You are on page 1of 22

Aralin 11:

Pagtulong ng may
Pag-iingat at
Paggalang
Masaya ang isang pamilya kung
nakikipagtulungan ang bawat
kasapi nito. Lalong nagiging
masaya kung ang pagtutulungan
ay naisasagawa nang may pag-
iingat at paggalang.
Sa tahanan o sa paaralan, may mga pagkakataon na tayo
ay maaaring makatulong sa ating kapuwa. Ang
pagtulong ay mahalaga dahil ito ay nakapagpapagaan sa
mga gawain at damdamin ng ating kapuwa, lalong lalo
na sa kasapi ng mag-anak. Tandaan lamang
Kung ikaw ang estudyante,
gagawin mo ba ang pagtulong na
ginawa niya? Paano mo gagawing
maingat at magalang ang iyong
pagtulong.
Isayos ang mga titik sa bawat
bilang upang mabuo ang salita na
inilalarawan ng parirala
1.g a p g a t i n i – pagkilos nang maayos at
marahan pag-iingat
2.l a g a n g p a g – pagbibigay respeto
paggalang
3.g o l n p a g u t – pag- alalay pagtulong
4.l o n g s a g – bagong panganak sanggol
5.k i t s a y a m – may karamdaman
maysakit
Ang Kuwento ni Lolo Jose
Si Lolo Jose ay 80 taong gulang
na mag-isang namumuhay sa
isang maliit na kubo.

Umaasa lamang siya sa kaniyang


buwanang pensiyon para mabuhay.
Katabi niya ang bahay ng mag-anak ni
Aling Cynthia at Mang Ramon na
mayroong dalawang anak na lalaki, si
Marlon sampung taong gulang na nasa
ikalimang baitang at si Manny, pitong
taong gulang na nasa ikalawang baitang
Bago pumasok sa paaralan ang dalawang
mag-aaral ay dumadaan muna sa bahay ni
Lolo Jose para magmano at magpaalam na
sila ay papasok na sa paaralan.
.Ang mag-asawang Aling Cythia at Mang
Ramon naman ay dumadaan din sa bahay
ni Lolo Jose bago pumasok sa opisina.
Ikinagagalak ito ng matanda dahil
nararamdaman niya na may pamilya siya
kahit mag-isa lang siyang namumuhay.
Sa mga araw na walang pasok ang mag-
anak, sinisikap nilang isama si Lolo Jose sa
kanilang tahanan upang hindi ito
mangulila.
Maingat at magalang na nakikipag-usap at
nakikipag-ugnayan ang mag-anak kay
Lolo Jose sa pamamagitan ng paggamit
ng po at opo kapag sila ay nakikipag-usap,
at nagpapalitan ng kuro-kuro.
Maingat at magalang din na
ipinagpapaalam ng mag-anak kung
mayroon silang nais na gawin sa loob ng
tahanan ni Lolo Jose, tulad ng pagtulong nila sa
paglilinis at pag-aayos ng kaniyang tahanan.
Malugod din nilang ipinagpapaalam kung
mayroon silang nais na idaragdag na personal
at pantahanan niyang mga kagamitan.
Sa mga araw na walang pasok ang mag-
anak, sinisikap nilang isama si Lolo Jose sa
kanilang tahanan upang hindi ito
mangulila.
Maingat at magalang na nakikipag-usap at
nakikipag-ugnayan ang mag-anak kay
Sa mga araw na walang pasok ang mag-
anak, sinisikap nilang isama si Lolo Jose sa
kanilang tahanan upang hindi ito
mangulila.
Maingat at magalang na nakikipag-usap at
nakikipag-ugnayan ang mag-anak kay
Ang ginagawang pagtulong ng mag-anak
ni Mang Ramon at Aling Cynthia kay Lolo
Jose ay nakatawag pansin sa mga tao sa
kanilang pamayanan. Kung kaya’t
nagawaran ng pagkilala bilang Huwarang
Pamilya ng Barangay ang mag-anak.
A. Sagutin nang tahimik ang mga
sumusunod:

1.Anu-ano ang ginagawang pagtulong ng


mag-anak ni Mang Ramon kay Lolo Jose?

2.Anu-ano ang magagandang katangian ng


Mag-anak?
Sagot:
1.Ang mag-anak ni Mang Ramon at Aling
Cynthia ay tumutulong kay Lolo Jose sa
pamamagitan ng paglilinis ng bahay, pag-
aayos sa kaniyang mga kagamitan,
pagbibigay ng iba pang kagamitan, at
pagbibigay ng kanilang oras o panahon
kapag ang mag-anak ay walang pasok.
2.Ilan sa magagandang katangian ng mag-
anak ay pagiging magalang, matulungin,
mabait, maunawain, at mapagbigay.
B. Makilahok sa Gawain:

Bibigyan ng tiglilimang cartolina strips at pentel pen ang


bawat pangkat.
Batay sa maikling kuwento ni Lolo Jose, sagutin ang
tanong na: Paano naisagawa ang pagtulong ng mag-anak
ni Mang Ramon kay Lolo Jose nang may pag-iingat at
paggalang?
Ipaskel sa pisara o sa dingding ang sagot ng pangkat at
iulat sa klase sa loob ng tatlong minuto.
Pagkatapos ng inyong gawain, ilagay o ilipat sa wheel
map ang pinakatamang sagot.
Mga Paraan ng pagtulong
nang may pag-iingat at
paggalang
Upang maging mapayapa at maunlad ang
pamumuhay ng mag-anak kailangang
gampanan ng bawat isa ang nakatakdang
gawain nang may pag-iingat at paggalang.
Sipiin ang mga pangungusap sa kuwaderno.
Lagyan ng tsek ang patlang bago ang bilang kung
ang ginagawang pagtulong ay may pag-iingat at
paggalang:
____ 1. Masayang ginagampanan ang nakaatang
na tungkulin sa pamilya.
____ 2. Umaalis sa bahay nang tahimik at
walang paalam, kapag inuutusan.
____ 3. Magiliw na nakikipagtulungan sa mga
kapatid kapag naglilinis ng bahay.
____ 4. May kusang nagpupunas ng mga
kagamitan sa bahay sa mga araw na walang
_____5. Malugod na sinasamahan ang
Nanay sa pamamalengke.
____ 6. Ipinagpapaalam sa Tatay ang mga
bagay na nais gawin sa loob ng tahanan.
____ 7. Magalang na nakikiraan sa mga
nag-uusap sa tahanan habang
nagwawalis.
____ 8. Umaawit habang maingat na
pinupunasan ang mga sofa sa bahay.
9. Nag-aalaga sa nakababatang kapatid
nang tahimik.
____ 10. Magiliw na pinanonood ang mga
kasapi ng mag-anak habang
ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Sipiin sa kuwaderno at sagutan ang mga tanong.
1.Ang nakababata mong kapatid ay nangangailangan
ng iyong tulong sa paggawa ng kaniyang takdang-
aralin o proyekto sa paaralan. Ano ang gagawin mo?
2.Naglalaro ka at bigla kang tinawag ng nanay mo
upang tulungan siya maglinis ng bahay. Ano ang
gagawin mo?

You might also like