You are on page 1of 38

Mga Hakbang sa

pagpili at pagbuo ng
Paksa sa Pananaliksik
1. Alamin ang interes . Tukuyin kung
anong paksa ang tumatawag sa iyong
pansin.
2. Gawing partikular o ispesipiko ang
paksang napili. Iwasan ang malawak
na paksa.
3. Iangkop ang paksang napili ayon sa
panahon o time frame na inilaan
upang matapos ang pananaliksik.
4. Suriin kung ang paksang napili ay
napapanahon.
5. Tukuyin kung may makakalap na sapat na
datos at sanggunian upang ,maisagawa
ang pananaliksik.
URI NG
PANANALIKSIK
Pangunahing Pananaliksik
( Basic Research)
Umiikot ito sa mausisang pagtatanong ng
mga mananaliksik tungkol sa isang posibleng
ideya, penomenon na mahirap ipaliwanag,
suliraning nararanasan sa lipunan, pagkatao,
at kalikasan; at iba pang maaaring masagot o
di kaya’y mauunawaan lamang kapag natapos
na ang pananaliksik.
Halimbawa :
1. Ano ang “black hole?” Paano nito
maipapaliwanag ang simula g
kalawakan?
2. Bakit mas malulusog at mas
magaganda ang henerasyon ng mga
bata sa ngayon?
3. Ano ang dahilan ng makauring
tunggalian sa lipunan?
Praktikal na Pananaliksik
(Applied Research)
Umiikot ito sa hangaring matugunan at
masolusyunan ang isang praktikal na suliranin
sa lipunan. Isinasagawa ito dahil sa direkta
nitong kapakinabangan.
Halimbawa:
1. Paano mas matututo ang kabataan sa loob ng
bahay?
2. Ano ang paraan ng pagpapataas ng ani ng
palay ngayong tag-init?
3. Ano-ano ang mga hakbang upang higit na
matugunan ang sakuna sa syudad?
Pananaliksik Batay sa
Proseso
DESCRIPTIVE
Pananaliksik na nakatutok sa pagpapakita ng
pangyayari o nangyari: kung paano, kailan at
bakit nagsimula. Inuusisa nito ang pinagmulan o
kasaysayan ng isang bagay o penomenon sa
pamamagitan ng masusi at mabusising
pangangalap ng datos o impormasyon.
Inilalarawan nito nang buo ang kwento, diskurso,
o penomenon ayon sa pananaw at karanasan ng
impormante o kalahok sa pananaliksik.
HALIMBAWA:
1. “Ang Paglaganap ng Emo-Fashion sa
Kolehiyo”
2. “Ang Korean Pop at ang Pagtangkilik nito g
mga Kabataan”
3. “Ang Paglala ng Krimen sa Lungsod ng
Maynila”
EXPLORATORY
Pananaliksik na nagtatangkang usisain ang
nangyayaring penomenon. Kasalukuyan ang
lunan at panahon ng pananaliksik na ito.
Nakikilahok ang mananaliksik upang sa
kanyang direktang karanasan at pag-aaral,
maunawaan niya ang paksa ng kanyang
pananaliksik. Ang descriptive na pananaliksik
ay maaaring maging daan ng exploratory at
vice-versa.
HALIMBAWA
1. “ Ang Pagkamaluho ng Kabataan sa
Teknolohiya”
2. “Ang Paglala ng Krimen sa Maynila sa
Pananaw ng Kabataan.”
EXPLANATORY
Layunin ng pananaliksik na ito na
ipaliwanag ang sanhi at bunga o mga varyabol
na sangkot sa pagsusuri ng penomenon. Hindi
lamang ito simpleng paglalahad ng datos
kundi pagpapaliwanag o pagsusuri sa
penomenong pinag-aralan.
HALIMBAWA
1. “Ang Epekto ng Cramming sa Ugali, Pag-iisip,
at Kalusugan ng mga Estudyante.”
2. “Ang Relasyon ng Kakayahang Bumili at ang
Pagtaas ng Sahod ng Empleyado.”
EXPERIMENTAL
Sa istriktong depinisyon, ang
pananaliksik na ito ay ginagamit ng mga
siyentista upang kontrolin o manipulahin ang
isa o maraming varyabol at maipaliwanag ang
kahihinatnan, sanhi-bunga, o penomenon
batay sa mga salik o varyabol na nakalatag sa
disenyo ng pananaliksik.
HALIMBAWA:
1. “Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkatuto ng
Bata ng Kanyang Unang Wika.”
2. “Ang Puyat at iba pang Sanhi ng Stress ng
Kabataan sa Gabi.”
EVALUATIVE
Pananaliksik ito na ginagawa upang matukoy
kung ang isang pananaliksik, proyekto,
programa o polisiya ay naging epektibo o
matagumpay sa pagsasakatuparan nito.
Tinatawag din itong impact study lalo na kung
ang pananaliksik ay may direktang pakinabang
sa mamamayan. Nakasalalay sa resulta ng
ganitong pananaliksik kung itutuloy pa o hindi
na ang isang proyekto o programa.
HALIMBAWA:
1. “Ebalwasyon ng Pagkatuto sa Unang Wika sa
Carmona Elementary School”
2. “Ebalwasyon sa Proyektong Ronda sa Gabi
upang Pigilan ang Krimen sa Barangay San
Rafael”
Pangkatang Gawain
• Magtala ng ilang suliranin na nais ninyong pag-
aralan.

