You are on page 1of 175

WIKA – AY KASANGKAPAN NG TAO SA

PAKIKIPAGTALASTASAN.

ITO AY SIMBOLO NA BUMUBUO SA ISANG


SISTEMA UPANG MAAYOS NA
MAISAKATUPARAN NG TAO ANG
PAGHAHATID NG ANUMANG MENSAHE.

WIKA ANG NAGSISILBING SUSI NG BAWAT


TAO UPANG MAGKAUNAWAAN.
Kaalaman sa Pagbuo ng wika
Sistema – wika, anyo,
pangungusap – sintaktik na
kaayusan
Tunog – tunog pangwika
Arbitraryo, tao,
pakikipagtalastasan.
KATANGIAN NG WIKA
ANG WIKA AY ISANG SISTEMA
ANG WIKA AY BINUBUO NG MGA TUNOG
ANG WIKA AY ARBITRARYO
ANG WIKA AY PANTAO
ANG WIKA AY PAKIKIPAGTALASTASAN
ANG WIKA AY BUHAY
ANG WIKA AY NAGLALARAWAN NG KULTURA
NG BANSA
ANG WIKA AY NAGLALANTAD NG SALOOBIN
NG TAO.
Kakayahang Linggwistika
o linguistic competence-
kakayahang makabuo ng
mga pahayag o pangungusap
na may wastong kayariang
pambalarila
Kakayahang Komunikatibo-
communicative competence-
kakayahang maunawaan at
magamit ang mga pangungusap
na may wastong pambalarilang
kayarian sa angkop na
panlipunang kapalagiran ayon sa
hinihingi ng sitwasyon
SALIGANG BATAS NG 1935 – ( SEKSYON 3,
ARTIKULO XIV ) – ANG KONGRESO AY GAGAWA
NG HAKBANG TUNGO SA PAGPAPATIBAY AT
PAGPAPAUNLAD NG ISANG WIKANG PAMBANSA
NA IBABATAY SA ISA SA MGA UMIIRAL NA
KATUTUBONG WIKA SA KAPULUAN.

