Professional Documents
Culture Documents
Filipino Lecture
Filipino Lecture
Pasara p t k ?
b d g
Pailong m n ŋ
Pasutsot s h
Pagilid l
Pakatal r
Malapatinig y w
Mga Diptonggo
HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS iw, iy uy
GITNA ey oy
MABABA aw, ay
Klaster – kambal-katinig na magkasama sa isang
pantig sa salita.
-ang katinig na maaaring maging pangalawang
katinig ay ang s, l, r, w at y. Samantala ang
katinig na t ay maaari lamang na maging
unang katinig kapag kasama ng katinig na s .
Hal:
tseke tsip tsapa tsamba
tsinelas tsamporado tsaa tsaleko
tsampyon
DIIN O STRESS- Ang karaniwang
inilalagay sa taas ng patinig ay
maaring mabilis, malumi,malumanay
o maragsa. Ang pahilis (´ ) na guhit ay
para sa mabilis, ang paiwa( `) at ang
pakupya(^) ay para sa maragsa.
ANTALA O JUNCTURE
Ito ay tinatawag na din na antala(juncture). Ang
saglit na pagtigil sa pagbigkas ng salita ay
nangangahulugan lamang ng pagbibigay ng
ibayong kalinawan sa mensaheng ipinahahatid sa
kausap.Ang sandaling pagtigil sa pagitan ng
dalawang magkaibang kahulugan.
Halimbawa:
• Hindi siya.( walang pagsubali na hindi siya)
• Hindi,siya.( may ibang itinutoro maliban sa siya)
3. Ponemang Segmental – ang tawag sa
mga makabuluhang tunog na
inirerepresenta ng simbolo at mga
titik na maaaring katinig o patinig at
nagsisilbing gabay sa pagbigkas.
Ponemang katinig at ponemang patinig.
Mga Ponemang Segmental
1. Mga Pares Minimal – pares ng salita na
magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad
sa bigkas maliban sa isang ponema sa
magkatulad na pusisyon
Hal: salita – balita mesa - misa
wala – dala oso – uso
iba – isa butas - botas
pito – pato
2. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan
- magkakaibang ponemang matatagpuan sa
magkatulad na kaligiran ngunit hindi
nagbabago sa kahulugan ng mga salita
Hal: marumi – madumi
doon – duon dami -rami
nuon – noon tutoo - totoo
lalaki -lalake
MORPOLOHIYA
- ang tawag sa pag-aaral ng mga morpema (bawat
yunit ng mabubuong salita mula sa mga makabuluhang
tunog,
Tumutukoy sa makaagham na pag-aaral ng mga
makabuluhang yunit ng isang salita o morpema. Ang
Morpema ay maaring isang ponema. Halimbawa nito ay
ang /o/ at /a/ na sa ating wika ay maaring mangahulugan
ng kasarian.(maestra-maestro)
Ang ikalawang uri ng morpema ay ang mga salitang-
ugat. Mga payak itong salita dahil walang panlapi.
Halimbawa: mata, tuwa, bato
Ang morpema ay maaring ring 1) may kahulugang
leksikal 2) pangkayarian. Leksikal ang kahulugan ng isang
morpema kung ang isang salita ay pangnilalaman.
Hal. matataas
magtataho
pupunta
6. Pagsusudlong – ang pagbabago kapag
may pagdaragdag ng isa pang hulapi sa
salita gayong mayroon na.
Hal:
alala + han + in = alalahanin
antabay + an + an = antabayanan
totoo + han + in = totohanin
7. Maypungos – ang pagbabago kung
may pagbawas ng unlapi sa salita
Hal:
ipatayo ay nagiging patayo
magpabunot ay nagiging pabunot
8. Pag-aangkop – ang tawag sa pagbabagong
may pag-iisa ng dalawang salita, may
pagkakaltas ding kasama.
