You are on page 1of 19

Ang tema ngayong linggo ay tungkol pa rin sa mga

paniniwala at tradisyon. Naalala pa ba ninyo ang


matandang paniniwala?

Mag-isip kayo ng halimbawa ng matandang


paniniwala.
Maaari ninyong gamitin ang panimulang ito:

Isang matandang paniniwala na alam ko ay


_____________________.
Ano naman ang tradisyon? Mag-isip ng halimbawa
ng isang tradisyon. Maaari ninyong gamitin ang
panimulang ito:

Isang tradisyon na alam ko ay _________________.


Basahin ang mga sumusunod:

pinanggalingan peligro masagana


pinanggalingan
Sabi ni Rizal, ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi
makararating sa paroroonan. Kaya’t tinanong ko ang nanay ko kung
saan at ano ang pinanggalingan ng aming pamilya. Sabi niya, ang
pamilya raw namin ay mula sa angkan ng mga magsasaka at ang
pinakamatandang ninuno na nalalaman niya ay ipinanganak at
namuhay sa bayan ng Apalit sa Pampanga. Kung gayon, ang pamilya ng
magsasaka na mula Pampanga ang pinanggalingan ko.
Ano ang mga salita na nagpapahiwatig ng kahulugan ng pinaggalingan?
Ano ang salitang-ugat ng salitang pinanggalingan?
Ano pa ang ibang salita sa salitang “galing”?
Kung gayon, alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng
pinanggalingan?

A. Pinagmulan
B. Pinaglimutan
C. Pinag-kaisahan
peligro
Pinagbabawalan ng prinsipal na maglaro ang mga mag-aaral sa tabi ng
ilog para makaiwas sa peligro. Ayaw niyang malagay sa panganib ang
mga bata, dahil baka may mahulog sa ilog at malunod.
Salitang hiram mula sa Kastila ang salitang peligro. Narinig na ba ninyo
ang salitang ito? Ano ang peligrong nabanggit tungkol sa ilog?
Ano ang kahulugan ng peligro?
A. Hiwaga
B. Panganib
C. Kapangyarihan
masagana
Binisita ng magsasakang si Mang Juan ang kaniyang bukid. Tuwang-
tuwa siya kasi maraming bunga ang tanim niyang mga kalabasa, patola,
sitaw, at ampalaya. “Siguradong masagana ang ani ngayong taon,” sabi
niya. “At magiging masagana rin ang buhay ng pamilya ko.”
Ano ang salita ang inilalarawan ng pang-uri na masagana?
Alin sa sumusunod ang kasingkahulugan ng masagana?
a. Matabang – mataba
b. Maraming – marami
c. Mahabang – mahaba
Noong isang linggo, binasa ko sa inyo ang kuwento ni Maria Makiling.
Ngayon, aalamin ko kung ano-ano ang naaalala ninyo tungkol sa
kaniya? K – W – L Chart
K W L
Ang alam ko tungkol kay Ang gusto kong malaman Ang natutuhan ko tungkol
Maria Makiling tungkol sa kaniya kay Maria sa kuwento
(What I Know) (What I Want to Know) (What I Learned)
Ano-ano ang natutuhan ninyo tungkol kay Maria?
Pag-usapan ninyo ng inyong katabi.
Tatawag ako maya-maya ng magsusulat ng inyong
sagot dito sa ikatlong hanay ng K – W – L Chart.
Pag-isipan natin ang kuwento ni Maria. Maaaring ang
ibang bahagi ay totoo o talagang nangyari, samantalang
ang iba naman ay maaaring kathang-isip lamang.
Ano ang ibig sabihin ng kathang – isip?
Kathang-isip – ginawa o nilikha lang
ng sumulat.
Mula lamang ito sa kaniyang isip o
imahinasyon at hindi ito tunay na
naganap.
Basahin ang mga sumusunod na pangungusap
tungkol kay Maria. Sabihin kung alin ang totoong
nangyari at alin ang kathang – isip lamang:
1. Alam ng maraming tao sa Pilipinas ang kuwento
tungkol kay Maria Makiling.
2. Nagalit at pinarusahan ni Maria
ang mga nanligaw sa kanya.
3. Nag-asawa ng iba ang manliligaw na mangangaso
ni Maria.
4. May bersiyon ng kuwento tungkol kay Maria
Makiling na isinalaysay ni Jose Rizal.
5. Nalungkot si Maria nang hindi siya pinakasalan
ng mga nanligaw sa kaniya.
Idugtong sa pangungusap ang sanhi o dahilan ng
sumusunod na pangyayari:
Hindi natuloy ang pag-iibigan nina Maria at ng
mangangaso dahil _______________.
Hindi natuloy ang pag-iibigan nina
Maria at ng magsasaka dahil _____.
Kunwari kayo ang manunulat. Gusto ninyong sumulat ng
ibang bersiyon ng pag-ibig ni Maria Makiling. Isulat ito at
pag-uusapan natin bukas. Maaaring punan ang mga
pangungusap sa ibaba:
Niligawan si Maria ng isang_________.
Masayang-masaya sila at nagplanong magpakasal.
Ngunit, _________________________.
____________________ si Maria.

You might also like