• Pumili ng isa mula sa naitala at ipaliwanag


kung bakit iyon ang inyong napili.
MGA BAHAGI NG
PANANALIKSIK
A. Introduksyon sa paglalahad ng tesis

Tatlo ang layunin ng bahaging ito:


a. una, para pukawin kaagad ang atensyon ng
mambabasa;
b. ikalawa, para magbigay ng maikling background
tungkol sa pag-aaral; at
c. huli, para ilatag kaagad ang pangunahing ideya
ng pag-aaral o tesis ng pag-aaral.
Hindi dapat lalagpas sa dalawang pahina ang
introduksyon.
B. Paglalahad ng suliranin
Ito ang mahalagang bahagi ng pananaliksik dahil dito
inilalatag ang mga tanong na sasagutin ng mananaliksik sa
kanyang pag-aaral. May dalawang hati ang bahaging ito:
1. Pangunahing Tanong- gagawing tanong ang inilahad na tesis
ng pag-aaral.
Halimbawa:
Ano ang “pantawang pananaw” ng impersonasyon sa
telebisyon at paano nagiging isiang kritisismo ang tawa o
pagtawa sa mga nangyayaring isyung politikal sa bansa na
kinasasangkutan ng iba’t ibang personalidad/tauhan sa
lipunan?
2. Mga Sekondaryong Tanong – layunin nitong tutukan
ang detalye ng pangunahing tanong sa pamamagitan ng
pagbibigay ng mga susi at tiyak na tanong.
Halimbawa:
1. Ano ang “pantawang pananaw” o ang tawa bilang
kritisismo?
2. Paano nagsimula ang impersonasyon sa bansa?
3. Ano ang iba’t ibang isyu at sino-sino ang mga
personalidad na sangkot dito na pinagtatawanan sa
kritisismong “pantawang pananaw?”
Hakbang sa pagbuo ng suliranin
• Tukuyin ang pangunahing ideya ng pananaliksik o nais
patunayan sa pag-aaral (tesis) at mga layunin ng
pananaliksik.
• Ilista ang mga keywords na matatagpuan sa tesis na
pangungusap at layunin ng pananaliksik.
• Gamit ang mga keywords, bumuo ng 3-5 tanong na
kaugnay ng paksa ng pananaliksik.
• Tiyakin na ang nabuong tanong ay kayang sagutin sa
loob ng time frame na inilaan para sa pagsulat ng
pananaliksik.
Hakbang sa pagbuo ng layunin ng
pananaliksik

Isa lamang ang panuntunan sa paglalahad ng


layunin:

1. Gawing pangungusap na paturol (declarative)


ang suliranin ng pag-aaral na nakasulat sa
pangungusap na patanong.
Halimbawa:
Suliranin ng Pag-aaral Layunin ng Pag-aaral

Ano ang “pantawang pananaw” ng Layunin ng pag-aaral na alamin ang


impersonasyon sa telebisyon at paano at pantawang pananaw ng impersonasyon
paano nagiging isang kritisismo ang tawa sa telebisyon at kung paano nagsisilbing
o pagtawa sa mga pangyayaring isyung kritisismo ang tawa o pagtawa sa mga
politikal sa bansa na kinasasangkutan ng nangyayaring iyung politikal sa bansa na
iba’t ibang personalidad/ tauhan sa kinasasangkutan ng iba’t ibang
lipunan? personalidad /tauhan sa lipunan.
c. Rebyu ng kaugnay na literatura
Ito ay tumatalakay sa mga pag-aaral ng nakaraan
na , kasalukuyan at hinaharap.

