You are on page 1of 14

ARTS 5

QUARTER 2 – WEEK 2 – DAY 2 – DAY 3

LANDSCAPE NG
KAAYA-AYANG
TANAWIN SA
KARAGATAN
BALIK-ARAL

Hayaang magbahagi ang


mga bata ng kanilang
natutunan sa nakaraang
markahan.
a. Ano-anong mga bagay ang inyong nakikita
sa larawan?

b. Nagpapakita ba ito ng iba’t ibang linya,


hugis at kulay?

c. Naging kaakit-akit ba ito sa inyong mga


mata? Sa paanong paraan?
Paglalahad

Ang Bahurang Tubattaha ay isang pulo


ng korales na pumapaligid sa lawa.
Matatagpuan ito sa timog-silangan ng
siyudad ng Puerto Prinsesa, Palawan.
Ipinrinoklama itong World Heritage Site
ng United Nations Educational,
Scientific, and Culutral Organization
(UNESCO) noong Disyembre 1993 at
nasa ilalim ito ng proteksyon ng
Department of Natural Defense (DND).
Ang salitang “tubbataha” ay
pagsasanib ng dalawang salitang Samal
na nangangahulugang “isang mahabang
bahurang lumilitaw sa pagbaba ng tubig”.
Sinasakop ito ng mga makukulay na
korales ang dalawang-katlo ng buong
lugar at tirahan ito ng napakaraming uri ng
buhay-dagat. Ang biodiversity ng
Tubbataha ay kumakalaban sa Great
Barrier Reef ng Australia. Mayroon itong
300 na uri ng koral at 400 na uri ng isda.
Dahil sa angking yaman ng karagatan,
pangingisda ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga taong madalas
pumupunta dito bagaman hindi sila
tahasang naninirahan sa lugar na ito.
Tulad ng angking ganda ng Tubattaha,
isa ang “Tropical Landscape” sa mga
larawang nagpapakita ng likas na
kagandahan ng ating bansa na ipininta
ng isa sa mga kilalang Pilipinong pintor
na si Juan Arellano. Dito niya
ipinamalas ang paggamit ng “modern
realism style” sa pagpipinta. Kilala din
siya sa kanyang mga neo-klasikong
arkitektura kabilang ang Ateneo de
Manila.
Ang isang likhang sining ay mas nagiging
kaakit-akit sa paningin kung malalapatan ng
wastong lamlam o tingkad ng kulay. Ito rin
ang isang paraan upang mas maipakitang tila
totoo ang larawan.
a. Ano –anong elemento ng sining ang
iyong nakita sa larawan?

b. Naging kaakit-akit ba ito sa iyong


paningin?

c. Ang lahat ba ng mga pintor sa


Pilipinas ay may magkakaparehong
istiilo o pamamaraan ng pagppipinta?
Gawaing Pansining

Hayaan ang mga batang mag-isip


ng mga lugar na malapit sa lawa o
dagat na kanila ng narating,
napuntahan o di kaya’y natanaw
habang naglalakbay noong
nakaraang bakasyon. Ipalarawan
ang angking ganda nito sa
pamamagitan ng pagpipinta.
Pagpapalalim ng Pag-unawa

Paano ninyo ginamit ang mga


elemento at prinsipyo ng sining sa
inyong ipininta?

Mahalaga bang maging akma ang


kulay at disenyo na iyong gagamitin sa
paggawa ng inyong likhang sining?
Paglalahat

A. Ano ang natutnan ninyo sa inyong ginawa?

B. Bilang mag-aaral, sa pagsasalaysay mo


lang ba maaaring ibahagi ang iyong
damdamin at karanasan? Sa paanong paraan
mo ito ginawa?

C. Ikaw ba ay nasiyahan sa paggawa ng


natapos mong likhang sining?
Repleksiyon

Dapat ba nating ipagmalaki ang


kagandahang taglay ng ating mga
karagatan? Kung oo, ipaliwanag
kung sa paanong paraan mo ito
maisasagawa.
Pagtataya

Hayaan ang batang magbigay


puna sa natapos niyang
likhang sining sa
pamamagitan ng rubrics.

You might also like