You are on page 1of 15

Sanaysay


Group 4 Pen2x:
Macalolot
Almeda
Espinoza
Monsanto
Paredes
Sanaysay

Tinuturing ang Sanaysay bilang isang uri ng
pantikan na hindi mauubusan nggamit. Iba-iba
ang maaring maging porma nito. Maaring
personal, na parangnakikipagusap, o kaya naman
analitikal at siyentipiko. Gumagamit ito
ngpagsasalaysay, paglalarawan o pagpapatawa
upang magpahayag ng katotohan o kayamga
karaniwang karanasan ng tao. Maari itong maikli
o mahaba, at walang hadlang sadami ng mga
maaring isulat bilang isang sanaysay.
Sanaysay

. Iba-iba rin ang maaring paraan ngpagsusulat ayon sa
personalidad ng may-akda.Nagmula ang salitang sanaysay sa
makatang si Alejandro Abadilla, nanangangahulugang " pagsasanay
sa pagsusulat ng isang sanay o nakasulat nakaranasan." Nahahati ito
sa dalawang uri ayon kay Genoveva Edroza Matute:
palagayan / impormal - malikhaung paghahayag ng saloobin mula
sa mgapersonal na karanasan o obserbasyon sa mga bagay sa
paligid.
maanyo / pormal - diskusyon ng mga seryosong paksa batay sa
pagsasaliksik atpag-aaral ng mga impormasyon.Maari ring igrupo
ang sanaysay bilang satirikal, pulitikal, panlipunanpangkasaysayan,
pilosopikal, ispiritwal, inspirasyonal, pampanitikan o patawa, ayon
kay Abadilla. Ngunit madalas na naghahalo ang mga anyong ito.
Kasaysayan ng Sanaysay

Nang nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas,
nagsikap ang mga mananakop,sa tulong ng mga
pari na magsulat ng mga sanaysay ukol sa relihiyon
at wika namaaring ituro sa mga katutubo. Ilan sa
mga ito ay ang Declaracion de los mandamientos de
la ley de dios,isang paliwanag ukol sa Sampung
Utos at ang Arte y reglas de las lengua tagala na
nagsaad ng mga batas sa pagsulat at pagsasalita ng
wikang Tagalog.

Maitututing na unang sanaysay na sinulat ng isang Pilipino
ay ang Librong Pag- Aaralan nang manga Tagalog nang
Unicang Castilani Tomas Pinpin. Dito ay sunod-sunod
nang natuto ang mga tao ng mga prosa, tulad ng
apuntes(memoirs) at informes(accounts). Kahit na
pangpersonal lang ang mga ito kadalasan, mababasa din
dito angilang mga isyu sa pulitika, relihiyon at ekonomiya.
Sa pagsisimula ng Samahang Repormista, nagsimula ang
mga manunulat namagsulat ng mga sanaysay na
naglalabas ng mga pang-aabuso ng mga mananakop, at
humihiling sa mga Pilipino na kumilos laban dito.

Ilan sa mga nakilalang manunulatnoon ay si Fr.
Jose Burgos, Pedro Paterno at Marcelo H. del Pilar.
Si Jose Rizal aynagsulat din ng mga sanaysay na
naging batayan sa kanyang mga
pampubikongpananalita. Sa panahon ding ito
lumabas ang La Solidaridad na naglilimbag ng
mgasanaysay at artikulo ng mga repormista.Nang
nagsimula ang rebolusyon, naiba ang hangarin ng
mga manunulat patungosa pagkakaisa ng mga
Pilipino sa paglaban sa mga Kastila.

Nagsimulang isulat angmga salaysay gamit ang
mga katutubong wika. Una sa mga ito si Andres
Bonifacio, anglider ng Katipunan, tulad ng
kanyang mga akdang Ang Dapat Mabatid ng mga
Tagalog at Katungkulang Gagawin ng mga Anak
ng Bayan. Sila Emilio Jacinto at Apolinario Mabini
ay nagsulat rin ng mga kahalintulad na akda, tulad
ng Liwanag at Dilim at Kartilya ng Katipunan.Sa
pagdating ng mga Amerikano, nauso ang paggamit
ng wikang Ingles bilangwika sa pagsusulat ng mga
sanaysay.

