You are on page 1of 15

Batayang Kaalaman sa

Mapanuring Pagbasa
Aralin 1
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO
SA PANANALIKSIK
Crizel Sicat-De Laza
May-akda
Layunin ng Talakayan
• Matukoy ang kahalagahan at kahulugan ng
pagbasa
• Makilala ang pagkakaiba ng intensibo at
ekstensibong Pagbasa
• Malaman ang kahulugan at gamit ng
scanning at skimming sa pagbasa
• Matukoy ang antas ng pagbasa
Daloy ng Talakayan
•Kahalagahan at Kahulugan ng Pagbasa
•Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
•Scanning at Skimming sa Pagbasa
•Antas ng Pagbasa
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa

“Huwag kang magbasa, gaya


ng mga bata, upang libangin
ang sarili, o gaya ng mga
matatayog ang pangarap,
upang matuto. Magbasa ka
upang mabuhay.”
Gustave Flaubert
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Anderson et al. (1985), sa aklat na
Becoming a Nation of Readers, ang pagbasa ay isang
proseso ng pagbuo ng kahulugan mula sa mga
nakasulat na teksto. Ito ay isang kompleks na kasanayan
na nangangailangan ng koordinasyon ng iba’t iba at
magkakaugnay na pinagmumulan ng impormasyon
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
Ayon kina Wixson et al. (1987) sa artikulong “New Directions in
Statewide Reading Assessment” ang pagbasa ay isang proseso ng
pagbuo ng kahulugan sa pamamagitan ng interaksiyon ng:
1) imbak o umiiral nang kaalaman ng mambabasa;
2) impormasyong ibinibigay ng tekstong binabasa; at
3) konteksto ng kalagayan o sitwasyon sa pagbabasa.
Kahulugan at Kahalagahan ng Pagbasa
• Ang pagbasa ay isang kompleks na kognitibong proseso ng
pagtuklas sa kahulugan ng bawat simbolo upang makakuha at
makabuo ng kahulugan.
Intensibo at Ekstensibong Pagbasa
Intensibo Ekstensibo
• Kinapapalooban ng malalimang • Ayon kina Long at Richards (1987),
pagsusuri sa pagkakaugnay-ugnay, nagaganap ang ekstensibong pagbabasa
estruktura, at uri ng diskurso sa loob kapag ang isang mambabasa ay
ng teksto, pagtukoy sa mahahalagang nagbabasa ng maramihang babasahin na
bokabularyong ginamit ng ayon sa kaniyang interes, mga
manunulat, at paulit-ulit at maingat babasahing kadalasang hindi kahingian sa
loob ng klase o itinatakda sa anomang
na paghahanap ng kahulugan. asignatura.
• Sa ganitong uri ng pagbasa, • Kadalasan, ang layunin ng mambabasa sa
nakatutulong ang pagbabalangkas o ganitong uri ng pagbasa ay upang
paggawa ng larawang konseptuwal makuha lamang ang “gist” o pinaka-
upang lubos na maunawaan ng mag- esensya at kahulugan ng binasa na hindi
aaral ang isang teksto. pinagtutuunan ng pansin ang mga
salitang malabo o hindi alam ang
kahulugan.
Scanning at Skimming sa Pagbasa
Scanning Skimming
• Mabilisang pagbasa ng isang teksto na ang • Mabilisang pagbasa na ang layunin ay
pokus ay hanapin ang ispesipikong alamin ang kahulugan ng kabuuang
impormasyon na itinatakda bago bumasa. teksto, kung paano inorganisa ang
Kinapapalooban ito ng bilis at talas ng mata
sa paghahanap hanggang sa makita ng mga ideya o kabuuang diskurso ng
mambabasa ang tiyak na kinakailangang teksto at kung ano ang pananaw at
impormasyon. layunin ng manunulat.
• Kung ang kahingian ay alalahanin ang • Mas kompleks ang skimming kaysa
pangalan, petsa, simbolo, larawan, o tiyak na scanning dahil nangangailangan ito
sipi na makatutulong sa iyo, scanning ang
