mga kababayan na napagiwanan na ng panahon ?. Ngayon kami ay gagawa ng proyekto upang ang ating mga kababayan ay makapag-aral Ano nga ba ang ALS?. Ang Als ay isang programa ng DepEd na naglalayong matulungan ang mga Out of School Youths, mga manggagawa, may kapansanan, nakalaya sa bilangguan, dating rebelde, mga katutubo, at iba pang tao na hindi nakapasok sa paaralan o hindi nakatapos ng pag-aaral ngunit nagnanais matuto at magpatuloy sa pag-aaral. Nagsimula ang programang ito noong 1984 at unang nakilala bilang Non-formal Education na ang pangunahing layunin ay ang makatulong ng paglinang ng teknikal na kapasidad ng mag- aaral upang magamit nila ito sa kanilang paghahanap-buhay. Ang programang ito rin ay nais manghingi ng tulong pinansyal para maisaayos at maisagawa ng maayos. Ang nais po naming hinging budget ay Php 100,000.00 para sa mga uupahang guro at mga kailangang gamit upang maisagawa ng maayos ang pagtuturo. Bukod din dito ay nais naming humingi ng espasyo sa Barangay Pisang para hindi na aalis ang mga tao para lang umatend sa kanilang klase. Nais po naming magpasalamat kung ang aming proyekto ay inyong didinggin. Nawa'y sama sama tayong tulungan ang ating mga kababayan para abutin ang kanilang pangarap. What: Makilahok sa programang “ALS! Daan Tungo Sa Pangarap” Where : Barangay Pisang, San Manuel, Isabela When: August 11, 2018 How: Pumunta lamang sa barangay hall at magpalista ng iyong pangalan. Sasabihin ng nakaassign na sk kagawad kung ano ang iyong gagawin. Caye Angelika Clotario Roderick Doronio Jezrael Casticon Noella Camangeg Mayvielyn Capinpin Lemar Corcuera Marijoe Cayanga