You are on page 1of 33

Ipinasa kay: Right Side

Gng. Cheryll Oida Lanuzga


10 - Aristotle
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga isyu
tungkol sa paggawa at paggamit ng
kapangyarihan. Ang pag-aaral ng mga isyung
IMPORMASYON

ito ay magbibigay sa iyo ng kahusayan sa


pagsusuri ng mga moral na pagpapahalaga na
nilabag sa bawat panig ng isyu at maging
mapanindigan sa piniling pasiya tungo sa
pagiging mapanagutang nilalang. Magiging
sandata mo ang mga ito sa pagharap sa mga
sitwasyong hahamon sa iyong pagsisikap tungo
sa pagpapakatao.
Sa modyul na ito, inaasahang
maipamamalas mo ang
sumusunod na
kaalaman,kakayahan,at pag-
unawa:
Natutukoy ang mga isyung
Naipaliliwanag ang
kaugnay sa paggawa at
paggamit ng kapangyarihan batayang konsepto
ng aralin

Nasusuri ang mga isyung


kaugnay sa paggawa at
paggamit ng
kapangyarihan

Nakabubuo ng matatag
na posisyon tungkol sa
mga isyu sa paggawa at
paggamit
ng kapangyarihan
B awat kagamitan sa paggawa ay kailangang gamitin nang may
katapatan dahil ito ang inaasahan at tungkulin ng isang matapat at
mabuting manggagawa. Maliwanag na inilahad ito noong ikaw ay
nasa Baitang 9 na nilikha ang tao upang makabahagi ng Diyos sa
Kaniyang gawain sa pamamagitan ng paggawa. Ang lakas, isip, at
damdamin ng tao ang mga biyayang kaloob upang mapabuti nito
ang kalagayang pansarili at kapuwa. Ito ang angkop na pamamaraan
upang mapangalagaan ang mga bagay na ipinagkatiwala ng Diyos
sa kaniya.

Ano-ano ang mga gawain at isyung kaugnay ng paggawa na


sumasalungat sa mga prinsipyo ng matatag na paninindigan at
mapanagutang paglilingkod?
Paggamit ng
kagamitan:

Katuwang ng tao sa paggawa ang mga kagamitan


upang mapadali at mapagaan ang anumang
trabaho. Ang mga ito ay produkto mismo ng
kaniyang talento na ipinagkaloob ng Diyos. Ayon
nga ni Karl Marx, ang kabihasnan ng tao ay
naaayon sa pagkamasalimuot ng mga kagamitan
at sa pagkamulat niya sa kaniyang ginagawa.
Paggamit ng oras
sa trabaho

Bakit ang haba ng pila? Anong oras na? Ang katanungang ito ay
madalas mong maririnig sa mga ibat ibang tanggapan. Ano
ang totoo sa batas na No Noon Break o sa ibang tanggapan
ang nakalagay ay No Lunch Break Policy? Sinusunod kaya ito
ng mga kawani ng gobyerno? Ikaw paano mo pinapahalagahan
ang oras mo kapag nasa paaralan ka o nasa bahay man? Sa
isang manggagawa, paano mo ginagamit ang walong oras mo
ng pagtatrabaho sa buong araw? Sulit ba ang ibinabayad sa iyo
sa trabaho mo sa maghapon?
Natutukoy ang mga isyung
kaugnay sa paggawa at
paggamit ng kapangyarihan

