You are on page 1of 13

ANG

SANAYSAY

SANAYSAY
-ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na
nagpapahayag ng kuru-kuro at pansariling kaisipan ng mayakda hinggil sa isang paksa. Layunin nito na ang kanyang
mga mambabasa ay higit na makapag-isip, mapalawak at
mapalalim ang pang-unawa upang makabuo ng isang kaisipan
o pagpapasiya.

Dalawang Uri
ng Sanaysay

(Pormal at Impormal o di-pormal)

Pormal na Sanaysay
-ay maaaring mapanuligsa,
makasaysayan, sosyolohikal at may
pilosopiya.
-ang paksa nito ay hindi karaniwan at
nangangailangan ng matiyagang pag-aaral
at pananaliksik.

mpormal o di-pormal na Sanaysay

-itoy karaniwang himig nakikipag-usap


lamang. Ang mga pananalita ay
karaniwan at hindi na nangangailanaan
ng masusing pag-aaral upang makasulat
ng ganitong uri ng sanaysay.

Ang maanyo o pormal na sanaysay ay


nangangailangan ng mga sumusunod:
maingat na pagpili at paghahanay ng mga salita
maayos at mabisang paglalahad ng mga kaisipan
lubos na kaalaman sa paksa
mahusay at malinaw na pagbubuo ng mga
pangungusap

Ang malaya o di-pormal na sanaysay ay higit na


madali at magaang sulatin sapagkat simple at kadalasang
natural ang paglalahad ng mga kaisipan. Ito ang dahilan
kung bakit waring pamilyar o malapit ito sa damdamin ng
mga mambabasa. Madali itong maunawaan at parang
nakikipag-usap lamang.

Ang Pagsulat
ng Sanaysay

Ang pagsulat ng sanaysay ay nangangailangan ng masusing


pag-iisip. Dapat na isaalang-alang ang mga sumusunod:

Tiyakin ang paksang susulatin at kung paano bubuuin


ang mga kaisipan
Piliin ang paksang kawili-wili
Mahusay na pagkakabuo
Paghahanda ng isang balangkas bago sulatin ang
sanaysay
Paggamit ng mga salitang may tiyak at malinaw na
kahulugan

You might also like