkop na journal para sa
pananaliksik

______2. Ano ang tawag sa serye ng ebalwasyon bago malimbag ang pananaliksik
sa journal?
A. Peer review B. Board review
C. Refereed journal D. Conference proceedings

______3. Alin sa sumusunod ang tamang pagkakaayos ng mga hakbang sa


pagpasa ng pananalikisik sa isang journal?
1. Ipabasa muna ang artikulo sa ibang nakaaalam ng paksa.
2. Basahin ang mga pamantayan ng journal at magbasa ng mga
back-issue.
3. Pumili ng angkop na journal para sa iyong pananaliksik.
4. Rebisahin ang pananaliksik batay sa pamantayan ng journal.

A. 1,4,3,2 B. 2,3,4,1 C. 3,2,4,1 D. 3,1,2,4

8 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
______4. Alin sa sumusunod ang tamang pahayag tungkol sa presentasyon at
paglathala ng pananaliksik?
A. Kompleto na ang pananaliksik kahit hindi ito mailathala.
B. Internasyonal na publikasyon lamang ang maituturing na
lehitimong akademikong publikasyon.
C. Kapag hindi natanggap ang pananaliksik mo sa isang journal,
ang ibig sabihin ay hindi makabuluhan ang resulta nito.
D. Ang isang maunlad na siyentipikong pananaliksik ay
nangangahulugang ng isang maunlad na lipunan.

______5. Ito ay isang taunang interdisiplinaryong refereed journal sa Filipino ng


Unibersidad ng Santo Tomas.
A. Halalan B. Honasan C. Halaan D. Hasaan

B. Panuto: Isulat ang T sa sagutang papel kung ang bawat bilang ay nagpapahayag
ng wastong diwa at M naman kung hindi.

_____ 1. Internasyonal na publikasyon lamang ang maituturing na lehitimong


akademikong publikasyon.
_____ 2. Kompleto na ang pananaliksik kahit hindi ito mailathala.
_____ 3. Isinasagawa ng eksperto ang ebalwasyon at pagtatasa sa isang
pananaliksik.
_____ 4. Kapag hindi natanggap ang pananaliksik mo sa isang journal, ang ibig
sabihin ay hindi makabuluhan ang resulta nito.
_____ 5. Mahalaga ang presentasyon ng pananaliksik upang maibahagi sa
pinatutungkulan ng pananaliksik ang mga kinalabasan nito.
_____ 6. Ginagamit na batayan ng sosyo-ekonomikong istatus ng isang bansa
ang antas ng kaunlaran ng pananaliksik.
_____ 7. Malaki ang pondo na inilalaan ng pamahalaan ng Pilipinas para sa mga
siyentipikong pananaliksik kung kaya maunlad ito.
_____ 8. Mahalagang ipabasa muna ang artikulo sa ibang nakaaalam ng paksa
bago ipasa sa journal upang magkaroon pa ng panahon ang
mananaliksik na rebisahin ito.
_____ 9. Mahalagang alamin din ng mananaliksik ang teoretikal at politikal na
pagkiling ng isang journal.
_____ 10. Mga guro lamang ang may malaking pagkakataong makapaglathala ng
pananaliksik sa research journals.

Hinahangaan kita mahal kong mag-aaral.


Sa wakas ay natapos mo nang buong husay ang
lahat ng mga proseso sa pagsulat ng papel-
pananaliksik. Nawa’y magamit mo ito sa kung
anomang suliranin sa ating paligid lalo na sa ating
lipunan.

9 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16 10
ARALIN 16: Presentasyon at Paglalathala ng Pananaliksik
SIMULAN
Gawain 1: Sariwain ang Nararaan Iba-iba ang sagot
GALUGARIN
Gawain 2: Unawain Natin! Iba-iba ang sagot
Gawain 3: Mag-internet Tayo Iba-iba ang sagot
Gawain 4: Sagutin Mo! Iba-iba ang sagot
PALALIMIN
Gawain 5: Presentasyon ng Pananaliksik Iba-iba ang sagot
SUKATIN
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
A. B.
1. A 1. M 6. T
2. A 2. M 7. T
3. C 3. T 8. T
4. D 4. M 9. T
5. D 5. F 10. M
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Sicat-De Laza, C. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa
pananaliksik. Manila: Rex Bookstore

Reyes, M. (2016). Pagbasa at pagsusuri ng iba't ibang teksto tungo sa pananaliksik.


Makati: Diwa Learning Systems Inc.

Carpio. P.D.S., et.al (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang


Pilipino. Malabon City: Jimczyville Publications.

Constantino, P. C. at Zafra, G. S. (2017). Filipino sa piling larangan. p. 271-282

11 LU_Q4_Pagbasa at Pagsusuri_Module16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management Section
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500
Telefax: 072-205-0046
Email Address:
launion@deped.gov.ph
lrm.launion@deped.gov.ph

You might also like