PAGBUO NG SURIAN NG WIKANG PAMBANSA


NOBYEMBRE 13, 1936 – NANG PAGTIBAYIN ANG
BATAS KOMONWELT BLG 184 NA NAGTATAG
SA TANGGAPAN NG SURIAN NG WIKANG
PAMBANSA NA MAGKAROON NG
KAPANGYARIHAN GUMAWA NG PAG – AARAL
SA LAHAT NG MGA SALITANG SINASALITA SA
KAPULUAN.
SA NGAYON ANG TANGGAPAN AY KILALA NA
SA TAWAG NA KOMISYON SA WIKANG
FILIPINO.
HUMIRANG ANG PANGULONG MANUEL L.
QUEZON NG PITONG PALAARAL NA MGA
PILIPINO NA SIYANG KAUNA UNAHANG
BUMUO SA PAMUNUAN NG SURIAN NG
WIKANG PAMBANSA.
SILA ANG GUMAWA NG PAG - ARAL SA MGA
UMIIRAL NA KATUTUBONG WIKAIN SA BUONG
KAPULUAN.
MULA SA KALALABASAN NG PAG – AARAL AY
PIPILIIN ANG MAGIGING WIKANG PAMBANSA
NG PILIPINAS.
1. JAIME C. DE VEYRA ( BISAYANG SAMAR )
TAGAPANGULO
2. CECILIO LOPEZ ( TAGALOG ) KALIHIM AT
PUNONG TAGAPAGPAGANAP
3. SANTIAGO A. FONACIER ( ILOKANO ) KAGAWAD
4. FELIMON SOTTO ( BISAYANG CEBU ) KAGAWAD
5. FELIX S. SALAS RODRIGUEZ KAGAWAD
6. CASIMIRO F. PERFECTO ( BIKOLANO ) KAGAWAD
7. HADJI BUTU ( MUSLIM ) KAGAWAD
DISYEMBRE 30, 1937 – AY LUMABAS ANG ISANG
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 134 NA
NAGSASABING TAGALOG ANG BATAYAN NG
WIKANG PAMBANSA NG PILIPINAS.
NAGKABISA ANG NASABING KAUUTUSAN
PAGKATAPOS NG DALAWANG TAON – DISYEMBRE
30, 1939.
ABRIL 1, 1940 – SA PAMAMAGITAN NG ISANG
KAUTUSAN TAGAPAGPAGANAP BLG. 263
PAGPAPALIMBAG NG MGA DIKSYONARYONG
TAGALOG INGLES AT NG BALARILA NG WIKANG
PAMBANSA PARA MAGAMIT SA PAARALAN.
KAUTUSAN PANGKAGAWARAN - IPINALABAS NI
KALIHIM PAGTUTURO PAMBAYAN, JORGE
BOCOBO, SINIMULANG ITURO ANG WIKANG
PAMBANSA SA MGA PAARALANG PUBLIKO AT
PRIBADO NOONG HUNYO 19, 1940.
UNANG ITINURO ITO SA MAG – AARAL NA NASA
IKAAPAT NA TAON NG MATAAS NA PAARALAN.
AT NASA IKALAWANG TAON NG PAARALANG
NORMAL BILANG PAGTUGON SA SIRKULAR BLG.
26 NA NILAGDAAN NG DIREKTOR NG EDUKASYON,
CELEDONIO SALVADOR.
1940 – LUMABAS ANG BULITIN BLG .26 NA NAG –
UUTOS NA ANG LAHAT NG MGA PAHAYAGANG
PAMPAARALAN AY DAPAT MAGKAKAROON NG
PITAK SA WIKANG PAMBANSA.
HULYO 4, 1946 – SA PAMAMAGITAN NG BATAS
KOMONWELT BLG. 570 AY INIHAYAG NA AN G
WIKANG PAMBANSA AY ISA NG WIKANG OPISYAL
SA PILIPINAS.
MARSO 26, 1954 – NILAGDAAN NI PANAGULONG
RAMON MAGSAYSAY ANG PROKLAMASYON BLG.
12 NA NAGING DAAN SA PAGDIRIWANG NG LINGGO
NG WIKA NOONG MARSO 29 – ABRIL 4, 1954
NANG SUMUNOD NA TAON SETYEMBRE 23,
1955 - AY SINUSUGAN NG PROKLAMASYON
BLG. 12
LUMABAS ANG PROKLAMASYON BLG. 186 –
NA NAGLILIPAT SA PAGDIRIWANG NG LINGGO
NG WIKA SA AGOSTO 13 – 19 BILANG
PAGPUPUGAY SA AMA NG WIKANG PAMBANSA
NA SI MANULE L. QUEZON.
PEBRERO 1956 – NANG REVISAHIN ANG SALIN
SA FILIPINO NG PANATANG MAKABAYAN AT
IPAGAMIT ITO SA MGA PAARALAN.
1956 – NI REVISA RIN ANG BERSIYON SA FILIPINO
NG PAMBANSANG AWIT SA PANGUNGUNA NG
NOON AY KALIHIM NG EDUKASYON, GREGORIO
HERNANDEZ, JR.
LUMABAS NOON ANG SIRKULAR 21 – NA NOON AY
DIREKTOR NG MGA PAARALANG BAYAN, ANG
