You are on page 1of 23

SIKOLOHIYANG

PILIPINO
(SP)
Kahulugan
Sikolohiyang bunga ng karanasan,
kaisipan, at oryentasyo ng Pilipino, batay
sa kabuuang paggamit ng kultura at
wikang Pilipino.

http://www.authorstream.com/Presentation/charminglyours-297171-sikolohiyang-pilipino-education-ppt-powerpoint/
Kasaysayan
Pagdating ng mga Amerikano
-- ibinahagi nila ang edukasyon
-- nagsagawa ng mga IQ test,
personality test sa mga Pilipino
Kasaysayan
Ang mga tanong na ibinigay ng mga
Amerikano
Who is Amelia Earhart?
Whatever happens to Amelia Earhart,
who watch the stars up in the sky?
- Someday Well Know, New Radicals

How many dimes are there in a quarter?


Ang paggamit ng mga konsepto at
panukat na hindi naaangkop sa isang
kultura ay maaaring magpakita ng hindi
tamang interpretasyon ng kilos at pag-iisip
ng isang indibidwal.

Application of concepts and measurements


which are not appropriate in a particular
culture (or context) may result to an
incorrect interpretation of ones behavior
and thinking.
Kasaysayan
Kung gayon: dapat ay naaayon sa
kontekstong ginagalawan ng isang
indibidwal!

Konteksto kultura (culture);


lipunan (society)
Ang mga pagpapahalaga at
pinahahalagahan sa isang kultura ay
maaaring makita sa wika.

BIGAS RICE
Palay Rice Grain
Kanin Cooked Rice
Bahaw Cold Rice
Tutong Burnt Rice
Suman Rice Cake
Lugaw Rice
Porridge
SNOW?
MERON tayong sariling sikolohiya bilang
mga Pilipino!
Kasaysayan
Virgilio Enriquez
-- a.k.a Doc E.
-- itinuturing na Ama ng
Sikolohiyang Pilipino
-- nag-aral ng post-graduate
studies sa ibang bansa
-- taong 1970s ng bumalik sa
Pilipinas
Tatlong anyo ng Sikolohiya

1. Sikolohiya sa Pilipinas
2. Sikolohiya ng mga Pilipino
3. Sikolohiyang Pilipino
Sikolohiya sa Pilipinas
Lahat ng mga pag-aaral, libro (texbook), at
sikolohiyang makikita sa Pilipinas, banyaga
man o makapilipino.
Halimbawa:Ang aklat na galing sa ibang
bansa at inilagay sa isang silid-aklatan dito
sa Pilipinas ay maaring maging isang
bahagi na ng silid-aklatang iyon. Kaya ito
ay may kinalaman sa kabuuang sikolohiya
ng ating bansa kasama na ang mag
sariling sikolohiya at ang sikolohiya na
nadala ng dayuhan sa bansang Pilipinas
maging ito man ay sa anong paraan at
Sikolohiya ng mga
Pilipino
Lahat ng mga pag-aaral, pananaliksik at
mga konsepto sa sikolohiya na may
kinalaman sa mga Pilipino.
Halimbawa: Ang Pilipinas ay binubuo ng
ibat ibang pangkat etniko kung saan may
kanyan-kanyang nakaugaliang mga kultura
kung kayat itong nagkakaibat-ibang
pangkat etniko ng Pilipinas ay ang
bumubuo sa tinutukoy na Sikolohiya ng
mga Pilipino.
Sikolohiyang Pilipino
Nilalayong anyo ng sikolohiya sa Pilipinas.
Sikolohiyang bunga ng KARANASAN,
KAISIPAN AT ORYENTASYONG PILIPINO.
(KKO)
Halimbawa: Ang isang kulturang ipinaiiral
ng isang pamilya sa kanilang tahanan ay
ang batayan sa Sikolohiyang Pilipino na
nagbibigay ng matatag na katunayan sa
pagkakaroon ng sariling kultura na
tinutukoy dito.
Sa maikling salita
Sikolohiya sa Pilipinas
-- bisita sa bahay

Sikolohiya ng mga Pilipino


-- tao sa bahay

Sikolohiyang Pilipino
-- maybahay
Pangunahing-aral
ng
Sikolohiyang Pilipino
a. Core Value or Kapwa
na tumutukoy sa Kapwa, nangangahulugang
'togetherness', ang nangunguna sa pangunahing-
aral ng Sikolohiyang Pilipino. Kapwa ay tumutukoy
sa pamayanan; na hindi ka nag-iisa sa paggawa.
Ang Kapwaay mayroong dalawang uri. Ang una
ay Ibang Tao(other people).
Ibang Tao("outsider") Binubuo ng limang saklaw:
Pakikitungo: civility
Pakikisalamuha: act of mixing
Pakikilahok: act of joining
Pakikibagay: conformity
Pakikisama: being united with the group.

