You are on page 1of 38

Panalangin ng Mag-aaral

Panginoong Hesus,ako po’y nagpapasalamat sa pagbibigay sa akin nang pagkakataon


na makapag-aral sa kabila ng iba ay hindi. Tulungan ninyo po akong maibigay ang
pinakamahusay sa lahat ng aking ginagawa. Pagkalooban ninyo po ako ng grasya upang
mapamahalaan ko ang aking oras sa patas na distribusyon sa aking pag-aaral at
paglalaro.
Tulungan ninyo po akong isantabi ang pagkalito sa aking kakayahan ng pag- iisip o
pangangatwiran bagkus maging handa ako lalong-lalo na tuwing may pagsusulit. Wag
po ninyo akong iadya sa tukso nang pandaraya at padaliin ang lahat ng bagay-bagay
upang makamit ko ng daglian ang aking mithin. Samakatuwid, turuan po ninyo akong
tanggapin ang katotothan na ang buhay ay walang saysay at halaga kung ito ay
minamadali.
Hayaan po ninyo akong pahalagahan ang aking kaalaman at karunungan na
ibinabahagi sa amin ng aming mga guro at bigyan sila ng pagkilala sa kanilang
pagsisikap at pagmamalasakit para sa amin. Turuan po ninyo akong matutunan ang
mga aral ng buhay upang sa ganon ay hindi lamang ako nabubuhay para sa sarili gayon
din para sa iba.
AMEN.
Pagbati
PAGDADAMPOT NG KALAT
May ipapakita na apat na larawan ang tagapag-ulat at
huhulaan kung anong teleserye ang ipinapakita sa
larawan. Ang grupong na may pinakamaraming
nahulaan ay may karagdagang puntos.
Teleserye at Soap Opera
Isang programang pantelebisyon ang
mga soap opera o teleserye. Gayang
ibang produkto, madaling tangkilikin
at pasikatinang mula sa banyagang
oryentasyon.
Ang soap opera ay nagmula sa
ibang bansa mula sa tradisyonal
na paraan ng pagtatampok nito
sa mga tauhang nagpapamalas
ng matinding emosyon.
Samakatuwid, lamang ang pagiging drama
ng soap opera na noong una’t ang
pangunahing tagapagtangkilik ay ang mga
maybahay na madalas naiiwan o
namamalagi sa mga tahanan. Nagiging
pangunahing libangan ito ng mga
kababaihan noong dekada ‘40.
Sa Pilipinas, dumagsa rin ang mga Mexicanobela,
Koreanobela, Asianobela, at iba’t ibang soap opera
mula sa iba’t ibang bansa. Tinangkilik ang mga ito
dahil sa mga paksang madaling nakauugnay ang
maraming mamamayan. Madaling makaugnay ang
mga manonood sapagkat ang tema o paksa ay
pangkaraniwang karanasan ng mga manonood kagaya
ng mga kuwentong pag-ibig kasama ang paghihiganti,
pagtatagumpay, pagbabalik, at para pangiba na
bibihag sa mga manonood.
Kilalang teleserye sa Pilipinas ang mga soap opera ng
ibang bansa. Tinangkilik ito ng marami dahil sa
pormyulang ibinahagi ni Direk Jose Javier Reyes sa
isang panayam. Ayon kay Reyes, kadalasan ang mga
nagdurusa ang mahihirap, na mabait, mahal ng Diyos,
at naniniwalang ang kanilang kabaitan ay mag-aayos ng
kanilang pinagdadaanan. Sila rin ay karaniwang maputi,
at kung bababe, walang seksuwalidad, nagtitiis sa pang-
aapi, kabaligtaran ito sa mga kontrabida na madalas
mayaman, pangit, mataray, at kung babae ay
makamundo at nang-aapi sa kapuwa.
Fantaserye
Ito ay isang uri ng teleserye
kung saan may halong mga di
makatutuhanang pangyayari.
Epikserye

Ito ay isang uri ng teleserye


kung saan may kinalaman sa
kultura at wika
Pagtatanghal sa mga bata

Ito ay isang uri ng teleserye


kung saan kadalasang bida sa
kwento ay bata.
Mapangahas na paksain

Ito ay isang uri ng teleserye kung


saan nakapaloob ang mga
pangunahing sulirain sa ating palagid.
Epektibong produkto ng mass media ang iba’t
ibang soap opera o teleserya sa Pilipinas. Bahagi
na ito ng isang nangungunang industriya upang
magbigay ng produkto at serbisyo upang
kumamal ng kita. May sinusundan itong padron
o hulagway kaya’t sistemayiko ang paraan ng
pagsasalansan ng mgasagisag at pananagisag
upang mapabisa ang totaidad ng palabas o
programang pantelebisyong.
PANGKATANG GAWAIN
Maghanap o mamili ng mga tampok na linya sa mga
teleseryeng ibibigay ng tagapagulat. Kayo ay bibigyan ng
10-15 minut0 para mag-usap at mag-ensayo. Pagkatapos
ay iprepresenta ang nasabing linya sa pamamagitan ng
pag arte (3-5 mins.)

