You are on page 1of 5

“Paghubog ng Konsensiya Batay

sa Likas na Batas Moral”


Modyul 3 : Gawain 1
PANUTO: Basahin at suriin ang mga
sumusunod na sitwasyon. Ano ang iyong
gagawin kung ikaw ang nasa katulad na
sitwasyon. Pangatwiranan ang iyong sagot.
1. Gusto mong manood ng sine, subalit kulang ang iyong
pera. Nakita mo ang pitaka ng iyong nanay na may
laman na dalawang daang piso. Ikaw lamang ang nasa
bahay sapagkat umalis silang lahat. Walang
makakakita sa iyo kung sakaling kunin mo ito.
2. Kasali ka sa liga ng basketball sa inyong lugar. May
iskedyul kayo ng laro ngayon. May sakit ang iyong
nakababatang kapatid. Walang mag-aalaga sa kanya
kung ikaw ay aalis, sapagakat nao-overtime ang iyong
mga magulang sa trabaho. Ikaw pa naman ang
inaasahan ng iyong team.
3. Magaling kang kumanta kaya naman gusting-gusto mong
sumali sa mga singing contest. Sa isang singing contest na
iyong sinalihan ay halos magagaling ang iyong kalaban.
Napag-alaman mong kaibigan ng iyong ama ang
organizer at isa sa mga judges. Gustong-gusto mong
makuha ang unang karangalan.
4. Niyaya ka ng matalik mong kaibigan na sumama sa bahay
nila. Pagdating ninyo sa bahay ay nakita mong maraming
kabataan ang naroon at humihithit ng marijuana.
Binigyan ka ng iyong kaibigan ng isang stick ng marijuana.
Gusto mong patunayan na “in” ka sa barkada. Ang tatay
mo ay isang pulis.
5. Sa paanong paraan natulong ang iyong konsensiya sa
paggawa mo ng desisyon?

You might also like