• Ang sabi ni Simoun ang suliranin sa lawang hindi
matino ay napakadali aniya, gumawa ng tuwid
na kanal na mag - uugnay sa lawa ng laguna at sa look ng maynila
• Labis na nagulat ang mga kausap ni simoun sa
kanyang mga tinuturan, subalit patuloy na nakikinig ang mga tao sa kanyang mga mungkahi. Lalo pang namangha ang mga kausap ni simoun nang imungkahi niya na huwag bayaran ang mga mangagawa at mas makabubuti ng ang mga bilanggo at mga bihag ang gagawa ng trabaho . • Ipinagpatuloy pa niya ang na kung mamarapatin, maging mga matatanda at mga bata ay pagtatrabahuhin din. Hayaan daw na magdala ng kanya kanyang pagkain at kagamitan ang mga manggagawa.
• Bagkasagutan sila ni Don Custodio at ng ilang
pari. Ayon sa ibang sakay siguradong mag aalsa ang mga tao kung ganito ang mangyayari. Napunta ang mainit na usapan sa usapin sa mga pato na inaalagaan sa pateros at pasig at naging punto ng pag - uusap ang kinakain ng mga ito Mga tulong sa pag-aaral • Ang ibabaw ng bapor ay para sa matataas na uri ng tao karaniway kastila • Ang noli ay natapos sa buwan ng disyembre at ang el fili ay dito nagsimula. Ngunit ang disyembre sa noli at sa el fili ay may 13 taong nakapagitan • Si Don Custodio ay tanungan at tagapayo ng mga taong pamahalaan . Si Ben Zayb (Ibanez) ay isang mamamahayag Kaugaliang Pilipino • Pagbibigay halaga sa mga dayuhan Sakit sa Lipunan • Sa pagkakaroon ng ng dalawang lugar ng mga tao sa kubyerta. Ang mga makapangyarihan sa itaas at indiyo, intsik at iba pa sa ibaba, ipinapakita nito ang kalagayan ng pamahalaan kung saan mas binibigyang halaga ang mga kastila, mayayaman at prayle . • Ang pagpapalaganap ng pamahalaan ng kalinisan nito ay sinisimbolo ng puting pintura ngunit mayroong mga karumihan at karahasan sa likuran nito. Ang mabagal na pagunlad dalang kahinaan ng pamahalaan .