Kwek^2 = Wild Flower


Squad = Got to Believe
UMMSF = Los Bastardos
AKMSF = Kadenang Ginto
Salonga = Halik
Krayterya Katangi-tangi Natamo Nalilinang Nagsisimula Puntos
4 - Oo 3 – Oo, ngunit 2 – hindi, ngunit 1 - hindi
Kaalaman Alam mabuti Alam ang kuwento; nagkaroon ng Alam ang ibang bahagi ng kuwento; Hindi alam ang kuwento; binabasa
sa kuwento ang kuwento; kapansin-pansin saglit na pagsasanay; kailangan lamang ang kopya
na nagsanay; nagpapakita may tiwala sa sarili ng pagsasanay; nagpapakita
ng tiwala sa sarili ng kawalan
ng tiwala sa sarili
Tinig Palaging malakas, mabagal at Malakas, mabagal at malinaw Maaaring sobrang mahina o sobrang Sobrang mahina
malinaw magsalita; Wasto magsalita; Wasto ang pagbigkas; mabilis magsalita; paminsan-mins o sobrang mabilis magsalita; nauutal;
ang pagbigkas; Ipinapaliwanag Hindi ipinapaliwanag ang nauutal; Maling pagbigkas sa ilang Maling pagbigkas
ang mga malalalim na salita ang mga malalalim na salita salita; Hindi ipinapaliwanag sa mga salita; Hindi ipinapaliwanag
ang mga malalalim ang mga malalalim na salita
na salita

Pag-arte Naaayon Nagpapakita ng paminsan-minsang Hindi gaanong nagpapakita Hindi nagpakita ng kahit na anong
ang ekspresyon ekspresyon ng ekspresyon pag-arte
ng mukha at galaw ng katawan ng mukha at galaw ng katawan ng mukha at galaw
sa mensahe ng katawan
ng kuweno
Koneksyon sa Awdyens Tumitingin sa iba’t ibang panig Tumitingin Tumitingin Hindi tumitingin
ng awdyens; isinasangkot sila sa isang partikular na panig sa nabibilang sa awdyens
sa pamamagitan ng awdyens; isinasangkot lamang na awdyens; at walang ugnayan
ng pagtatanong ang ilan walang gaanong ugnayan
sa pamamagitan
ng pagtatanong
Bilis ng Gawain Isinasalaysay Maayos na naisalaysay subalit may Binilisan ang ilang bahagi ng kuwento Mabilis
ang kuwento batay sa kaangkupan mga bahaging binilisan na isinalaysay; walang kasiglahan
sa mga diyalogo

Kaangkupan Angkop Halos ang bahagi ng kuwento Ang ilang bahagi Hindi angkop
ang kuwento ay para sa kalinangan ng kuwento ay para ang kuwento
para sa kalinangan ng mga ng mga tagapakinig sa kalinangan sa mga tagapakinig
tagapakinig ng mga tagapakinig
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Sagutin ngtanong ang mga
tanong at iwasan ang pandaraya.

1. Ito ay isang programang pantelebisyon.


A. Teleserye B. Showtime C. Ang Probinsyano D. Balita

2. Kinilala bilang “Teen Queen”?


A. Marian Rivera C. Nadine Lustre
B. Kathryn Bernardo D. Judy Ann Santos-Agoncilio

3. Kinilala bilang “Teleserye Queen”?


A. Marian Rivera C. Nadine Lustre
B. Kathryn Bernardo D. Judy Ann Santos-Agoncilio
4. Kinilala bilang “Primetime Queen”?
A. Marian Rivera C. Nadine Lustre
B. Kathryn Bernardo D. Judy Ann Santos-Agoncilio

5. Sino ang nagbahagi ng pormyula sa isang panayam?


A. Marian Rivera C. Nadine Lustre
B. Direk Jose Javier Reyes D. Cathy Garcia Molina

6. Halimbawa ng pantaserye?
A. Yagit C. Katorse
B. Mulawin D. Amaya
7. Halimbawa ng pagtatanghal sa mga bata?
A. Yagit C. Katorse
B. Mulawin D. Amaya

8. Halimbawa ng epikserye?
A. Yagit C. Katorse
B. Mulawin D. Amaya

9. Halimbawa ng mapangahas na paksain?


A. Yagit C. Katorse
B. Mulawin D. Amaya

10. BUONG PANGALAN NG TAGAPAG-ULAT!


Mga Sagot:

1. A 6. B
2. B 7. A
3. D 8. D
4. A 9. C
5. B 10. JEADEN GULISAO MARABE
Takdang Aralin

Pumili ng teleseryeng
kinahiligan mo. Gumawa ng
isang imahe nagpapakita ng
isang famosong linya nito.
Maging malikhain sa paggawa
nito. Gamit ang estilong komiks.

You might also like