Ang pagsulat ng rebyu ng kaugnay na literatura


ay isang masinop, matiyaga, at maingat na
bahagi ng iyong pananaliksik. Dito nasasabi
kung talagang nagsaliksik ang isang
mananaliksik o hindi .
Halimbawa:
Ang mga nabasang literatura na may kaugnayan sa antas ng kasanayan
sa panonood na may komprehensyon ay nagtataglay ng konseptong
kapaki-pakinabang at nakatulong ng malaki sa kasalukuyang pag-aaral
na ito.
Ayon sa Forum ng English Language Arts (2007) ang mga mag-aaral ay
nahaharap sa pananaw, ideya at damdamin sa pamamagitan ng
panonood, pati na rin pakikinig at pagbasa. Sa pamamagitan ng iba’t
ibang format kabilang na ang biswal katulad ng drama at media.
Ang literaturang ito ay mahalaga sa kasalukuyang pag-aaral dahil ito ay
nakapokus sa pagtugon sa komprehensyong kritikal at malikhain. Ito ay
makatutulong sa mga guro ng wika sa pagpapaunlad ng kanilang
estratehiyang maaaring gamitin sa makrong panonood.
d. Saklaw at limitasyon
Ang saklaw ang nagsasabi kung ano lamang
ang tatalakayin sa pananaliksik at binabanggit
naman sa limitasyon ang hindi na saklaw ng
pag-aaral. Lohikal na makukuha ang saklaw ng
pag-aaral sa nilahad na tesis at sa mga
suliraning sasagutin sa pananaliksik.
halimbawa
Natiyak sa pag-aaral na ito ang lebel ng komprehensyon sa panonood
ng dokumentaryong pelikula ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng
Casiguran Technical Vocational School, taong panuruan 2014-2015.
Ang naging respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral na
nasa baitang 8 ng Casiguran Technical Vocational School ng Casiguran
Sorsogon. Natukoy sa pag-aaral na ito kung nasa anong lebel ng
komprehensyon sa panonood ng dokumentaryong pelikula ng mga
mag-aaral sa asignaturang Filipino.
Saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral na nasa baitang 8 na
may asignaturang Filipino, hindi kasama ang iba pang asignatura at
ang mga mag-aaral na nasa baitang 7, baitang 9at ikaapat na taon sa
sekundarya. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang iba pang makrong
kasanayan, ang pagbasa, pagsulat,pakikinig, at pagsasalita
Daloy ng pag-aaral
Kabanata i
Ilalatag dito ang pangunahing paksa at ilang
natatanging problema ng pag-aaral.
Ang Suliranin
Paglalahad ng Suliranin
Kahalagahan ng Pag-aaral
Saklaw at Limitasyon
Katuturan ng Talakay
Kabanata ii
Ilalahad sa kabanatang ito ang mga pag-
aaral na nakalipas na, kasaukuyan at sa
hinaharap. Ilalatag din ang mga datos ng pag-
aaral.
 Kaugnay na Literatura
 Kaugnay na Pag-aaral
 Sintesis ng Pag-aaral
 Gap
 Hipotesis
Kabanata iii (disenyo at
Pamamaraan ng Riserts)
Ilalahad sa kabanatang ito ang mga
pamamaraan sa pangangalap ng datos ang
kung sino ang kanilang mga respondente.
 Disenyo ng Pananaliksik
 Respondent
 Instrumento
 Paraan ng pagsusuri ng Datos
Kabanata iv
Ilalatag dito ang resulta.

Iisa-isahin ang paglalahad ng suliranin at kung


ano ang naging resulta nito.
Panukalang gawain
Kabanata v (paglalagom,
kongklusyon, rekomendasyon)
Sa bahaging ito isinasaad muli ang tesis ng
pag-aaral at ang pangunahin at suportang mga
tanong at ang sagot sa mga tanong.
Sa rekomendasyon inilalagay ang maaari
pang pag-aralan ng iba pang estudyante.

You might also like