You are on page 1of 12

Ang uwak ay

inutusan ng Diyos sa
lupa upang alamin
ang lalim ng tubig sa
dagat.
Ngunit ang uwak ay
nalibang sa kakakain ng
sari-saring bagay na
natagpuan niya sa lupa.
Nalimutan nya ang utos
ng Diyos.
Nang ikatlong araw
at hindi bumalik ang
uwak, ang kalapati
naman ang inutusan
ng Diyos.
Nang dumating ang
kalapati sa lupa hindi
siya natagalan sa
paghahanap ng sari-
saring bagay at agad
siyang dumapo sa tubig.
Ang kalapati ay
bumalik agad sa
kalangitan at ibinalita
ang nakita sa lupa.
Si uwak ay pagod na
pagod na bumalik sa
kalangitan at agad
siyang dumapo
malapit sa Diyos.
Ang Diyos ay
nagtanong “Bakit ka
natagalan,bakit hindi
ka nagbalik agad?
Ang uwak ay
hindi nakasagot
dahil sa hiya.
Ang naging parusa ng
Diyos sa uwak ay ang
paglalagay ng pabigat
sa kanyang paa. Kaya
ngayon, ang uwak ay
palundag lundag.
Ang pula sa paa ng
kalapati ay
katunayan ng
pagtupad sa
kanyang tungkulin.
Ang kalapati na
tapat sa Diyos, ay
kinagigiliwan sa
buong daigdig.
At lumipad ang
kalapati para
tignan ang tubig sa
lupa.

You might also like