Hal:
wika + mo = kamo
sabi + nila = anila
tingnan + mo = tamo
tayo + na = tena
9. Reduksyon: teka = hintay + ka
SINTAKS
- Ito ay ang makaagham na pag-aaral at
pagsusuri ng mga pangungusap.
a. Karaniwang Ayos – nagsisimula sa panaguri
at nagtatapos sa simuno.
Hal: Nagsinungaling si Janet Napoles.
b. Di-Karaniwang Ayos – nagsisimula sa simuno
at nagtatapos sa panaguri.
Hal: Si Janet Napoles ay nagsinungaling.
Pangungusap
- isang salita/mga sambitla (sambit
lamang) o lipon ng mga salita na may
buong diwa, ito ay binubuo ng
bahaging predikatibo (panaguri) at
paksa (dating simuno).
1. Pamanahon (penomenal at temporal )
Hal. Kahapon pa, Maaga pa,
2. Pautos
Hal. Urong! Takbo! Alis!
3. Panawag
Hal. Kuya! Tsong!Juan!
4. Pagtawag
Hal. Tena! Halina! Halika!
5. Pormulasyong panlipunan
Hal. Paumanhin! Paalam! Magandang umaga!
6. Panagot
Hal. Oo. Maaari. Marahil.
7. Eksistensyal
Hal. May bukas pa. Wala na. Mayroon ba.
8. Modal
Hal. Nais niya . Gusto ko. Ibig niya.
9. Panlunan
Hal. Sa Roxas. Nasa Capiz Nasa
Kusina
10. Ka-pandiwa
Hal. Kababalik lang.
Kaaayos lang.
Kaakyat lang.
Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
Halimbawa:
Tayo ay pinagkukunan ng yaman kaya dapat
tayong bigyan ng pagkakataong mapaunlad
ang sarili.
4.Langkapan- binubuo ito ng tambalan at
hugnayang pangungusap.
Halimbawa
An gating mga kakayahan ay mahalaga at ito
ay kailangan sa pag-unlad ng bansa kaya
dapay nating linangin ang mga angking
kakayahan.
1. Nag-aral nang mabuti at nagbasa ng maraming
aklat ang mag-aaral at kaniyang kaibigan.
2. Nag-aral nang mabuti ang mag-aaral; nagbasa ng
maraming aklat ang kanyang kaibigan.
3. Kinilala ng marami ang kahusayan ni Pacquiao
habang pinapurihan namn si Efren Penaflorida.
4. Ang pangulong nagtatalumpati ay pinakinggang
mabuti ng taumbayan.
5. Sinasabi ko na hawak natin ang kinabukasan at
makakamit natin ang kaunlaran.
Mga Bahagi ng Pananalita sa Filipino
A. Pangngalan
a. Pambalana tumutukoy sa pangkalahatan o
karaniwang pangalan ng tao, hayop at bagay at
isinusulat sa maikling titik ang unang letra ng salita.
Hal: bansa, presidente, bayani
2. Pantangi – nagsasaad ng tanging pangalan ng tao,
hayop at bagay at isinusulat sa malaking titik ang
unang letra ng salita.
Hal: Pilipinas, Mar Roxas, Bryan Maderse
B. Panghalip – mga salita na humahalili o
pumapalit sa mga pangngalan.
Hal: ako, ikaw, siya
C. Pang-uri – mga salitang naglalarawan ng
pangngalan o panghalip
1. Panlarawan – anyo, laki, lasa, amoy at hugis
2. Pamilang – dami o bilang
3. Pantangi – anyong pangngalang pantangi.
4. Paari – salitang paari na tumuturing sa
pangangalan.
Kayarian ng Pang-uri
1. Payak – binubuo ito ng salitang-ugat lamang.
Hal: sapat, tangi, dakila
2. Maylapi – binubuo ito ng salitang-ugat at panlapi.
Hal: masipag, matiyaga, masarap
3. Inuulit – pag-uulit ng salitang-ugat o sa pang-uring
maylapi.
