You are on page 1of 16

 Wika

Ang Wika ay masistemang


balangkas ng sinasalitang tunog at
kahulugan na pinili at inayos upang
magamit sa komunikasyon ng mga
tao na nabibilang sa isang kultura
 Tagalog

Isang katutubong wika na ginagamit


sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo.

Naging basehan ng wikang Pambansa


Manuel L. Quezon
“Ama ng Wikang Pambansa”
Nagsulong wikang Pambansa

Nagtatag ng Suriang wikang


Pambansa
Saligang Batas 1935 Artikulo 14, Seksyon 3

“Ang kongreso ay gagawa ng mga


hakbang tungo sa pagpapaunlad at
pagpapatibay ng isang Wikang
Pambansa na batay sa isa sa mg
umiiral na katutubong wika
Surian ng wikang pambansa - 1936

Isang Institusyon na nagsuri ng


wikang gagamitin bilang wikang
pambansa
1940
Pagsisimula ng pagtuturo sa mga
paaralan gamit ang wikang
pambansa

July 4 1946
Ang pagiging opisyal ng wikang
Filipino bilang wikang pambansa
nag magsisimbolo sa bansang
pilipinas
 Ayon kay Macinas, isang komisyoner,
“Tunay na mahalaga ang papel na ginagampanan
ng wika dahil ito ay nagsisilbing simbolo ng lahi,
kultura ng bansa, at sumasagisag na ang bansa
ay malaya. Ang bawat bansa ay may sariling
wika na ginagamit upang magsilbing daan tungo
sa landas ng pagkakaisa, pagkakaunawaan, at
pagmamahal.”
Nilalaman
 Mas nagiging bihasa ang isang mag-aaral sa
kakayahang kumuha at bumahagi ng kaalaman,
mithiin at mga nararamdaman kung maayos at
angkop ang paggamit ng wika.
 Biglang nagbago ang sistema ng edukasyon
sa Pilipinas noong inaprubahan ni Dating
Pangulo Benigno Aquino III ang programang K-
12 bilang tugon sa napapanahong sistema ng
edukasyon.
 2013 – napagdesisyunan ng Commission on
Higher Education (CHED) na magbawas ng anim
(6) na yunit ng Filipino para sa papasok na mag-
aaral sa kolehiyo ngayon sanang 2018
 Ang CHED Momerandum Order (CMO) bilang
20 serye 2013 ay naglalayong gawing 36 yunits
ang dating 63 yunits ng General Education
Curriculum para sa kolehiyo na siyang nagresulta
sa pagkakadismaya ng mga iilang propesor sa
Filipino.
 Ayon kay Dr. Randy Din na isang propesor sa
Colegio, hindi siya sang-ayon sa panukalang ito.

 Ipinahayag ni David Michael San Juan, isang


propesor galing sa departamentong Filipino ng
De La Salle University, maaaring bumaba ang
kalidad ng Wikang Pambansa kung mangyaring
ito ay matanggal sa mas mataas na antas ng
edukasyon.
 “Upang maging ganap ang intelektuwalisasyon
nito, nararapat lamang na pagbutihin at
palawakin pa ang pagtuturo nito sa lahat ng
antas, lalo na sa kolehiyo,” dagdag niya.
 Tanggol Wika
Isa itong organisasyon na pinamumunuan ni
Dr. David San Juan at iba pang mga guro
galing sa iba’t-ibang lugar sa Maynila ay
nagtipon upang mapanatili sa pag-aaral sa
Asignaturang Filipino sa mga paparating na
estudyante sa kolehiyo.
 Noong Abril 2015 ay naghain ng Temporary
Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema
upang panandaliang hintuin ang layunin ng CHED
na tanggalin ang asignaturang Filipino hangga’t
wala pa rin itong pormal na hatol.
 At noong Hunyo 2017, napagdesisyunan ng
CHED na huwag na lang ituloy ang dating balak
na tanggalin ang asignaturang Filipino sa
kurikulum ng mga papasok na estudyante sa
kolehiyo.
 Ang bansang may sariling wika ay
nangangahulugang malaya ito. Wika ang
nagsisilbing komunikasyon at siyang
dahilan upang magkaintindihan ang lahat
ng tao.

You might also like