PAGTUTURO AT PAG – AWIT NG PAMBANSANG
AWIT SA MGA PAARALAN.
1959 – IPINHAYAG NG KALIHIM NG PEDUKASYON,
JOSE E. ROMERO SA PAMAMAGITAN NG
KAUTUSAN PANGKAGAWARAN BLG. 7 NA ANG
WIKANG PAMBANSA AY TATAWAGING PILIPINO
NOBYEMBRE 1962 - KAUTUSANG
PNGKAGAWARAN INIUTOS NG KAGAWARAN NG
EDUKASYON ANG PAGSASA – PILIPINO NG MGA
SERTIPIKO AT DIPLOMA NG MGA PAARALAN.
SA IBABA NG MGA SALITANG PILIPINO AY ANG
SALIN NG MGA SALITA SA INGLES.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 96 –
NILAGDAAN NG DATING PANGULO FERDINAND E.
MARCOS NOONG 1967 ISINALIN SA PILIPINO ANG
MGA PANGALAN NG MGA GUSALI.
BILANG SUSOG SA HAKBANGIN NG
PANGULONG MARCOS – SI KALIHIM RAFAEL
SALAS AY NAGPALABAS NG ISANG
MEMORANDUM SIRKULAR NOONG 1968, NA
PATI LAHAT NG TANGGAPAN NG PAMAHALAN
AY AY DAPAT NAKASULAT SA PILIPINO ANG
MGA LETTERHEADS NA MAY KALAKIP NA
TEKSTO RIN SA INGLES.
KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 187 – SA
LAHAT NG KAGAWARAN NA GAMITIN OPISYAL
ANG PILIPNO SA PAKIKIPAG TRANSAKSYON.
MEMO SIRKULAR BLG. 227 ANG NOON AY KALIHIM
NA SI ERNESTO MACEDY NAG – UUTOS NA ANG
MGA PINUNO AT KAWANI AY DUMALO SA MGA
SEMINAR KAUGNAY SA KAUTUSANG
TAGAPAGPAGANP BLG. 187.
ANG WIKANG PAMBANSA AY NAGING WIKANG
PANTURO SA ANTAS ELEMENTARYA SA BISA NG
RESOLUSYON BLG. 70 NA LUMABAS NOONG 1970.
 PEBRERO 25, 1970 - IPINATUPAD ANG PAGGAMIT
NG PILIPINO SA MGA ASIGNATURANG RIZAL,
KASAYSAYAN NG PILIPINAS, PAMAHALAAN
1970 – IMINUNGKAGHI NG DIREKTOR NG
PAARALAN BAYAN SA PAMAMAGITAN NG
MEMORANDUM ANG PAGGAMIT NG SALIN SA
PILIPINO NG MGA SALITA SA PAGMAMARKA SA
MGA MAG – AARAL.
MAYO 1973 - NANG TANGGAPIN NG KALIHIM NG
KATARUNGAN VICENTE ABAD SANTOS HINGGIL
SA PAGIGING OPISYAL NG PILIPINO BILANG
WIKANG PAMBANSA SA BAGONG
KONSTITUSYON.GAYUNDIN ANG PAGIGING
ASIGNATURA NG PAG – AARAL AT MIDYUM NG
PAGTUTURO SA LAHAT NG ANTAS NG PAG –
AARAL.
RESOLUSYON BLG. 73 – 7 – NG PAMBANSANG
LUPON SA EDUKASYON NA NAGSASABING ANG
INGLES AT PILIPNO AY ISAMA SA KURIKULUM
MULA UNA BAITANG NG MABABANG PAARALAN
HANGGANG KOLEHIYO. PRIBADO AT PUBLIKO.
DITO INILUWAL ANG PATAKARANG
BILINGGWAL SA EDUKASYONG PILIPINO.
1974 – 1975 – SUNOD – SUNOD NA SEMINAR
UKOL SA BILINGGWALISMO. NG PAMBANSANG
SAMAHAN NG LINGGWISTIKANG PILIPINO AT
SURIAN NG WIKANG PAMBANSA.
OKTUBRE 10, 1975 – NANG MAGPALABAS ANG
SURIAN NG WIKANG PAMBANSA NG ISANG
AKLAT NA MAY PAMAGAT NA “ MGA
KATAWAGAN SA EDUKASYONG BILINGGWAL.”
LAYUNIN NITO NA ANG MABILIS NA
PAGPAPALAGANAP NG B SIYANG
BILINGGWALISMO.
1978 – LUMABAS ANG KAUTUSANG PANG
MINISTRI NG KAGAWARAN NG EDUKASYON NA
SIYANG NAG – UUTOS NG PAGKAKAROON NG 6
YUNIT NA FILIPINO SA TERSYARYA AT 12
YUNIT SA MGA KURSONG PANG – EDUKASYON.
1979 – IPINAG – UTOS NG KAGAWARAN NG
EDUKASYON NA ANG MGA MAG – AARAL NA
KUMUKUHA NG MGA KURSONG MEDISINA,
DENTISTA, ABOGASYA, AT PAARALANG
GRADWADO AY MAGKAROON NG PILIPINO SA
KANILANG KURIKULUM.