Kadalasan, ang pagsusugal ay mas karaniwang kilala bilang pustahan


gamit ang pera bilang produkto ng isang tiyak na laro. Ang
posibilidad ng panalo ay masyadong mababa dahil iniaasa lamang ito
sa pagkakataon ng pagkakapanalo.
Sa pagsusugal, ang mga tao ay karaniwang sumusubok upang
makakuha ng kahit na ano sa kabila na may nakataya sa likod ng isang
laro. Ang ilan ay patuloy na naglalaro sa paniniwalang hindi sila dapat
panghihinaan ng loob para makamit ang panalo. Sa pamamagitan ng
paggawa nito, sila ay magpapatuloy sa pustahan at sa huli ilagay ang
kanilang sarili sa panganib at pagkawala ng higit pa sa mayroon sila.
Mark
Neumann
Claire Ruiz
Vangie Leroy dela
Lander Vera Labalan Fuente
Perez
Ang No Read No Write ay tungkol sa apat na taong hindi nakapag-aral o nakapag-
tuloy sa pag-aaral dahil sa mga circumstances na dumaan sa kanilang mga buhay.
Noong si Daisy na hindi pinayagang makapag-aral sa haiskul dahil sa paniniwala ng
kaniyang ama na ang mga babae ay nasa bahay lang dapat, si Amor na huminto sa pag-
aaral dahil inaapi siya noong nasa pangmamabang baiting, si Britney na huminto sa
pag-aaral upang matustusan ang pangangailangan ng kaniyang tatlong kapatid at si
mang Oscar na isang barbero na hindi marunong magbasa at magsulat ay binigyan ng
pagkakataon upang makapag-aral muli gamit ang Alternative Learning System (ALS),
silay sumabak dito kaagad at nakasalubong ng paghihirap patungo sa kanilang
pangarap na makapag-tapos sa pag-aaral. Pinatunayan nila na kahit ano pa man ang
iyong edad ay walang makahihinto sa iyo upang makapag-aral, at pina-alam din nila
ang kahalagahan ng pag-aaral na ang edukasyon ang magbibigay ng tamang direksiyon
sa ating buhay. Tungkol din ito sa Gender Sensitivity, Child Protection, Bullying at
Alternative Learning System.
PAGSUSURI
PAGGANAP NG ARTISTA
Sa aking opinyon, magaling ang pag-arte ng mga gumanap sa pelikula.
Dahil ibinigay nila ang mga emosyon na dapat nararamdaman ng mga
taong hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagawa din nilang mapatawa
ang mga manonood at dahil doon ay nagustuhan ko ang kanilang
pagkaka-arte, katulad na lamang noong kinaki-usap ni Mang Oscar ang
kaniyang patay na asawa na para talagang nakikipag-usap siya sa patay.
Doon akoy naantig at natuwa. At para sa akin ang pag-arte ni Precious
Lara Quigaman ay ang pinaka-magaling dahil naipakita niya ang sakit
sa damdamin na dulot ng hindi pag-payag ng kaniyang ama na mag-
aral.
PROPS / KAGAMITAN

Ang props / kagamitan na ginamit ay akma sa mga scenes na


ipinakita sa pelikula. Ang ibang props ay ginawang simbolismo
katulad na lamang ng picture ng patay na asawa ni Mang Oscar
na umudyok sa kaniya upang mag-aral. Ang mga kagamitan din
ay mahusay na ginamit sapagkat ipinakita nito ang normal na
buhay ng mga tauhan. Nagbigay daan din ang mga kagamitan sa
pagpapakita ng emosyon ng mga karakter, katulad na
lamang ng diploma na ibinigay sa kanila na
nagsasabing naabot na nila ang kanilang pangarap.
KASUOTAN
Ang ginamit na mga kasuotan sa pelikula ay akma din sa mga karakter.
Ang isang halimbawa dito ay noong nagtitinda si Daisy at ang kaniyang
asawa at si Amor sa palengke ng isda, angkop ang kanilang damit para sa
isang tao na nasa palengke. Ang isa pang halimbawa ay ang pagbabago
ng pananamit ng katulong ni Madam Claudia na mula sa uniform ng
katulog na naging kasuotan ng pang-mayaman noong siya ay umunlad.
Masasabi ko na magaling ang departemento ng kasuotan sa pelikulang
ito dahil binibigyang diin nila ang mga bagay na ito.
TAGPUAN O DISENYONG SET

