You are on page 1of 15

AKADEMIKONG SULATIN

SA MUNDO NG SOCIAL
MEDIA
JAN MARIA LUISA LEE
JOY FORTES
ROWENA JABAGATON
ISAISIP AT ISAPUSO
>Hindi banta ang media at teknolohiya sa pagsulat, nasa kamay ng manunulat na gawin
itong instrumento upang magpalaya, magmulat, at manghikayat.
• LAYUNIN
 Naiuugnay ang akademikong sulatin sa social media.
 Nakalilikha ng akaddmikong sulatin sa social media hinggil sa napapanahong isyung
pampolitika, pangkabuhayan, pangkultura, at pangdaigdig.
 Napagtitibay ang natamong kaalaman at kasanayan sa ugnayan ng social media at
akademikong sulatin upang maging mapagmatyag, mapanuri, at responsableng
mamamayan o mamamahayag gamit ang kaalaman at kasanayan sa akademukong
sulatin.
KAALAMAN

Pansinin ang munting presentasyon. Ano ang kaugnayan nito sa mundo


ng social media? Ano ang epekto nito sa paglikha ng akademikong
sulatin?
NEW MEDIA ANG NAGLUWAL SA SOCIAL
MEDIA
Ano ang dahilan ng pag usbong ng new social media? Bakit nito pinaunlad ang socisl media
na tinatangkilik ng kasalukuyang panahon?
• Para kay Sharon Livingstone (1992) ang new media ay may kaugnayan sa penomenong
digitization, convergence, at global communication. Pinalilit ng ibat ibang anyo ng new
media ang daigdig sa pamamagitan ng pakikiisa at ugnayan. Ang tanong ni Livingstone,
may bagk nga ba talaga? May tatlo C na dapat tandaan sa usapin ng new media:
Computing and Information Technology o IT, Communication Networks, at Content Media.
Ang mga ito ang nag uugnay sa mabilisang ugnayan o pakikipagtalastasan. Kung kayat
tumutukoy ang new media sa mas malawak at madaling pakikipag ugnayan gamit ang
cellphone, internet, online games, tablets, social networking site, at iba pa. Hinigitan nito
ang tradisyonal na anyo ng media gaya ng telebisyon, radyo, pahayagan, pelikula, at
tradisyonal, na paraan ng adberstisment.
BAGONG MUNDO NG INTERNET

Hindi lamang hardware o technical infrastructure ang internet. Bagkus, maging ang paraan ng paggamit dito ng tao (praxis) kasama rin
ang ugnayang sosyal at komunikatibo (Flores, 2013). Mapanghalina ang inihain ng internet gaya ng cyberspace, virtual world, network
society,at information super highway.Nagtagumpay ang Estados Unidos noong 1957 na ipatapat ang inobasyong dulot ng internet sputnik
ng mga ruso(Advanced Research Projects Agency o ARPA).Taong 1969 nang ipakilala ang electronic mail bilang isang pangunahing
inobasyon sa sistema ng komunikasyon.Naging mabilis ang pagsunod ng ibat ibang imbensyon na kaugnay ng serbisyong maibibigay ng
internet tulad ng WWW (1990s) ni Tim Berners Lee na nagugnaybhindi lamang sa pagitan ng kompiyutet sa kompiyuter kung hindi ang
madali at epektibong ugnayan ng mga tao.Ang Netscape ang unang komersiyal na browser ng internet at sa pagitan ng taong 1994-
1998,nakilala ang Mosaic at Microsoft Internet Explorer.Nasundan ito ng mga lalong nagpasikat sa bisa ng internet bilang behikulo ng
ekspusyon ng impormasyon sa pamamagaitan ng Goohle ay Yahoo! Bilang mg popular na search engine ng internet. Katangian ng mga
ito na pagsama-samahin ang serbisyong hatid ng internet hypertext kung saan magkakarugtong ang link para sa maraming impormasyon
na sinamahan pa ng iba’t ibang kamangha-mangha serbisyo na maaring gawin sa pamamagitan lamang ng isang pindot o click. Dahil sa
ganjtong katangian ng internet.litaw na litaw ang pagiging interaktibo ng ugnayan mula da simpleng nilalaman o impormasyong
kailanganng mamamayan.
Ano ang implikasyon o hamon ng internet sa kasalukuyang panahon? Tinalakay nina Barnet at Rrossen sa “Global Implication of Internet “
ang cultural convergence theory. Ayon sa teroya, ang pagiging na komunikasyon ng iba’t ibang uri ng tao sa mundo sa internet ay
mabubunga sa pagbubura ng mga pagkakaiba batay sa lahi, lipi at/o etnisidad, pati pambansang identidad tungo sa isang
global/transisyonal na identidad o culture homogenization
PRODUKTO AT SERBISYO NG INTERNET

• Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa lalo na sa panig ng mga


kabataan,batid ng marami ang produkto at serbisyong maaaring ibigay
ng internet.
SOCIAL MEDIA AT AKADEMIKONG PAGSULAT
Kung tutuusin,mas madali nang magsulat ngayon.maituturing na lunsaran
ang internet upang ibahagi ang kaalaman,karanasan,saloobin,at iba pa sa
iba’t ibang panlipunang usapin.hindi na lamang papel,bolpen o
lapis,makinilya ang instrumento sa pagsulat.Nagbago lamang ang
teknolohiyang pagsusulatan,ngunit mahalagang tandaan na ang mga
kasanayan sa pagsulat ay dapat pa ring isaalang alang.
HALINA’T GAWING AKADEMIKONG TAGPUAN ANG FACEBOOK
Pang habambuhay na pamana ni mark zuckberg ng unibersidad ng harvard
at ng dalawa niyang kaibigan ang popularisasyon ng facebook.nagumpisa
lamang ito sa simpleng ugnayan ng mga kaibigan na lumaon ay naging
tagpuan ng guro at mag aaral,negosyonte at kapitalista,at iba’t ibang
layunin gamit ang pinakapatok ng social networking site na facebook.
Bagamat naitalang nangungunang SNS ang Facebook(FB)noong
2010,marami pa rin ang hinde mulat kung bakit at paano gagamitin ito sa
pagtuturo at pagkatuto (Pempek,Yermolayeva,Calvert,2009).sa pag-aaral
na isinasagawa nina Lee,Wong,at Lai na “Social Networking ad the Youth
“nakita sa sarbey sa mga kabataan sa malaysia ang persepsiyin kaugnay
ng paggamit ng facebook
• Dahilan ng paggamit ng Facebook
-pagbuo ng ugnayan (link sa kamag-anak at kaibigan)
-Libangan (laro at uploading ng mga larawan)
-kasangkapan sa pagnenegosyo (online shop)
• Dahilan ng pagiging patok ng SNS at Fb
• -libre
• -madaling gamitin
• -kapakinabangan at kasiyahan g pansarili
Marami applications (online profile,upload
pictures,groups,connection ,comments at iba pa)
Ipinakita sa pag aaral ang tiyak na bahagdan ng paggamit ng facebook sa
mga kabataan.litaw sa datos na tila hindi nagihing kasangkapan ang sikat sa
SNS sa edukasyonal na paraan.
Commenting on status 40%
Photo sharing 35%
Games 17.5%
Wall post 15.8%
Status update 13.3%
Video links 10.8%
Quiz,group membership event 2.5%
Magandang samantalahin ang kasikatan ng FB bilang behikulo ng
akademikong gawain.Dapat tandaan na malaki ang tungkulin ng Facebook at
iba pang SNS sa buhay ng mga mag aaral upang matugunan ang ibat ibang
pangangailangan sa pag aarwl kasama na ang pakikipagugnyan sa guro at
kamag aral (Selwyn ,2009) Narito ang mga kahalagahang dapat tingnan na
kapakinabangan ng Facebook sa mga guro at mag aaral.
• Daluyan ng malayang talakayan at tanungan kaugnay ng mga aralin.sa limitadong
oras sa loob ng silid aralan,posiblenh maipagpatuloy ang talakayan gamit ang
Facebook sa pamamagaitan ng grupong nilikha ng klase at guro.
• Mabilis ang pagkuha ng ibat ibang babasahin,lektura,at materyal sa talakayan buhat
sa ibat ibang panig ng daigdig upang paghambingin ang mga nakalap na
impormasyon.
• Madaling maiparatang ang anumang anunsiyo,panuto,gawain,at iba pa.
• May kakayahang agad na makita ng marami sa madali at libreng
paraan.Nababawasan ang sobrang pagkonsumo sa papel.
• Makikita rin ang tugon ng fidback ng iba sa pamamagitan ng mga makukuhang likes
o diskurso sa wall post ng mga guro at mag aaral.sa ganitong paraan,nagiging madali
ang proseso ng palitan ng ideya,pagbibigay ng puna,opinyon,at mungkahi upang
lalong mapaghusay ang anumang proyektong sulatin o gawain sa klase.
• Makahahabol ang mga mag aaral na hindi nakadalo sa aktuwal na klase.
Magiging bukas na puntahan ang Facebook upang balikan at pag-aralan ang mga hindi
nakuhang aralin sa mga panahong liban ang mag aaral.
Maihahanda ang bawat isa sa mas organisadong gawain.Mailalagay sa facebook ang ibat ibang event kaugnay ng
gawain ng klase.
Narito ang ilang kapaki-pakinabang na App at Group ng Facebook na magagamit sa edukasyonal na gawain tulad ng
akademikong sulatin.
• CiteMe-Makatutulong ito sa paglalagay ng citation sa gagawing pananaliksik.
• Booktag-Makatutulong ito upang ilagay ang saloobin at komento kaugnay ng mga nabasang akda na makatutulong sa
gagawing akademikong sulatin.
• Knighthood-Sa pamamagitan nito,mapatataas ang antas at kakayahan ng kasanayan ng isang mambabasa upang
patalasin ang husay sa pagsulat.