PATI MGA DAYUHANG MAG – AARAL AY


PINAKUHA RIN NG PILIPINO BILANG
ASIGNATURA.
 AGOSTO 1980 - ANG PAGGAMIT NG
PILIPINO SA MGA OPISYAL NA
KOMUNIKASYON AY SINIMULAN SA
KAGAWARAN NG EDUKASYON AT KULTURA
SA PANAHON NG PANUNUNGKULAN NI
MINISTER ONOFRE D. CORPUZ.

SALIGANG BATAS NG 1987 ( ARTIKULO


XIV, SEKS. 6 AT 7 ) – NA ANG WIKANG
PAMBANSA AY TATAWAGING FILIPINO.
PONOLOHIYA – Makaagham na pag –
aaral ng tunog
Ponema / Ponemang segmental –
tumutukoy sa wastong bigkas ng
tunog
Ponemang Patinig – makikita sa
posisyon ng dila sa harap, sentral, at
likod.
PUNTO AT PARAAN NG ARTIKULASYON
NG MGA PONEMANG KATINIG
1. Panlabi – p, b, m.
2. Panggipin – ang dulo ng dila ay dumidikit sa
loob ng ngiping nasa itaas - Hal: t, d, n.
3. Panggilagid – Ang ibabaw ng punong dila ay
lumalapit sa punong gilagid – Hal: s, l, r.
4. Pangngalangala – ang ibabaw ng punong
dila ay dumidikit sa velum o malambot na
bahagi ng ngalangala Hal : k,g,n.
5. Glottal – impit na tunog.
Artikulasyon – ipinaliliwanag kung paano
gumagana ang paraan ng pagsasalita.
Pasara - / p, t, k, ?, b, d, g /
Pailong - / m, n, ng /
Pasutsot - / s, h /
Pagilid - / l /
Pakatal - / r /
Malapatinig / w, y /
Alibata – Ipinagpapalagay na
kauna – unahang alpabeto
binubuo ng 17 titik
3 patinig at 14 na katinig

Alpabetong Tagalog – 5
patinig at 15 katinig
Modernisasyon ng Alpabetong
Wikang Pambansa
Oktubre 4, 1971 – Ang 20 titik ay
naging 31
Ortograpiyang Pilipino –
Memorandum ng DECS Blg. 194
1976 – c, ch, f, j, ll, q, rr, v,x, at z.
1987 – Alpabeto at Patnubay sa
Pagbaybay
Naging 28 na letra na lang ang dating 31
na alpabeto.
2001 – binagong pagbaybay
F,J,V,Z – ponemikong katangian na hindi
nagbabago kapag binigkas
C, N, Q, X – kumakatawan sa higit sa
isang tunog kapag binigkas.
MORPOLOHIYA – maka –
agham na pag –aaral ng
pangkat sa pagbuo ng
mga salita sa
pamamagitan ng ibat –
ibang morpema.
MORPEMA – pinakamaliit na
yunit ng isang salita na may
kahulugan
2 uri ng Mopema
1. Morpemang may kahulugang
leksikal
2. Morpemang pangkayarian
POKUS NG PANDIWA
Ay tumutukoy sa
kaugnayan ng
pandiwa sa paksa ng
pangungusap
PAGPAPAHABA GAMIT ANG
KUMPLEMENTO
a. Tagaganap – ng
b. Tagatangngap – para sa, para kay, para kina.
c. Ganapan – panandang sa,
d. Kumplementong sanhi – dahil sa, kay.
e. Layon – ng
f. Kagamitan o instrumento – sa pamamagitan
ng
g. Pagtatambal – pangatnig na at, ngunit,
datapwat, subalit.
Pokus sa tagaganap o aktor
Nasa pokus sa tagaganap o
aktor ang pandiwa kapag ang
paksa ng pangungusap ang
tagaganap o nagsasagawa ng
kilos na isinasaad ng pandiwa.
Ang mga panlaping karaniwang
ginagamit ay mag - , um -, mang
-, maka -, makapag - , at mag - .
HALIMBAWA
Nagsulat ng tula si
Perla
Ang bata ay
umiinom ng gatas
POKUS NG LAYON
Nasa Pokus sa layon ang
pandiwa kung ang paksa
ng pangungusap ay ang
layon ng pandiwa. Ang
mga panlaping ginagamit
ay i -, an - , ma, ipa - , at in.
HALIMBAWA
Ipadadala ko na kay lorna ang
relong binili ko.
Inilapat na ang parusa sa may sala.

