You are on page 1of 36

District Learning

Action Cell
Teaching ESP 4
Using Interactive
Game/Quiz
Objectives:
At the end of the session, the
participants shall be able to:

a. teach ESP 4 using Interactive


Game/Quiz;
b. create their own Interactive
Game/Quiz to be used in teaching
ESP 4.
YUNIT 2
Aralin 1
PAGKAKAMALI KO,
ITUTUWID KO
Inihanda ni:
Erica Dianne D. Esmeria
Kristine Ann B. de Jesus
Inlagadian Elementary School
Casiguran District
Layunin:
 Naisasagawa nang mapanuri ang
tunay na kahulugan ng papakikipag-
kapwa-tao
Unang Araw:
Alamin Natin
“ANG PAROL
NI CARLA”
Parol ni Carla
Nagmamadali si Carla sa pagpasok
sa paaralan. Masayang-masaya siya
sapagkat natapos niya ang kaniyang
proyektong parol. Katulong niya ang
kanyang buong pamilya sa paggawa
nito. Habang bitbit niya ang parol ay
nasagi siya ng isang batang
nakikipaghabulan sa kaklase nito,
dahilan upang mapahagis ang bitbit na
parol ni Carla at nasira ito.
Halos umiyak na si Carla
sapagkat mahuhuli na siya sa
kaniyang klase at nasira pa ang
kaniyang proyektong parol.
“Naku, paano na yan, wala na
akong ipapasa kay Ma’am,”
himutok ni Carla.
“Pasensya na, hindi kita
napansin kasi naghahabulan kami,”
paumanhin ng nakasaging bata.
Tutulungan na lamang kitang
mabuo ulit ang parol,” wika ng
batang nakasagi
Pumayag naman si
Carla at magkasama silang
nagpaliwanag sa guro kung
bakit nasira ang parol.

Nang araw ding iyon


ay magkatulong na ang
dalawang bata sa pagbuo
ng parol ni Carla.
Magkasama nila itong
ipinasa sa guro at naging
magkaibigan pa silang
dalawa.
Pag-usapan Natin:
1.) Isalaysay ang nagyari habang
naglalakad si Carla patungo sa kaniyang
silid-aralan.
2.) Tama ba ang ginawang paghingi ng
paumanhin ng batang nakasagi?
3.) Kung ikaw si Carla,ano ang sasabihin
mo sa nakasagi sa iyo?
4.) Paano itinuwid ng batang nakasagi
ang kaniyang pagkakamali? Tama ba
ang kaniyang ginawa?

5.) Sa iyong palagay,ano pa ang ibang


paraan upang maituwid ang nagawang
pagkakamali?

