patula. Sinasabi ito ng mga kapwa bata kapag nagkakapikunan. Halimbawa: Tatay mong bulutong Puwede mong igatong Nanay mong maganda Puwede mong ibenta Toktoloak! Sabi ng tandang Puutak! Sabi ng inahin Huwag kang umakyat Itlog kong mapipisa Akoy tutula Mahabang-mahaba Akoy uupo Tapos na po Bata o batuta Isang pera muta Pung pung kasili Ipinanganak sa kabibe Ano ang anak? Butot balat Hindi makalipad Bali bali ang pakpak. Mga Tugmaang de Gulong simpleng pagpapakahulugan o mga paalaala na maaari nating matagpuan sa mga pampublikong sasakyan. Maaaring nasa anyo ng salawikain o maikling tula o kasabihan Halimbawa: Aanhin pa ang gasolina kung ang jeep ay sira na God knows hudas not pay Ang hindi magbabayad mula sa pinanggalingan di makakababa sa paroroonan Bugtong pahulaan o patuunan na binibigkas nang patula. Halimbawa: Ang balat ay luntian, Laman ay kulay dalandan Mga negrito o nanninirahan (papaya) King gabiy pagi Kung araw ay igat (banig) Palaisipan Anyong tuluyan na gumigising sa isipan ng mga tao upang lutasin ang isang suliranin. Halimbawa: May limang kambing na nababakuran sa bakuran Lumukso ang limampu Ila ang natirang kambing? Sagot: Limampu pa rin kasi lumukso lang naman)