 Madalas itong impormal at sentimental, ngunitang iba'y
nanatili sa pagsusulat tungkol sa kalayaan ng bansa.
Nakilala sina CarlosRomulo, Fernando Marang, Maria
Paz Mendoza Guanzon at Vicente Hilario. Nabuo din sa
panahong ito ang Kapisanang Panitikan na nagnanais
umalis sa mga lumangpamantayan ng pagsusulat ng
panahon. Pagkatapos ng digmaan, marami sa mga
naisulat na sanaysay ay ginagamit sapagsulat ng balita
o artikulo sa dyaryo. Nakilala noong panahon na ito sila
Francisco Icasiano, Nick Joaquin, Kerima Polotan, Gilda
Fernando at Renato Constantino.

 Angmga sanaysay noon ay mailalarawan sa kanilang
kritisismo sa Amerika at angnasyonalismo na laganap
bago ang pagdating ng Martial Law. Sa panahon
ngPangulong Marcos, nasikil ang mga sanaysay na ito
at nauso ang mga satirikongpagsusulat o mga
sanaysay na personal ang tema.Sa modernong
panahon, naging iba-iba na ang tema ng mga
sanaysay nalumabas. May mga nakilala sa mga
sanaysay na pambalitaan, tulad ng kay
BarbaraGonzalez, Ceres Doyo at Jo-Ann Maglipon.

Si Cristina Pantoja-Hidalgo naman aynakilala sa
mga sanaysay ukol sa kanyang mga paglalakbay, at
sina Doreen Fernandez at Edilberto Alegre ay
nagsulat tungkol sa pagkain. Sina Paz Latorena,
N.V.M Gonzalezat Ildefonso Santos ay lumipat sa
pagsulat sa wikang Filipino. Nauso din ang
mgaakdang pang-talambuhay at mga sanaysay ukol
sa mga kuntemporaryong isyu, tulad ng HIV-AIDS.
Elemento ng Sanaysay

Pamagat (Title) - nagsasaad kung ano ang
nilalaman ng sanaysay, atnakakatulong ito sa mga
mambabasa upang makuha ang kanilang atensyon.
Thesis -ito ang masasabing "punto" ng sanaysay;
kung ano ba ang nais naipahayag ng manunulat. Sa
mga sanaysay, hinihingi na dapat maikli
ngunitmalaman ito. Maari itong maglaman ng
argumento upang maging epektibo angsanaysay.
Maari itong makita sa umpisa, gitna o dulo ng
sanaysay.
Elemento ng Sanaysay

Organisasyon - Kung paano ba naka-ayos ang mga
laman ng sanaysay. Sapagsulat nito, dapat na may
magandang pagkakaayos ang laman mula saumpisa
hanggang sa dulo ng sanaysay, at dapat madaling
maiintindihan ngmambabasa kung anong nais mong
sabihin.
Pasimula (Introduksyon) - Unang talata ng sanaysay
na nagpapakilala sa lamannito o mga impormasyong
mahalaga upang maintindihan ang
thesis.
Elemento ng Sanaysay

Katawan (Body) - Mga sumusoportang talata sa
thesis.Naglalaman ito ng mgapunto na nagbibigay-
diin sa mensahe ng sanaysay.

Kongklusyon (Conclusion) - Dito ibinubuod ang


lahat ng laman ng sanaysay.Hindi katulad ng
pasimula kung saan sinasaad ang punto ng
sanaysay, dito naisisaad ng manunulat na tama
ang kanyang mga sinasabi.
Mga Kilalang
Manunulat ng Sanaysay

 Fr. Jose Burgos  Fernando Maramag
 Pedro Paterno  Maria Paz Mendoza
 Jose Rizal Guanzon
 Marcelo H. Del Pilar   Teodoro A. Agoncillo
 Nick Joaquin
 Graciano Lopez - Jaena
 Renato Constantino
  Antonio Luna
 Carmen Guerrero-Nakpil
 Andres Bonifacio
 Kerima Polotan
 Emilio Jacinto  Genoveva Edroza - Matute
 Apolinario Mbaini   Alejandro Abadilla
 Trinidad Pardo de Tavera  Rogelio Sicat
 Teodoro M. Kalaw  Virgilo S. Almario
 Claro M. Recto  Lamberto E. Antonio

END

You might also like