Panonood at Pagsusuri TANONG SAGOT 1. Ano ang nangyari? 2. Sino ang kasangkot? 3. Saan nangyari? 4. Kailan nangyari? 5. Paano nangyari? TEKSTONG IMPORMATIBO Ang tekstong impormatibo, na tinatawag ding ekspositori, ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng impormasyon. Ang impormatibo ay naglalahad ng kuwento ng tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari. Halimbawa: Balita, Talatinigan, Encyclopedia, Papel- pananaliksik, balitang panradyo atbp. URI NG BABASAHING IMPORMATIBO PAGBIBIGAY- DEPINISYON 1.DEPINISYON- Pagbibigay kahulugan sa di-pamilyar na termino o mga salitang bago sa pandinig maaaring denotasyon o konotasyon na kahulugan. PAGBIBIGAY- DEPINISYON TATLONG BAHAGI a. Ang termino o salitang binibigyang- kahulugan b.Ang uri, class o specie kung saan kabilang o nauuri ang terminong binibigyang-kahulugan c. Ang mga natatanging katangian PAGHAHAMBING Ipinapakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay, tao, pangyayari o ideya. Gumagamit ng mga panandang samantalang, habang, ngunit, subalit, sa kabila ng, kahit na, sa kabilang banda at iba pa. PAGLILISTA O KLASIPIKASYON Kadalasang nahahati-hati ng isang malaking paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkahalatang kategorya at pagkatapos ay bibigyang-depenisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa ilalim nito. SANHI AT BUNGA Panuto: Basahin ang akdang ibinigay ng guro sa inyo at suriin ito batay sa ibinigay na pormat ng guro.