Hal: baliw na baliw, magandang maganda, kaakit-akit
4. Tambalan – binubuo ng dalawang magkaibang salita
Hal: isip-bata, balat-sibuyas, hampaslupa
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay – nagbibigay ng simple o payak na
paglalarawan sa isang pangngalan o panghalip.
Hal: Ang prinsesa ay maganda.
2. Pahambing – naghahambing ng katangian ng
dalawang pangngalan panghalip. Ginagamit ito ng
mas, lalo, di hamak, lubha, kaysa at iba pa.
Hal: Ang prinsesa ay mas maganda kaysa sa reyna.
3. Pasukdol – ngabibigay ng sukdulang paglalarawan o
katangiang nakahihigit sa lahat. Ginagamitan ito ng
pinaka, napaka, hari ng, ubob ng, saksakan ng,
lubos na at iba pa.
D. Pandiwa – mga salita na nagsasaad
ng kilos o galaw.
Hal: kain, inom, lipad
Pokus ng Pandiwa
Ang tawag sa relasyong pansemantika ng
pandiwa sa paksa ng pangungusap ay pokus.
Ang pandiwa ay may iba’t ibang pokus ayon sa
kung ani ang kaganapan ng pandiwa sa
posisyong pamaksa ng pangungusap.
- relasyon ng pandiwa sa paksa ng
pangungusap
1.Pokus sa Tagaganap o Aktor- ang paksa ng
pangungusap ang tagaganap ng kilos na
isinasad sa pandiwa. Ito ay nasa banghay na –um,
mag-, mang-.
Hal.
1. Ang mga ninuno ay nagpapalaganap ng mga
katutubo.
2. Nagpakita ng kahusayan sa gawain ang mga
kinatawan ng bawat paaralan
3. Natuwa ang mga magulang sa kahusayang
ipinamalas ng anak.
2.Pokus sa layon o Gol-tuwirang layon/direct
object at nasa banghay na –in.
Hal.
1. Ang sungkaan ay pinunasan niya.
2. Binigkas niya ang talumpati.
3. Binigay ng binata ang rosas sa kanyang
nililigawan
4.Pokus sa Tagatanggap o Benepaktib-di-
tuwirang layon/indirect object at nasa
banghay i- at ipag-
Hal.
1. Ipinagdasal niya ang mga manlalaro sa
Olympics.
2. Ipaghahanda ng ibang pagkain ang
mga kinatawan ng workshop.
5. Pokus sa Ganapan o Lokatib-ang paksa
ay lugar o ganapan ng kilos.
Hal. Pinagdausan ng pulong ang
bulawagan.
6. Pokus sa Gamit O Instrumental-
ginagamit ang paksa sa pagsasagawa ng
kilos. Ito ay nasa banghay na ipang-, ipina-
Hal. 1. Ipinanghalo niya ang sandok.
7.Pokus sa Sanhi o Kawsatib- ang paksa ay
nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. Ito
ay nasa banghay na ikina-, ika-.
Hal.
1. Ang pagkakaisa nila ay ikinatuwa ng guro.
2. Ikinabigla ng lahat ang pagpanaw ng kalihim
ng samahan.
8. Pokus-Resiprokal – kapwa paksa ang
gumaganap at tumatanggap ng kilos at
nasa banghay na mag-, -an.
Hal.:
Nagtanungan ang magkatunggali sa
pagtatalo.
Nagpasalamatan ang magkamag-aral
E. Pang-abay – mga salitang naglalarawan
ng pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.
Hal: Nagdasal nang mataimtim si Honesto.
F. Pang-ukol – bahagi ng pananalitang nag-
uugnay sa pangngalan, panghalip,
pandiwa at pang-abay na pinag-uukulan
ng kilos, gawa,
ari, balak o layon.
Hal: laban sa, para sa, tungkol sa
Diptonggo – pinagsamang
tunog ng isang patinig
(a,e,i,o,u)) at isang
malapatinig (w,y).
Klaster/kambal katinig –
magkasunod na tunog
katinig, karaniwang salitang
hirm ang may ganitong
tunog.