Hindi Ibang Tao("one-of-us") Binubuo ng tatlong saklaw:


Pakikipagpalagayang-loob: act of mutual trust
Pakikisangkot: act of joining others
Pakikipagkaisa: being one with others
b. Pivotal
interpersonal value
Pakiramdam: Ibahagi ang sariling kaisipan.
Ang mga Pilipino ay gumagamit ng
damdam, o ang sariling kaisipan sa
damdamin ng iba, bilang pangunahing
kasangkapan sa kanyang pakikitungo sa
kapwa tao.
c. Linking socio-
personal value
Kagandahang-Loob: Ang pagbabahagi sa
sangkatauhan. Tumutukoy ito sa
kakayahang tumulong sa kapwa tao sa
panahon ng kanilang pangangailan dahil
sa kanilang pagkakaunawa na ang
pagiging magkasama ay bahagi na ng
isang pagiging Pilipino.
d. Accommodative surface
values
Hiya: kadalasan naiuugnay bilang Kahihiyan
ng mga Kanluraning Sikologo, katunayan ang
Hiya ay naaangkop na pag-uugali.
Utang na Loob: Norm of Reciprocity sa
Ingles. Ang mga Pilipino ay inaasaha ng
kapwa na gumanti sa pabor na natanggap
ito man ay hiningi o hindi o ito man ay
kailangan o ginusto.
Pakikisama and Pakikipagkapwa: Smooth
Interpersonal Relationship (SIR), na likha ni
Lynch (1961 and 1973). Ang saloobin na ito
una sa lahat ay pinatnubayan na alinsunod sa
nakararami.
e. Confrontative surface
values
Bahala Na: Ang saloobin na ito ay kadalasang
naiuugnay sa Ingles bilang 'fatalistic passiveness, na
katunayan ay tumutukoy sa pamamaraan ng
pamumuhay ng mga Pilipino na siya ay determinadong
gawin ang abot ng kanyang makakaya, kaya umusbong
ang salating bahala na, na katunayang nanggaling sa
salitang bathalan na, na ang kahulugan ay Gagawin ko
ang lahat sa abot ng aking makakaya, at ang Diyos na
ang gagawa sa nalalabi.
Lakas ng Loob: Ang saloobin na ito ay inilalarawan sa
pagkakaroon ng buo na loob sa kabila ng mga suliranin
at pag-aalinlangan.
Pakikibaka: Ito ay nangangahulugang concurrent
clashes sa Ingles. Tumutukoy sa kakayahan ng mga
Pilipino na magsagawa ng mga rebolusyon at pag-aalsa
laban sa palasak na katunggali.
f. Societal values
Karangalan: kadalasan nauugnay sa dignidad, na sa
katunayan ay nangangahulugan na kung ano amg palagay
ng ibang tao sa kapwa at paano nila ginagamit ang
kaalamang ito sa pagkilala at paghusga sa kanyang buong
pagkatao at kahalagahan.
Puri: ito ay ang panlabas ng aspeto ng dangal na tumutukoy
sa kung paanon natin hinuhusgahan ang buong pagkatao
at kahalagahan ng kapwa.
Dangal: ito ay ang panloob na aspeto ng dangal na
tumutukoy sa kung paano niya hinuhusgahan kanyang
pagkatao at kahalagahan.
Katarungan: kadalasan ito ay nauugnay sa katarungan o
hustisya, na sa katunayan ay nangangahulugan na ang
pagkamakataong makapagbibigay gantimpala sa kapwa.
Kalayaan: Ito ay nangangahulugang Freedom and mobility
sa Ingles. Sa makatuwid ito ay magkakasalungat sa hindi
gaanong mahalaga na pag-uugali na pakikisama or
pakikibagay.
Ang kaalaman natin
sa ibat-ibang
kultura ay humubog
sa atin upang
luminang pa ang
kaisipan at pag-
unawa.

You might also like