Ang layon ng pandiwa na naging


paksa ng pangungusap sa mga
ibinigay na halimbawa ay relo at
pusa.
POKUS RESIPROKAL
Nasa pokus resiprokal ang
pandiwa kung ang paksa ng
pangungusap ay siyang
tagaganap at tagatanggap
ng kilos. Ginagamitan ito
ng panlaping mag -, at mag
– an.
HALIMBAWA
Muling nagsumbatan ang
magkaibigan.

Dalawang kilos ang ipinapakita


rito na pawang tagaganap at
tagatanggap na ang paksa ng
pangungusap ang gumaganap sa
kilos ng pandiwa.
POKUS SA GANAPAN
Nasa pokus na ganapan ang
pandiwa kung ang paksa ay ang
lugar na pinangyarihan ng kilos na
isinasaad ng pandiwa.

Ang panlaping ginagamit ay an -,


pag -, mapag, at pang – an/han.
HALIMBAWA
Pinaglutuan ni Nena
ng bigas ang kawayan.

Nilagyan ni Rosa ang


pasimano ng bintana ng
mga paso.
POKUS SA SANHI
Nasa pokus sa sanhi o
kadahilanan ang pandiwa
kung ang paksa ng
pangungusap ay ang
sanhi/dahilan. Ito ay
ginagamitan ng panlaping
ika -
HALIMBAWA
Ikaliligaya ko
ang pagtira sa
bahay.
magkapareho ang
kahulugan
Halimbawa-
payak _________________
magbili- _______________
magkatulad- ____________
mabilis- _______________
Antonim- mga salitang
magkasalungat ang kahulugan.
Mataas- _____________________
maliwanag- __________________
masaya- _____________________
tahimik- _____________________
maganda- ____________________
Polisemi- mga salitang may dalawa o
higit pang kahulugan na magka-ugnay

Mataas ang marka ng anak ko


sa Ingles.
Nag-iwan ng marka ang
kanyang kagat sa braso ng bata.
Mga Bahagi ng Pangungusap
1. Subjek - simuno o paksa- bahaging pinag-uusapan sa
loob ng pangungusap
2. Predikeyt- panaguri- bahaging tungkol sa subjek.


Napakahusay umawit ni
Hal.

Sarah
Ayos ng Pangungusap
Karaniwan o Natural na ayos ng
pangungusap kapag nauuna ang
predikeyt o panaguri sa sabjek o paksa.
Di karaniwan o kabaligtaran naman
ang ayos ng pangungusap kapag
nauuna ang sabjek sa predikeyt o
panaguri
Halimbawa: Ang bahay ay maganda
 Maganda ang bahay.
The house is beautiful.
Ang bahay ay maganda.

Maganda ang bahay.


Beautiful is the house.

* Wasto ang instruktura ng


Filipino subalit nagkakaproblema
sa Ingles.
Apat na Kayarian ng Pangungusap
Payak o simple- kung ito ay
nagpapahayag ng iisang diwa o
kaisipan.
Hal. Si Julie ay magaling umawit.
 Ang pangulong Arroyo kasama ang
mga kongresista ay nagpulong sa
Malacanang.
 Ang mga Pilipino ay masisipag.
a. May payak na paksa at payak na
panaguri

Halimbawa : Hinahanap ko ang bahay


ni Atty. Santos.

Pinsan ko po siya.
b. May tambalang paksa at payak na
panaguri.

Hal : nagsusulat ng komposisyon ang


guro at ang mga mag –aaral.
c. May payak na paksa at
tambalang panaguri

Halimbawa : Ang mga bata ay


nagsasayaw at umaawit.
d. May tambalang panaguri at
tambalang paksa.
Halimbawa : Namimili ng
paninda sa ibang bansa at
nagbebenta sa Pilipinas sina
Aling Nena at Menchie.
Tambalang pangngungusap – ay
binubuo ng magkatimbang na payak na
pangngungusap. Dapat magkaugnay ito
at nagkakaisa ang kahulugan.
Ang pangungusap ay pinagdurugtong ng
alin mang pangatnig : at, o, pero, ngunit,
subalit, datapuwat, at maaari ring
bantasan ng semi – kolon ( ; )
Hugnayang pangungusap – Binubuo
naman ito ng dalawang sugnay ang isa
ay nakakapagisa at ang isa ay hindi.

Gumagamit ng mga pangatnig na : dahil,


kung, kapag, nang, sapagkat, upang, at
iba pa.

You might also like