Mga Uri ng Pandiwang Di-
Karaniwan
Maykaltas
Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa
salita.
Kunin (kuhanin), damhin (damahin),
bathin (bati-hin)
Maylipat
Ito ay may titik na nag-iiba ng lunan sa loob ng
salita.
Maypalit
Ito ay kapag mayroong isa o dalawang titik na
napalitan ng iba.
Hagkan (halikan), datnan (datingan), tawanan
(tawahan)
Maykutad
Ito ay may ponemang napapalitan ng iba.
Sarhi (sarhan), buksi (buksan) , dalhi (dalhan)
Metatesis – kapag ang salitang ugat na
nagsisimula sa /i/ o /y/ ay nilalagyan
ng gitlaping in-, ang /i/ at /n/ ay
nagkakapalitan ng posisyon (nilipad)
(pagkakaltas + paglipat) hal. mangtahi
= mananahi
mambato = mamato
Asimilasyon – pagbabagong nagaganap
sa unang posisyon
pinal dahil sa impluwensya ng
ponemang kasunod nito.
Hal: pang+bansa = pambansa
Pantali = panali
Pamasko = pampasko
pagpapalit - ano+ano = anu+ano
Paglilipat – y+ in + akap = yinakap = niyakap
Pagkakaltas – bili + han = bilihan = bilhan
Pagdaragdag – paala+han = paalahan + an =
paalahanan
Pag-aangkop – hintay + ka = teka
SILABIKASYON
PKK – eks – tra
KPKK – is - kawt
KKPK – trak
KKPKK – mag – drayb
KPKKK – a – nawns - ment
Ang wika ay kasangkapan sa
komunikasyon at katulad
ng iba pang kasangkapan,
kailangan patuloy itong
ginagsmit.
Kapag binibigkas ang mga
titik na /p/. /b/, /m/ ay
ginagamit ang labi
upang magkaroon ng
tunog.
• Ponolohiya – patern o kumbinasyon ng mga
tunog sa loob ng isang wika.
• Morpolohiya – maagam na pag-aaral ng mga
makabuluhang yunit ng isang salita o
morpema at may kinalaman sa pagbuo ng
salita
• Ponema – pinakamaliit na yunit ng ponolohiya
(21)
Maykaltas
Ito ay kapag may titik o pantig na kulang sa
salita.
Kunin (kuhanin), damhin (damahin),
bathin (bati-hin)
Lope K. Santos – ang
gumawa ng ABAKADA
bilang alpabetong Pilipino
batay sa tagalog lamang.
Ang pormal na salita ay mga
salitang tanggap at gamitin
sa mga paaralan at
pamahalaan bilang wika ng
komunikasyon.
• Payak – ay isang ganap na sugnay
sapgkat ito’y binubuo ng isang
malayang sugnay na maaaring may
isang simuno at isang panaguri, isang
simuno at dalawang panaguri o
dalawang simuno at dalawang
panaguri.
Uri ng mga pangungusap
Ayon sa pangugusap na walang paksa
Halimbawa:
1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede
bang walisan mo naman 'yan?
2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may
bibisita bukas.
3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng
mga tuyong dahon.
(Wawalisan, Wawalisin) ko ang mga
duming naroon.
(Wawalisin, Wawalisan) ko rin ang
bakuran.
Aking (wawalisin, wawalisan) ang mga
papel at tuyong dahon upang maging
malinis ito sa kanyang paningin.
KAPAG at KUNG
KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng
isang kalagayan; ipinakikilala ng kapag ang isang
kalagayang tiyak.
Halimbawa:
Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi
niya sa probinsiya.
1. Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
2. Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng
kotse.
KIBO at IMIK
KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy
ng kibo; pangungusap ang tinutukoy
ng imik.
Hal.
1. Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
2. Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.
3. Hindi lamang sa tao nagagamit
ang kibo.
HABANG at SAMANTALANG
Nagtago si Periko
Nakalitaw ang ulo.
Nagsisira lamang
Akin pang minamahal.