You are on page 1of 16

PAGTUTURO NG

WIKANG
FILIPINO
SA ASIGNATURANG
PILOSOPIYA
PAMAGAT

• Kampeon ng Filipino (Halaw ni Kristine


Ann M. Velasco mula sa talumpating
binigkas ni Prof. Florentino Timbreza sa
Kabayan Gawad Guro 2002).
ASIGNATURA

• PILOSOPIYA
•DR. FLORENTINO
TIMBREZA
• Tinaguriang dalubguro ng pilosopiya sa
Filipino, kasalukuyan siyang full professor,
University Fellow, Chairholder of
Philosophy and Letters at tagapangulo ng
Departamento ng Pilosopiya sa De
La Salle University
NAPATUNAYAN
• Una, kung ang pilosopiya ay nagmumula
sa pagtataka na siyang sinabi nina Plato
at Aristotle, nangangahulugan lamang
na mayroon ding pilosopiyang Pilipino
sapagkat marunong din namang mag-
usisa at magtaka ang mga taumbayan.
• Pangalawa, kung ang pilosopiya ay
lumulutang mula sa karanasang-tao, na
siyang itinuturo ng mga pantas
eksistensiyalista at penomenologo,
nangangahulugan ding mayroong
pilosopiyang Pilipino sapagkat mayroon
din namang karanasang Pilipino na
kasindakila ng karanasan ng ibang mga
tao sa mundo.
• Pangatlo, kung ang pilosopiya ay
nakapaloob sa kultura, na siyang
natuklasan ng mga sosyologo at
antropologo, ay tiyak ngang mayroong
pilosopiyang Pilipino sapagkat mayroon
din namang kulturang Pilipino na
kasingyaman ng kultura ng ibang mga
lahi.
• At pang-apat, kung ang pag-iisip at ang wika
ay magkakabit pagkat ang wika ay siyang
tagadala ng pag-iisip, na siyang iginigiit ng
mga dalubwika, hindi nga maipagkakailang
mayroong kaisipang Filipino sapagkat
mayroon din namang wikang Filipino na
kasingganda ng mga wika ng ibang mga tao sa
daigdig.
• Samakatuwid, hindi na kailangang maging
Pranses o Amerikano, hindi na kailangang
marunong ng Ingles o Aleman upang
mamilosopiya. Sapat na ang maging tao na
may katutubong karanasan, sariling kultura at
sariling wika.
SULIRANIN
• Ayon kay Prof. Timbreza, hindi naging madali
sa kanya ang pagtahak sa pagpapaunlad ng
wika. Inihayag niya ang kanyang pang-
akademikong karanasan tungkol sa lakas-loob
na pagharap at pagtanggap sa apat na hamon at
pagsubok noong dekada '70 at '80.
• Sabi niya, "Palasak noon ang apat na maling pagkukuro,
paghahaka, o mga pala-palagay hinggil sa paggamit ng
Filipino sa pagtuturo, pagsulat, at pananaliksik."
• Patuloy niya " Una, pabayaan munang umunlad ang Filipino bago ito ito gamitin
sa pagtuturo.
• Pangalawa, marami pang kakulangan ang wikang pambansa kung kayat hindi pa
maaring gamiting wikang panturo.
• Pangatlo, marami pang wikang Ingles na walang katumbas sa wikang Filipino.
PAGGAMIT NG WIKANG
FILIPINO
• Ipinagpatuloy niya ang paggamit ng Filipino sa
pananaliksik, pagtuturo at pagsusulat na, aniya,
ay siyang magpapatunay tungkol sa
kayamanan, kalawakan, kalaliman, at sapat na
kakayahan ng sariling wika hindi lamang
bilang wikang panturo sa pamantasan kundi
bilang kasangkapan din sa pagtuklas at
pagpapahayag ng mga kaisipang
pampilosopiya.
MUNGKAHI
• , "Tayo ay mamimilosopiya ng sarili
nating pilosopiya at hindi
ang pilosopiya ng ibang lahi. Sinumang
namimilosopiya sa pamamagitan ng
pilosopiya ng ibang tao ay walang sariling
pilosopiya.
• "Sinumang nasisiyahan na mag-isip sa
pamamagitan ng pag-iisip ng iba ay salat
sa sariling pag-iisip. Bukod pa rito, dapat
nating gamitin ang katutubong wika
habang tayo ay nag-iisip; sapagkat kung
ating gagamitin ang wikang banyaga,
lingid sa ating kaalaman, ay magiging
bilanggo tayo ng mga taong
may-ari ng wikang ating ginagamit."
• Hamon ni Timbreza sa bawat
mamamayang Pilipino:"Ikaw mismo ang
iyong kultura at ang iyong wika naman
ang iyong sariling daigdig. Kaya, habang
pinagyayaman mo ang iyong wika at
kultura ay lalo namang nag-iibayo ang
sarili mong pagkatao."
REFERENCE
• Velasco, K.A. (2007). Kampeon ng
Filipino: Halaw mula sa talumpating
binigkas ni Prof. Florentino Timbreza sa
Kabayan Gawad Guro 2002. Makukuha
sa: http://www.seasite.niu.
edu/Tagalog/New_Intermediate_Tagalog/
Readings/kabayan_articles/kampeon_ng_f
ilipino.htm.

You might also like