angkop na paraan ng pagbasa na dapat ng mabilisang paraan ng organisasyon
gamitin. Ibig sabihin, may paunang pag-alam at pag-alaala sa panig ng mambabasa
o pagkaunawa na sa hinahanap na upang maunawaan ang kabuuang
impormasyon at ang layunin ay matiyak ang teksto at hindi lamang upang
katumpakan nito na makikita sa mga libro o matagpuan ang isang tiyak na
iba pang sanggunian.
impormasyon sa loob nito.
•Mortimer Adler at Charles Van Doren (1973) sa
aklat na How to Read a Book ang apat na antas
ng pagbasa.
•Primaryang antas ( Elementary)
•Mapagsiyasat (Inspectional)
•Analitikal (Analytical)
•Sintopikal (Sintopical)
Antas ng Pagbasa
Primarya • Ito ang pinakamababang antas ng pagbasa at
pantulong upang makamit ang literasi sa
pagbasa. Kinapapalooban lamang ng
pagtukoy sa tiyak na datos at ispesipikong
Mapagsiyasat impormasyon gaya ng petsa, setting, lugar, o
mga tauhan sa isang teksto.
• Itinuturing na magkakahiwalay ang mga
impormasyong ito, na mahirap para sa
Analitikal bagong mambabasa upang makabuo ng
kabuuang hinuha at pag-unawa sa teksto.
• Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na
impormasyon sa literal na antas at hindi
Sintopikal nakabubuo ng interpretasyon mula sa
pagkakaugnay-ugnay ng mga nito
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito, nauunawaan na ng mambabasa
ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng mga
hinuha o impresyon tungkol dito.
• Sa pamamagitan nito, nakapagbibigay ng
Mapagsiyasat mabilisan ngunit makabuluhang paunang rebyu
sa isang teksto ang mambabasa upang matukoy
kung kakailanganin niya ito at kung maaari itong
basahin nang mas malaliman.
Analitikal • Paimbabaw ang katangian ng pagbasang ito
sapagkat halos panlabas na bahagi lamang ng
teksto ang tinitingnan. Hindi ito pinagiisipan nang
malalim para magbigay ng interpretasyon o
Sintopikal pinag-uukulan ng pansin ang ilang bahaging hindi
maunawaan sa teksto.
Antas ng Pagbasa
Primarya • Sa antas na ito ng pagbasa, ginagamit ang
mapanuri o kritikal na pag-iisip upang
malalimang maunawan ang kahulugan ng
Mapagsiyasat teksto at ang layunin o pananaw ng
manunulat.
• Bahagi ng antas na ito ang pagtatasa sa
katumpakan, kaangkupan, at kung
Analitikal katotohanan o opinyon ang nilalaman ng
teksto.
• Malalim at mapanuri na ang antas na ito,
Sintopikal ngunit hindi rito nagtatapos ang layunin ng
pagbasa.
Antas ng Pagbasa
• Sa sintopikal na pagbasa, nakabubuo ng sariling
Primarya perspektiba o pananaw sa isang tiyak na larangan mula
sa paghahambing ng mga akdang inunawa.
• Ito ay hindi lamang pag-unawa sa mga nariyan nang mga
eksperto sa isang larangan o disiplina, kundi ang pagbuo
Mapagsiyasat ng sariling sistema ng kaalaman at pag-unawa mula sa
pagbasa sa mga ekspertong ito. Ang mga aklat na binasa
mo ay mga kasangkapan lamang upang maunawaan mo
Analitikal ang mga kaalaman na naipundar na ng mga naunang
iskolar.
• Sa pamamagitan ng sistematikong paraan, pinaghahalo
Sintopikal ang mga impormasyon mula sa aklat at ang mga sariling
karanasan at kaalaman upang makabuo ng ugnayan at
bagong mga pananaw at kaalaman. Ibig sabihin, sa antas
na ito ng pagbasa, itinuturing mo na rin ang sarili bilang
isa sa mga eksperto ng iyong binasa.
Limang Hakbang tungo sa sintopikal na pagbasa
1. Pagsisiyasat
2. Asimilasyon
3. Mga tanong
4. Mga Isyu
5. Kumbersasyon

You might also like