5thGraderTemplate 1.ppt
Ikalawang
Araw:
Isagawa
Natin
Gawain 1:
Panuto: Pag-aralan ang
mga sitwasyon at ibigay
ang angkop na salita na
nagpapakita ng paghingi
ng paumanhin.
5thGraderTemplate 2.ppt
Gawain 2:
Pangkatang Gawain
Mag-isip ng mga sitwasyon na
nagpapakita ng pagtutuwid ng
isang pagkakamali. (Gumamit ng
mga salitang nagpapakita ng
paghingi ng paumanhin)
Ipakita ito sa pamamagitan ng
isang dula.
RUBRIK:
Ikatlong Araw:
Isapuso Natin
GAWAIN 1:
Panuto: Alin sa sumusunod na salita o
pangkat ng mga salita ang ginamit ninyo
sa mga unang gawain na nagpapakita
ng paghingi ng paumanhin? Gumuhit ng
bituin sa inyong kwaderno at isulat sa
loob nito ang napili mong mga salita
Bahala na!
Sorry
Hindi ko sinasadya
Patawad
Buti nga sa iyo
Excuse me
Patawarin mo ako.
Wala akong pakialam!
Pasensya ka na.
Ikinalulungkot ko ang
nangyari.
Ikaw kasi!
Di ko kasalanan yun!
Pasensya na po
Hindi ko na po uulitin
GAWAIN 2:
Pumili ng isang salita
mula sa sinulat mo sa loob
ng bituin at sabihin kung
kailan mo ito huling
ginamit. Ipaliwanag kung
bakit mo ito napili.
GAWAIN 3:
Sa iyong kwaderno,
gumuhit ka ng puso.
Isulat mo sa loob ng
puso ang iyong
naramdaman nang
ginamit mo ang
katagang ito sa
pagtutuwid ng iyong
pagkakamali.
Tandaan Natin:
Sinasabing normal lang sa isang
tao ang magkamali. Subalit ang
pahayag na ito ay hindi natin dapat
abusuhin,nararapat itong gawing
panuntunan upang maiwasan ang
pagkakamali at makasakit ng
damdamin ng ating kapuwa.
Tandaan Natin:
Ang paghingi ng paumanhin
ay isang positibong kaugalian
na dapat makasanayan ng
isang bata. Dapat ding isapuso
at isabuhay ang mga natutunan
sa pagkakamaling nagawa
upang maiwasang makasakit ng
kapuwa at hindi na maulit pa.
Ang pagtutuwid ng isang
pagkakamali ay hindi kahinaan kundi
tanda ito ng pagiging mahinahon at
maunawain sa damdamin ng kapuwa.
Nakikita ang katatagan ng isang tao sa
pagharap niya sa naging bunga ng
kaniyang mga nagawa.
Mahalagang timbangin muna ang
idudulot na mabuti o hindi mabuti
bago gumawa ng desisyon. Isang
Tsinong Pilosopo na kilala sa
pangalang Confucius ang nagsabi
na “Huwag mong gawin sa kapuwa
mo ang ayaw mong gawin sa iyo.”
Ikaapat na Araw:
Isabuhay Natin
Pagnilayan Mo:
Alam mo na dapat iwasang makasakit ng
damdamin ng ating kapuwa. Ngayong Buwan
ng Wika ay may paligsahan ang Departamento
ng Filipino sa paggawa ng Greeting Card.
Bilang pakikiisa sa gawaing ito, bawat isa
ay gagawa ng isang card ng paumanhin para
sa nagawan ng pagkakamali. Gamitin ang
husay mo sa pagiging malikhain. Isulat sa loob
ng card ang mga nagawa mong pagkakamali
sa kanya at ang paghingi mo ng tawad at
paumanhin.
Pagnilayan Mo:
Ibigay ang ginawa mong card sa
kaniya. Maaari ring mag-email kung
nanaisin.
Iulat sa klase kung ano ang naging
reaksyon ng taong binigyan mo ng card
ng paumanhin. Nakatulong ba ito upang
maituwid mo ang iyong nagawang
pagkakamali? Bukod sa pagbibigay ng
card at sulat, ano pa sa palagay mo ang
pwedeng gawin upang maituwid ang
pagkakamaling nagawa sa kapwa?
Ikalimang Araw:
Subukin Natin
Panuto: Suriin ang sumusunod na
pangungusap. Lagyan ng tsek (/) ang
iyong pinaniniwalaan na sagot. Gawin ito
sa iyong sagutang papel:
Palagi Paminsan- Hindi ko
minsan Ginagawa
1. Humihingi ako ng
tawad kapag
nagkakamali ako.
2. Nakagagawa ako ng
pagkakamali sa aking
kapuwa kahit hindi ko
sinasadya.
Palagi Paminsan- Hindi ko
minsan Ginagawa

3. Nagpapatawad
ako sa taong
nagkasala sa akin.
4. Ginagamit ko ang
salitang sorry nang
bukal sa aking
kalooban.
5. Inaayos ko agad
ang tampuhan
naming magkaibigan.
Palagi Paminsan Hindi ko
-minsan Ginagawa
6. Tinatanggap ko ang
aking pagkakamali at
hinaharap ang bunga
ng aking ginawa.
7. Itinutuwid ko ang
aking pagkakamali sa
pamamagitan ng pag-
amin sa aking
nagawang kasalanan.
Palagi Paminsan- Hindi ko
minsan Ginagawa
8. Iniiwasan kong
makasakit ng aking
kapuwa.
9. Kinakausap ko ang
isang tao kahit may
nagawa siyang kamalian
sa akin.
10. Humihingi ako ng
paumanhin sa aking
kaklase kahit hindi ko
sinasadya ang aking
pagkakamali.
Panuto: Suriin ang iyong mga sagot at
kompletuhin ang mga pangungusap na
nasa ibaba.

May mga bagay na paminsan-


minsan ko lang ginagawa dahil _______.
Para sa mga bagay na hindi ko pa
nagagawa, ako ay ___________.
Ipagpapatuloy ko ang palagi kong
ginagawa sapagkat ____________.
20 Questions.ppt
 What do you feel as you perform the activity?
 What does it tell about yourself in terms of teaching ESP
before?
 What new strategy were used in teaching ESP?
 Do you think it would be more helpful and meaningful to
teach ESP using this strategy?
 What is the significance of this activity in our teaching?
ABSTRACTION
From the answer, connect the following
abstraction points:

 Teaching ESP before was more on Lecture-


Demonstration, pupils performing dramatization,
reflecting on a certain situation, creating posters, essays
and more; but now Teaching can be more engaging
through the use of technology- the Interactive
Game/Quiz.
 Teaching ESP using Interactive Game/Quiz elicits
positive response from the learners.
 These differences are significant inputs in the teaching-
learning process.
APPLICATION

Each group will prepare a


Powerpoint Presentation good for
1 week in ESP 4 using Interactive
Game/Quiz.

You might also like