You are on page 1of 32

Ibong Adarna

Pangkat 3
Buod
 Sinasabi ng Kabanata na si Leonora ay
naghihintay pa rin kay Don Juan, ngunit si
Don Juan ay nakalimut na sa kanya. Palaging
nakakulong si Leonora sa kwarto niya at
“kinakausap” nito si Don Juan. Habang si Don
Pedro naman ay naiinis na dahil tuwing
papasok siya sa kwarto ni Leonora para
kausapin siya, pinapaalis lang siya.
Buod
 Isang beses, pumunta si Don Pedro sa kwarto
ni Leonora habang si Leonora ay “kinakausap”
si Don Juan. Sinabi ni Don Perdo na kalimutan
na si Don Juan at pumunta na lang sa kanya
dahil mahigit na sa tatlong taon at hindi pa
bumabalik si Don Juan. Dahil ayaw ni Leonora
si Don Pedro at wala pa rin si Don Juan para
kay Leonora, pareho silang nagdudusa.
Importanteng Saknong
 Sa silid ay nag-iisa kaurali’y mga dusa,
maningning niyang mga mata sa luha’y
nanlalabo na.
 Sinasabi ng saknong ito na nagdaramdam si
Leonora kay Don Juan at palaging nasa kwarto
siya at palagi ding umiiyak dahil wala pa ang
mahal niya (Don Juan).
Importanteng Saknong
 Dibdib niya’y nawawalat tuwing kanyang
mamamalas si Leonora’y umiiyak, si Don
Jua’y tinatawag.
 Itong sakong ay tinutukoy si Don Pedro na
tuwing naririnig niya si Leonora na umiiyak sa
kwarto niya at itnatawag si Don Juan,
nasasaktan siya dahil mahal ni Don Pedro si
Leonora, pero ayaw naman ni Leonora sa
kanya.
Importanteng Saknong
 Hibik naman ng Prinsesa: Don Juan kong
tanging sinta, malagot man ang hininga, iyung-
iyo si Leonora.
 Sinasabi ng saknong ito na mahal na mahal pa
rin ni Leonora si Don Juan at sa kanya pa rin
siya pupunta kahit anong mangyari.
Importanteng Saknong
 Ito’y huli’t katapusan ng pagtatawag ko, Don
Juan, kung kulanging kapalaran ako’y di mo
na daratan.
 Sabi ni Leonora na kapag hindi na bumalik si
Don Juan nang ilang araw pa, baka hindi na
niya makikita si Leonora (parang binibigyan
ng deadline ni Leonora si Don Juan).
Importanteng Saknong
 Huli nating alaala kay Don Juang namatay na,
habang tayo’y hiwalay pa ipagluksa natin siya.
 Sabi ni Don Pedro kay Leonora na kalimutan
na lang si Don Juan at sabihin na namatay na
lang siya. Masama ang sinasabi niya para lang
makuha na niya si Leonora at para
makalimutan na ni Leonora si Don Juan.
Tayutay
 Si Don Jua’y naglalakad sa landasing
madadawag; kay Leonora’y nag-uulap ang
langit ng kanyang palad.
 Nag-uulap = nakakalimutan
 Pagwawangis
Tayutay
 Dibdib niya’y nawawalat tuwing kanyang
mamamalas si Leonora’y umiiyak, si Don
Jua’y tinatawag.
 Nawawalat = nasisira
 Pagmamalabis
Tayutay
 O, Don Juan bakit baga hanggang ngayon ay
wala ka, di mo kaya natatayang dito’y
hinihintay kita?
 Wala naman si Don Juan doon
 Panawagan
Buod
 Naglakbay si Don Juan sa kabunduakn ng
Armaneya at nakita ni Don Juan isang
matandang Ermitanyo. Una, ayaw tulungan
nito si Don Juan at pinaalis, pero nang pinakita
ni Don Juan ang baro na binigay ng unang
matanda noon, nanlaki ang mga mata ng
Ermitanyo at tinanong kung ano ang kailangan
ni Don Juan.
Buod
 Sinabi ni Don Juan na hinahanap niya ang
kaharian ng de los Cristales. Sabi naman ng
matandang Ermitanyo na hindi niya alam ang
lugar na sinasabi ni Don Juan, pero sinabi niya
na tatanungin niya ang mga hayop na sakop
niya kung alam ba nila ang lugar na sinasabi ni
Don Juan. Hindi din nila alam ang luagr na
iyon, pero sinabi ng Ermitanyo na pumunta
siya sa isa pang Ermitanyo at baka tutulungan
niya si Don Juan.
Buod
 Pinahatid si Don Juan sa pamamagitan ng
pagsasakay sa Olikornyo (Unicorn) at
pinahatid ng Ermitanyo sa isa pang Ermitanyo
si Don Juan. Dinala din ni Don Juan ang baro.
Pagdating ni Don Juan, nangyari ulit ang
sinabi sa unang Ermitanyo. Tinanong ng
Ermitanyo kung sino si Don Juan, at pinakita
ulit ni Don Juan ang baro.
Buod
 Tinanong ng Ermitanyo kung ano ang
kailangan ni Don Juan. Nang sinabi ni Don
Juan na hinahap niya ang Reyno ng de los
Cristal, hindi dina alam ito ng Ermitanyo kaya
tinanong niya ang mga hayop na sinasakupan
niya. Hindi din nila alam, pero nakita ng
Ermitanyo na ang Agila ay wala pa. Nang
dumating ang Agila, nagalit ang Ermitanyo
