You are on page 1of 5

BAGYO

TYPHOON
Ang bagyo o typhoon/storm ay isang
malaking unos, mayroon itong isang
pabilog na marahas at malakas na hangin
na may dalang mabigat na ulan,
karaniwang daan-daang kilometro o milya
sa diameter ang laki. Ang pagdami ng
bagyo ay maaaring epekto ng climate
change o pagbabago ng klima.
Ang mata ng bagyo, ito ay ang gitnang
bahagi ng namumuong ulap o bagyo.
Sinasabing ang mata ng bagyo ay isang
kalmadong lugar dahil isa itong low
pressure area.
Ang bagyo ay nabubuo sa gitna ng karagatan kung
saan ang mainit at malaming na hangin ay
nagtatagpo. Ang mainit na hangin o warm air ay
isang water vapor na nag-evaporate dahil sa init
ng dagat at habang ito’y umaakyat nagkakaroon
ng Low Pressure Area (LPA) sa paligid. Dahil sa
nabuong low pressure, naa-atract nito ang iba
malamig na hangin sa ibang lugar hanggang sa
ang malamig na hangin ay magiging mainit din at
bubuo ng mga ulap.
Ang direksyon ng malamig na hangin ay pababa
samantalang ang mainit na hangin naman ay
pataas.  Ang namuong mga ulap ay unti-unting
lalaki dahil sa init ng patuloy na pag evaporate ng
tubig galing sa dagat. Habang namumuo at
nagdidilim ang mga ulap, ito ay nagkakaroon ng
spiral o paikot na pag galaw dahil sa rotation o
ikot ng ating mundo, at ito ang paraan kung paano
nabubuo ang isang bagyo.

You might also like