• JSTOR Search -Ito ang lugar kung saan mahahanap ang mga kaugnay na iskolarling babasahin upang payabungin ang
datos na kakailanganin sa akademikong sulatin.
• Calendar- Maisasaayos ang iskedyul ng gagawing akademikong sulatin.
Dito maaaring itala ang planong iskedyul mula sa proseso ng pagsulat:bago,habang,at pagkatapos.
• Notocentric at Notely-Makatutulong ito upang isaayos ang mga datos at tala.Ang
mga ito ang manghihikayat sa ibang mambabasa na gumawa rin ng pagtatala.
• Slideshare-Makatutulong upang maibahagi ang mga presentasyon na magagamit
bilang gabay sa mga pag aaralan.
• Study Group-Makatutulong ito upang mahikayat ang bawat kasapi na
kolaboratibong magtalakayan,magpahayag ng opinyon,saloobin,kaalaman,at
karanasan.
Sikat ang paggawa ng mga blog sa SNS.maaring gawin ang anumang blog sa Fb
upang mabahagi ng kaalaman.Ito nawa ang gawin ng mga mag-aaral na lunsaran
upang iugnay ang Facebook aa akademikong sulatin.
BLOG AT AKADEMIKONG SULATIN
Ang Blog ay isang anyo ng sulatin na madalas inilalagay sa isang host website
o social networking sites.Mas nagihing malaya ang bawat isang magbahagi
ng kuro-kuro at kaalaman gamit ang kompiyuter at iba pang elektronikong
gadget upang makapagsulat ng blog.upang maging mabisa ang pagsulat ng
blog,mainam na dapat magkaroon ng ugnayan ang nilalaman ng
talata.Karaniwang nilalaman ng isang blog ang:
• Karanasan •hilig •pananaw
• Saloobin •opinyon
Galaing sa dalawang salita ang blog,ang “web”at “log”.Noong
1990s,tinatawag itong weblog,na pinaikpi sa salitang “blog”.Tumutukoy ito sa
isang website na maituturing naman sa isang blog dahil sa tema at sa mga
nilalaman nito.Maaring maglaman ang blog ng mga salita,litrato,video,link o
kung ano man ang naisin ng blogger,ang tawag sa tao o grupong
nagpapatakbo ng isang blog
Mga uri ng blog
1. Fashion Blog- Ito ang masasabing pinakasikat na uri ng
blog.Ito ay may kinalaman sa mga damit,make-
up,sapatos ,accessories,o kung ano man ang bago o
nauuso sa mundo ng fashion.
2. Personal Blog-Kahit anong paksa ay maaaring ilagay sa
blog na ito.Madalas laman nito ang
nararamdaman,saloibin pananaw,opinyon,o karanasan sa
isang tiyak na paksa o pangyayari buhat sa pansariling
pagtingin.
3.News Blog-ito ay nagbabahagi ng mga bagong salita sa mga mambabasaa.Naglalaman ang blog ng reaksiyon sa
isang tiyak na balita.sa pamamagitan nito nagihing responsableng mamamayan ang gumawa ng blog.hinihikayat
mismo ng mundo ng midya na maging bahagi ang mamamayan sa mga ganitong gawain bilang katangian ng
responsible at participatory journalism.
4.Humor Blog-Naglalayong mapatawa ang mga mambabasa.Kadalasan ay halaw ito sa mga karanasan ng isang
gumagawa ng blog.Ngunit mah mga pagkakataon din na kasabay ng pagtawa kasabay ng pagsusuri sa mga isying
panlipunan.
5.Photo blog-Mula sa mga litrato hanggang sa mga typographies.naging malaking parte naa ng buhay ng kabataan
ang mga photo blog.maiuugmay rito ang selfie at groupie na kinuha mula sa paglalakbay ,pamamasyal,ljbangan,at iba
pa,
6.Food blog-Ang layunin nito ay magbahagi ng recipes at paraan ng pagluluto ng mga pagkain,bukod sa paraan ng
pagluluto makikita rin ang presentasyon ng paglain,nutrisyong makukuha,presyo ng pagkain,at iba pang
impormasyon.Minsan bukod sa pagkain,anyo rin ito upang hikayatin ang madla na tangkilikin ang isang restawran o
kainan.
7.Video Blog-Ito ay naglalaman ng mga video mula sa bloggers.
8.Educational Blog-Nakatutulong ito upang maging maljnaw ang mga aralin sa paaralan na hindi masyadong
maintindihan ng mga mag aaral.masusing hinihimay ng blogger ang proseso upang madaling maunawaan ang
komplikadong paksa o aralin.
9.Review Blog-Ito ay blog na maaring nagrebyu ng pelikula,musika,libro,gadget,at iba pa.Layunin nitong ibahagi ang
mga maganda at di magandang napansjn sa naturang palabas o produkto kadalasan ginagamit din ito bilang bagong
paraan ng adbertisement ng ibang kompanya.
10.Travel Blog-Ito ay blog na nagpapakita ng ibat ibang lugar na napuntahan na ng blogger.Hinihikayat nito ang mga
mambabasa na bisitahin ang mga natirang lugar at subukan ang mga aktibidad ma ginawa ng blogger.Madalas din
magbigay ang mga blogher ng tips kung paano makakatipid sa bawat biyahe.

You might also like