dahil nang tinawag ang mga hayop, hindi agad
dumating ito.
Buod
 Sinabi naman ng Agila na galing kasi siya sa
isang napakalayong lugar, at nang tinanong ng
Ermitanyo kung ano ang lugar na ito, sinabi ng
Agila na ito ang Reyno ng de los Cristal.
Ngayon na alam na ang lugar na pupuntahan ni
Don Juan, sinabi ng Ermitanyo na dadalhin
siya ng Agila patungong sa lugar na
pupuntahan niya. Naghanda din ng mga
pagkain and Ermitanyo na kinakarga ng 300+
na ibon.
Buod
 Walang hinto ang paglilipad ng Agila at ni Don
Juan. Nakarating sila doon nang isang buwan
dahil hindi na nila kailangan huminto dahil ang
pagkain nila ay nandoon lamang.
Importanteng Saknong
 Limang buwang paglalakad pitong bundok ang
binagtas, pitong dusa’t pitong hirap bago
sinapit ang hangad.
 Sinsabi ng saknong ito ang kahirapang na
pinagdaanan ni Don Juan para lang makita at
makausap niya ang Ermitanyo. 5 buwan siya
naglakbay, 7 bundok ang dinaanan niya, 7
hirap at dusa din ang dinaanan niya.
Importanteng Saknong
 Nakita ang dalang baro Ermitanyo’y
napatango, noon niya napahulo na mali ang
kanyang kuro.
 Nang nakita ng Ermitayo ang baro na dala ni
Don Juan, bigla lang niyang nalaman na ang
pagsasagot niya kay Don Juan ay mali pa la.
Bait kaya?
Importanteng Saknong
 At nagwika ng ganito: Hesus na Panginoon ko.
Isang galak ko na itong pagkakita sa baro Mo.
 Iyon pala ang dahilan! Nalaman ng Ermitanyo
na ang baro na nakay Don Juan ay galing kay
Hesus mismo! Ibig sabihin na ang matanda na
nakita ni Don Juan noon, ay si Hesus pala!
Importanteng Saknong
 Ngayon kita’y tuturuan, sa ikapitong bundok
na ‘yan sundin sanang mahinusay, may
matanda kang daratnan.
 Sinasabi ng Ermitanyo ang lokasyon ng isa
pang Ermitanyo na baka pwede makatulong
kay Don Juan sa paghahanap ng lugar na gusto
niyang putntahan. Ang isa pang matanda ay
nasa ikapitong bundok.
Importanteng Saknong
 Ang balbas nito sa haba sumasayad na sa lupa,
balahibo’y mahahaba’t mapuputi namang
pawa.
 Ito ang deskripsyon ng isa pang matandang
Ermitanyo na pinuntahan ni Don Juan. Sabi
nito na napakhaba ang balbas nito at ang
balahibo niya naman ay mahaba at maputi. Tila
napakatanda na ng Ermitanyong ito!
Importanteng Saknong
 Ngunit walang kaalaman sa Reyno ng de los
Cristal, ang hanap mong kaharian ewan ko
kung matagpuan.
 Sinabi ito ng Ermitanyo kay Don Juan. Sinabi
niya na hindi niya alam kung mayroon bang
kaharian na hinahanap niya. Sinabi din ito ng
isa pang Ermitanyo na hindi din niya alam ang
lugar na hinahanap ni Don Juan.
Importanteng Saknong
 Ermitanyong iniibig, sagot ng ibong mabait,
isang lupaing marikit ang Reyno de los
Cristales.
 Ang Agila ang nagsasalita dito. Sinabi niya na
galing siya sa sa lugar na hinahap din ni Don
Juan, at dahil dito, alam na ni Don Juan na
may pag-asa siya na makaabot niya ang
kaharian na gusto niyang puntahan.
Importanteng Saknong
 Isang buwan sa banta ko, pahayag ng
Ermitanyo, mahina man ang lipad mo sasapit
sa Cristalino.
 Kinakausap ng Ermitanyo si Don Juan at ang
Agila. Sinabi niya na makakarating siya sa
lugar na nais niyang puntahan sa loob ng isang
buwan. Sinabi in niya na isang buwan bago
siya makakarating dahil mabagal ang lipad ng
Agila.
Importanteng Saknong
 Ang Prinsepe ay sumakay sa Agilang
papatnubay masisiglang nagliparang tungo’y
sa Dakong Silangan.
 Sinasabi ng saknong ito na ang lugar na
pinupuntahan nina Don Juan at ang Agila ay
nasa silangan kaya doon din sila pumupunta.
Ibigsabihin na ang de los Cristal ay nasa
silangan.
Importanteng Saknong
 Dalang baon ay ubos na nakarating naman sila
sa banyo ni Donya Mariang tubig ay kaaya-
aya.
 Sinasabi ng saknong ito na nang na ubos na
ang pagkiang dala ni Don Juan, noon din siya
nakarating sa banyo ng destinasyon na nais
niyang puntahan.
Tayutay
 O, Diyos na darakila, ito’y isa Mong himala,
sa dunong Mo’y sino kaya ang maaaring
humula?
 Wala naman ang Diyos doon
 panawagan
Tayutay
 Laking pasasalamat ng Prinsepeng nagagalak,
ang malaki niyang hirap tila magtatamong-
palad
 Hirap = magtatamong palad (swerte)
 pagtutulad
Maraming Salamat Po!!!

You might also like