You are on page 1of 21

PANITIKANG

POPULAR
Ang Panitikang Popular ay may malaking kaugnayan sa
kulturang popular na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng
mga bagong kasangkapan, imahe, diwa, at iba pang kaugnay na
paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang kakaiba sa
dating nakagisnan ng mga Pilipino.

Ayon sa Encyclopedia, ang paghahatid ng mga impormasyon sa


mamamayan sa pamamagitan ng radyo at telebisyon ay
maituturing na broadcast media. Mula noon hanggang sa
kasalukuyan, hindi maitatangging malaki ang papel na
ginagampanan nito sa lipunang ating ginagalawan.
Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin –
Levy, Koordineytor, ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng
oportunidad sa kabataan na maipahayag ang kanilang mga
opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu,
o sa isang isyung kanilang napilingtalakayan at pagtuunan
ng pansin.

Ang pagbibigayopinyon ayon kay Levy ay makatutulong


nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang
hakbang upang makagawa ng isang mahusay at epektibong
komentaryong panradyo ay ang pagkakaroon ng malawak
na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad
ng opinyon o pananaw.
Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito
ang inyong pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel
Magpantay at Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.
Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!
Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang
Freedom of Information Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI
ay Freedom Of Income eh malamang nagkukumahog pa ang
mga politiko na ipasa iyan kahit pa nakapikit!
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‘yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh
bibigyan ng kalayaan ang publiko na makita at masuri ang mga
opisyal na transaksiyon ng mga ahensya ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‘yan! Eh di magdiriwang na ang
mga tsismosa at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon
na naman yan! Demanda dito, demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi
ba’t dapat naman talaga na walang itinatago ‘yang mga politikong ‘yan
dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging “threat” daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan. Masasabi
mo bang malaki ang naging bahagi ng kasalukuyang anyo ng radyo
bilang midyum ng pagpapalaganap ng panitikang
popular? Ipaliwanag.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging
mas maingat sila sa pagdedesisyon at matatakot ang mga corrupt na
opisyal.
Macky: Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon
Representative LorenzoTañada III, ‘pag hindi pa naipasa ang FOI bago
mag- Pasko eh mukhang tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!
Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay
at Maricar Francia
* Magsaliksik ng mga impormasyon
*Huwag kalimutang banggitin ang mga
personalidad na binanggit sa
mga detalye upang ipakita ang
kredibilidad ng iyong isinulat
*Magkaroon ng malinaw na pagpapasiya
sa paksa
Isa pang mahalagang midyum sa larangan
ng broadcast media at hindi maikakailang
bahagi ng buhay ng bawat Pilipino ang
telebisyon.

Naging bahagi at sinasabing kasama nga sa


daily routine ng mga Pilipino ang panonood
ng mga palabas sa telebisyon simula sa
paggising sa umaga sa mga morning show
hanggang sa oras na bago matulog sa mga
prime time na mga panoorin kabilang na
ang mga teledrama, balita at mga
dokumentaryong pantelebisyon.
 Saglit mang nahinto ang pamamayagpag ng telebisyon
noong panahon ng Batas Militar, sumibol naman ang
mas matapang na anyo ng balita at talakayan sa mas
makabuluhang gampanin ng telebisyon sa
mamamayan. Unti-unting ipinakilala ang telebisyon
bilang midyum sa paghahatid ng mahahalagang
kaganapan sa bawat sulok ng bansa sa pamamagitan
ng dokumentaryong pantelebisyon.
 CheChe Lazaro,
 Abner Mercado,
 Jessica Soho,
 Howie Severino,
 Sandra Aguinaldo,
 Jay Taruc
 Kara David
 atbp
Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon
ay maituturing ding isang uri ng sining na nagsisilbing
libangan at gumigising sa isip at damdamin ng isang
tao. Ito’y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang
panlipunan, pang-espirituwal, pangkultura,
pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang
nilalang. Ang mga kaisipan, ugali, kabuluhan at
pananaw ng isang nilikha ay maaaring
maimpluwensiyahan ng pinanonood na mga programa
sa telebisyon.
Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na
naglalayong maghatid ng komprehensibo at
estratehikong proyekto na sumasalamin sa
katotohanan ng buhay at tumatalakay sa kultura at
pamumuhay sa isang lipunan.
1. PAGHAHANDA PARA SA PANAYAM
*Magpaalam sa taong gustong kapanayamin
*Kilalanin ang taong kakapanayamin
2. PAKIKIPANAYAM
*Maging magalang
*Magtanong nang maayos.
*Itanong ang lahat ng ibig malalam kaugnay ng paksa.
*Makinig nang mabuti sa sagot ng kinakapanayam.
Teknik sa Pakikipanayam
Tagumpay sa Pakikipanayam

3. PAGKATAPOS NG PANAYAM
*Magpasalamat.
*Iulat nang maayos ang nakuhang impormasyon sa
panayam
Pagkatapos ng Panayam
UANAN, IAN PAUL
RUEDAS, NATHANIEL
RAMOS, JOHN CLEMEN

You might also like