Para sa akin ang mga tagpuan ay tugma sa mga eksena na


ipinalabas sa pelikula, sapagkat kapag ang mga karakter ay
nagtitinda, itoy ginanap sa totoong palengke. at noong silay
nag-aaral ay ipinakita din na nasa isang klasroom sila. Ngunit
hindi ko nagustuhan ang pagiging matipid ng pelikula
patungkol sa mga tagpuan, sapagkat paulit-ulit na ginamit ang
mga tagpuan at hindi din sila nagpakita ng mga kakaibang
tanawin o tagpuan na pupukaw sa mga manonood.
Sinematograpiya

Masasabi ko na maganda ang pagkaka-capture ng mga eksena sa


pelikula. Ngunit minsan ay masyadong magalaw ang mga ito at
hindi ko ito nagustuhan. Ang transition naman ng pelikula ay
maganda dahil ipinapakita nito ang daloy ng mga pangyayari na
mukha namang kapaki-paniwala. Habang ang anggulo naman ng
pagkakakuha ay magaling dahil parang ikaw mismo ang
nakikipag-usap sa mga karakter sa pelikula, katulad na lamang
noong kinakausap ni Mang Oscar ang picture frame ng kaniyang
patay na asawa at noong nag-aaway si Daisy at ang kaniyang
anak.
Aspetong Audio
Diyalogo
Para sa akin ang mga diyalogo ay natural na inilahad ng mga karakter
sa kuwento. Maganda ang pagkaka-gawa nila dito dahil nagbigay ito
ng mga aral sa mga manonood. Hindi din sila gumamit ng mga
salitang hindi maiintindihan ng mga manonood at ginawa nila itong
simple. Binigyan din nila ng tugmang pananalita ang mga karakter na
kapag ikaw ay matanda, ang mga pangungusap mo ay puno ng
karunungan o kaya kapag ikaw ay bata pa lamang ang
mga pangungusap mo ay simpleng simple.
Paglapat ng Musika
Para sa akin, hindi maganda ang pagkakalapat ng musika. Dahil
kulang ang musikang inilagay sa pelikula, at dahil dito naging
nakakainip ang ilang eksena dahil puro diyalogo lamang ang
naririnig ng mga manonood. Minsan din katulad noong sinuntok sa
mukha si Britney ay late ang tunog ng suntok at nairita ako doon.
Masasabi kong hindi binigyang tuon ng mga producer ang bahaging
ito dahil sa kulang ang mga musika na maaari sanang mas maka-
dagdag ng emosyon.
PANGKALAHATA
N
Direksyon
Para sa akin maayos ang pagkakadirehe ni Anthony Hernandez
sapagkat naipakita ng mga artista ang sa tingin ko na gustong
ilahad ng iskrip. Naipakita din nila ang mensaheng, mahalaga
ang edukasyon kaya nagustuhan ko ito. Ang hindi ko lang
nagustuhan ay ang hindi pagtuon ng director sa pag-arte ng ibang
artista dahil, ang iba sa mga artista ay parang walang emosyon sa
pagsasabuhay ng kani-kanilang karakter.
Iskript

