Aking Lungsod at Rehiyon Ang Ilog Pasig ay isa sa mga anyong-tubig na nag-uugnay sa iba’t ibang lalawigan at rehiyon. Ito ang isa sa pinakamahabang ilog ng bansa na may mahigit na 25 kilometro na binabagtas ang hilaga- kanlurang bahagi mula Look ng Laguna hanggang Look ng Maynila. Ang Ilog Pasig din ang nagsisilbing palatandaan ng ng mga Lungsod ng Makati at Mandaluyong. Sa hilagang- silangan, ang Ilog Pasig ang naging palatandaan ng mga Lungsod ng Mandaluyong at Manila. Ang Ilog Marikina ang pangunahing sanga ng Ilog Pasig ay nagmumula sa kabundukan ng Sierra Madre sa Rodriguez, Rizal hanggang sa silangang-bahagi ng lungsod. Ang Ilog Marikina ay dumadaloy patungong timog- hilaga sa mga lungsod ng Pasig at Pateros. Ang Ilog Tullahan ay matatagpuan sa bahaging Hilaga ng NCR at tinatayang 27.1 kilometro ang haba nito. Ito ay magmumula La Mesa Reservoir sa Lungsod ng Quezon at dumadaloy patungong Malabon at Valenzuela hanggang Look ng Maynila. Ang Look ng Maynila ay isa sa mga pinakamainam na likas na daungan sa mundo na nagsisilbing puerto ng Maynila (sa Luzon), sa Pilipinas. Nasa 19 km ang lawak ng pasukan nito at nasa haba na 48 km. Isang pondohan ang Mariveles, sa lalawigan ng Bataan, na nasa loob ng hilagang pasukan at dating lokasyon ng Cavite Naval Base ang Sangley Point.