You are on page 1of 2

Ang Sikolohiyang Pilipino sa Pagsasaka Abraham B. Velasco ONOFRE D.

CORPUZ- pangulo ng Unibersidad ng pilipinas na nagbigay na pangwakas na pananalita sa Unang Pambansang Komperensya sa Sikolohiyang Pilipino noong Nobyembre 1975 Nagbigay ng puna na maari ngayon ay sabihing siya angsiyang hudyat upang ang larangan ng sikolohiya sa pilipinas ay magbago ng tunguhin at layunin.

... Ang sikolohista ay hindi lamang pala sa loob ng klinika, ng laboratoryo, ng silid paaralan, o opisina kinakailangan. Siyay kailangan at makakatulong din pala sa bukid, sa paktorya, sa palengke, sa pier, at maging sa kagubatan.(Corpuz 1976) MGA AKALA: Ang agriculture ay pagaararo lamang sa bukid sa pamamagitan ng kalabaw, at ang forestry ay pagpuputol at pagtatanim lang ng punongkahoy. Mga Institusyong nangangalaga sa ating kalikasan Ministri sa Pagsasaka(Ministry of Agriculture) Ministri sa Likas na Yaman(Ministry of Natural Resources) Kawanian sa Pagpapaunlad ng Kagubatan(Bureau of Forest Development)

Mga katanungan: Bunga ba ng kakulangan ng teknolohiya o bunga ng mga suliraning pantao at lipunan? Ang dahilan ba ng pagbaba ng ani ay kakulangan sa abono o ang kakulangan ng tiwala ng magsasaka sa abono? Ang kapurulan ng talim ng araro o ang kalabuan ng pagtuturo extension agent? Ang hindi paggamit ng makabagong makinarya o ang hindi paggamit ng wastong pamamaraan upang mahikayat ang magsasakang gumamit nito? Ang Pagtingin sa Pagsasaka Kung maririnig o makikita ang salitang pagsasaka ang dagling uungkit sa ating isipan o imahinasyon ay ang tanawin sa bukid, mga pilapil, luntian, manilawnilaw, o kayumangging pirapirasong lupain, isang magsasakang nakasakay sa likod ng kalabaw, isang munti at hamak na dampa, putik at maruming kapiligiran (ayun sa pamantayan ng isang taong laki sa lungsod). Upang mabawasan ang di kanaisnais na pagtingin sa pagsasaka, nagtatag ang pamahalaan ng information campaign, gumamit ng lahat ng pamamaraan sa komunikasyon(medya), nagpapadala ng extension agent sa kasuluksulukang nayon, pinagbuklod ang mga magsasaka sa isang samahan,

naglunsad ng kooperatiba upang may pagkukunan ng puhunan, nagpautang sa maluwag na pamamaraan, tinulungan sa pagiimbak sa kanilang produkto, at tinutulungan pa rin sila sa pagtitinda ng mga ito. Mga pagtingin: Ang magsasaka kaya ay tamad? Ang magsasaka kaya ay mapamahiin? Ang magsasaka kaya ay ayaw sa makabagong teknolohiya? Ang magsasaka kaya ay walang mithiing umunlad sa buhay? KONKLUSYON Sa mga halimbawang nabanggit, naipakitang may katwirang maging tamad ang magsasaka; siyay marunong din namang magremedyo ng pambili ng pataba o pamatay kulisap; mapamahiin nga siya ngunit may katuturang pang agham naman; gusto rin niyang mag-adopt sa bagong teknolohiya kaya lang dapat din siyang mag-adapt sa kanyang konsensiya;at mayroon dinghangaring umunlad sa buhay tulad ng karaniwang Pilipino.

You might also like