Maganda ang pagkagawa ng iskript. Masasabi kong binigyan nila


ito ng tuon dahil marami akong aral na nakuha mula sa pelikulang
ito. Maganda din ang pagiging natural nito, at hindi masyadong
mahirap intindihin ang gusting ipahiwatig ng mga story writers.
Mga Bisa
Bisang Pangkaisipan
Marami akong napagisipan pagkatapos kong panoorin ang No Read No Write. Ang isa sa mga ito
ay, mahalaga pala talaga ang edukasyon sa ating buhay sapagkat marami kang magagawa kapag
ikaw ay nakapagtapos sa pag-aaral. Hindi lamang pagtitinda ng isda o kaya ang maging barbero ang
iyong magiging trabaho kundi maaari kang maging doctor, lawyer atbp. dahil mayroon kang sapat
na kaalaman. Naisip ko din na mayroong mga taong mayaman kahit na sila ay hindi marunong mag-
basa at mag-sulat. Katulad na lamang ni Madam Cludia, dahil siguro siya ay nagsikap upang maabot
ang kaniyang pangarap siya ay yumaman. Nabatid ko din na kapag mayroong tiyansa sa ating buhay
upang tayo ay makapag-aral o kahit ano pa iyan ay, kunin na natin ito dahil hindi natin alam kung
kailan mawawala ang tiyansang ito.
Bisang Pandamdamin
Akoy nakaramdam ng inis, lungkot at tuwa mula sa panonood ng No Read No Write. Nainis ako
sa rason na hindi pinayagan ng ama ni Daisy na siya ay makapag-aral dahil sa paniniwala na dapat
ang mga babae ay nasa bahay lamang. Dahil ang edukasyon para sa akin ay dapat nakakamtan ng
lahat, sapagkat hindi tayo magkakaroon ng matiwasay na buhay kapag wala ito. Nalungkot naman
ako sa rason na ang iba sa kanila ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa binu-bully sila. Gusto
kong maramdaman ng mga taong nambu-bully kung ano ang nararamdaman ng kanilang
binibiktima dahil masakit sa kalooban ang ma-bully. Natuwa naman ako sa rason na sila ay
nakapag-tapos sa pag-aaral dahil sa Alternative Learning System (ALS) dahil mahirap na ngayong
henerasyon ang makapag-aral dahil sa kahirapan.
Bisang Pangkaasalan
Pagkatapos kong panoorin ang pelikulang ito, napagtanto ko na dapat hindi natin bastusin ang
mga taong hindi nakapag-tapos sa pag-aaral kundi dapat natin silang irespeto. Dahil sila ay
nakapagtiis sa mga problemang dumaan sa kanilang buhay. Mahirap maging katulad nila
sapagkat ang pagbabasa at ang pag-susulat ay lubhang kailangan sa ating pangaraw-araw na
buhay. Hindi ko maiisip ang aking sarili sa kalagayan ni Mang Oscar na mula pa sa 70s na
hanggang ngayon ay hindi parin nakapag-tapos sa pag-aaral, dahil siguro ay mababaliw ako
dahil hindi ko alam ang mga nakasulat sa mga bagay-bagay at hindi ko din kayang mag-sulat,
kaya gusto kong saluduhin ang mga taong hindi marunong mag-basa at mag-sulat dahil dito.
Mga Aral
- Maging matalino sa paggawa ng desisyon.
- Ipaglaban ang iyong kagustuhan at huwag sumuko sa iyong mga pangarap.
- Huwag bastusin ang ating mga magulang.
- Maging mabait sa lahat dahil hindi natin alam kung ano ang pinag-daraanan
nila.
- Magtulungan para sa ikabubuti ng lahat.
- Huwag magpabigat sa ibang tao kung alam mong nahihirapan na sila.
- Galingan sa pag-aaral dahil hindi tayo ang nagsusumikap kundi ang ating
mga magulang.
- Walang maaaring humadlang sa iyo kung ikaw ay magsusumikap na
makuha ang gusto mo.
- Huwag mang-bully sa iba.
- Mag-aral muna bago magkaroon ng karelasiyon.
- Huwag maging mapagmataas.
- Pahalagahan ang edukasyon at magsumikap upang makatapos.
Marka
Ito ang aking marka para sa pelikulang ito. Maganda ang pagkakagawa
sa pelikula at maayos ang mga diyalogo na inilahad sa istorya na
nagbigay ng maraming aral. Nagustuhan ko din ang parang pag-
advertise nila sa ALS dahil hindi alam ng ibang taong hindi nakapag-
aral ang tungkol dito. Nagustuhan ko din ang buong kuwento at ang
pag-arte ng ibang karakter. Nagustuhan ko din ang ibang nakakatuwang
linya mula sa pelikula dahil nakatulong ito upang hindi ako makatulog.

You might also like